.........
Emily POV
* tenenenten tenenenten tenenententen *
(Nokia Tune yan, ringing tone ng phone. XD)
[Hello? ... Hmm?.. Oo... Sige... Ah... Oo na.. Ge.. Babay...]
Si ian pala yung tumawag. Pagtingin ko ng oras, 5:30. WTF! Really?! Dapat gantong kaaga nya ko istorbohin para lang ipaalala na dapat kong sabayan sa pagpasok si bespie? Ang OA naman sa aga. Tss.
Nagpabali-baliktad ako sa kama, tinatry kong makatulog ulit kaso wala, nawala na ng tuluyan antok ko. Tinext ko nalang si bespie para alam nya na sasabay ako sa kanya ngayong umaga, tiyak ko maninibago yun. Eh hindi naman kami nagsasabay sa pagpasok, madalas kasi late ako o sya, ayaw naman namin maistorbo ang isa't isa kaya sa school nalang kami nagkikita.
Habang nakatitig ako sa kisame, iniimagine ko yung mga pwedeng mangyare sa plano ni ian. Syempre palagay ko bongga yun, si ian pa pag nagplano walang palya. Siguradong bonggang bongga yun. Kikiligin si bespie. Kung ako man ang nasa katayuan nya malamang sa malamang kikiligin din ako.
Itinaklob ko sa ulo ko yung isang unan ko.
"AAAAAAAHHHHH!" Sigaw ko habang nakataklob pa rin yung unan. Hindi ako pwedeng mag ingay baka mabulabog ko sila mommy.
Sana ako nalang yun, bakit kasi agad sya sumuko? Ayaw nya na bang magka second chance kami? Haaay.
Para na talaga akong tanga, pilit na umaasa sa bagay na mukhang malabo na talagang mangyari. Makabangon na nga at makapagready na.
***
On the way na ko kila bespie, sabi nya hihintayin nya daw ako. Alam mo yung feeling na para kang lalagnatin nalang bigla? Sana nga tumuloy na tong nararamdaman ko para magka excuse ako at di na makapunta ng school. Maiintindihan naman siguro ni Sir kung hindi ako maka attend ng practice ngayon. T_T
Kaso baka naman magtampo si ian pag ginawa ko yun, ilang beses pa naman nya kong pinapaalalahanan na wag ako dapat mawawala. Nananadya ata talaga to. Baka gusto nyang iparealize saken kung ano yung itinapon at pinakawalan ko date. Pero tama ba naman na gumanti pa sya? Babae pa rin ako no. -___-
Andito na pala ako sa tapat ng pinto nila bespie.
* toktoktok *
"Tao po? Bespie?" Nakailang katok din ako.
May nagbukas ng pinto. "Uy bespie, anjan kana pala. Teka kunin ko lang bag ko." Tumakbo sya sa may upuan na pinatungan nya ng gamit nya. "Tara?"
"Tara." Nginitian ko sya.
Kung alam lang ni bespie kung ano ang mangyayari ngayon, baka hindi na to nakatulog kagabe. Ay nako, inggit mode activated! -__-
"Bakit parang ang aga natin ngayon bespie?" Tanong nya.
"Maaga ba? Tama lang naman ah?" Pagcheck ko ng oras, 7:30 palang nga pala eh 9 ang practice namin. XD
"Oo kaya haha. Nakakapanibago ang aga natin. Mukhang tayo ang magbubukas ng school ngayon." Tawa sya ng tawa.
"Hahaha, ayaw mo nun? Sabay linisin na natin yung mga kalat dun sa grounds. Ehdi bongga!"
"HAHAHAHAHAH!" Para kaming timang pareho. Ang lakas ng mga boses namin.
Nakasakay na pala kami ng jeep. Medyo maluwag kasi sunday ngayon. Rest day ng lahat, maliban samen. Amf.
BINABASA MO ANG
Miss Taken Identity
Romance[ON-GOING] "If you love someone very much, let him go free. If he doesn't come back, he was not meant to be yours. But if he does return, love him as hard as you can for the rest of your life." Is love more important than friendship? Can it really...
