.........
Troy POV
Nakakapagod yung klase ko. Ilang oras din akong nakatunganga. Tss. Sana di nalang ako pumasok. Di ko pa tuloy natapos yung pinapanuod ko kanina sa sinehan. Sana pala naisipan ko nalang na umabsent.
Naalala ko bigla yung babaeng nalaglagan ng mga gamit kanina sa mall. Palabas na kasi ako nun, medyo nagmamadali na din ako kasi malapit na pala mag 4pm, nalibang ako sa pinapanuod ko tapos nawili pa ko sa pagtingin ng mga gadgets after. Gusto ko magupdate ng phone.
Hindi na ko nakipag usap pa kasi may dalawa pa namang tumulong sa kanya. Siguro naman kaya na nung dalawa yun eh konti lang naman yung gamit na nalaglag.
Yun nga, pagdating ko naman ng school, eh wala naman palang kwenta gagawin. Sana naggala nalang ako. Tss.
Di pa rin mawala sa isip ko yung itsura ni kirin. Parang pamilyar sya saken eh. Parang nakita ko na sya date pero di ko lang maalala kung saan.
Maitext nga sya.
"Boo? Gising ka pa?"
Tumatawag pala sakin kanina si tin, kaso di ko nasagot kasi nasa loob ako ng sinehan. Di ko rin naman masabe kung nasan ako kasi baka mamaya pumunta nalang yun bigla.
"Yes boo, bakit?"
Buti naman gising pa to. "Uhm wala naman, busy ka?"
"Hindi po, actually nakahiga na, nagpapahinga. Ikaw?"
"Ganun din. Halos kakauwi ko lang din galing school eh. Tapos nagreready para bukas kasi alam mo na, uutusan na naman ako ni dad."
"Haha, pagod nga ren ako. Inutusan pa kasi ako kanina ni mama na imeet yung tita ko. Eh ayun. Lakad much. XD"
"Okay lang yan, mawawala din yan pag nakapagpahinga ka dba?"
"Korek ka jan! :> Ikaw din pahinga ka rin agad ah?"
"Oo naman syempre hehe. Dami pala naglike nung profile pic mo ah. Naks dami fans. :)"
"Nye, walang wala naman yun sa mga likers mo sa fb mo. Umaabot pa ng 500+. Sakin nga wala pang 50 hahaha."
"Atleast diba, mukha mo na yung naka display dun. Hindi na anime. Mas maganda nga yun, makikilala ka na nila."
"Eh di ko naman gustong makilala ako ng sinoman hehe. Ikaw lang kasi, pinilit mo ko kaya napilitan akong iupload yun. XD"
"Haha, wala naman kasing mawawala diba? Saka ang ganda mo kaya."
"Weeeehh! Bolero ka talaga haha. Yaan mo lilibre kita ng icecream pag nagkita tayo. HAHAHA!"
"Wow, icecream, gusto ko yan! Nga pala, sama ka sa GEB?"
"Hmm. Baka oo. Baka hindi. Di ko pa sure eh. Bakit?"
"Sumama kana! Sasama ako, para magkita na rin tayo diba?"
"Hmm yaan mo pag iisipan ko. Medyo matagal pa naman eh. :)"
"Sige pero sana makasama ka para masaya lalo. Aasahan kita boo. :) O pano, pahinga kana. mapupuyat ka na naman nyan eh. Lagi ka nalang puyat."
BINABASA MO ANG
Miss Taken Identity
Romansa[ON-GOING] "If you love someone very much, let him go free. If he doesn't come back, he was not meant to be yours. But if he does return, love him as hard as you can for the rest of your life." Is love more important than friendship? Can it really...
