Part Two

6 0 0
                                    

The next day, maaga akong nagising dahil sa tunog ng cellphone ko. Akala ko alarm pero nang tiningan ko, it's a phone call so I answered it.

"Lucian!" I immediately put my phone away from my ears. Dahil sa sigaw ng tao sa kabilang linya.

"Napaka aga namang pambubulabog eve? anong kailangan mo?" I asked, annoyed.

"ay masungit? masama gising?" takang tanong niya sakin.

"kung boses mo ba naman ang bubungad sa akin sa umaga, talaga namang sasama ang gising ko." masungit na sagot ko sa kanya.

" Alam mo napaka sama ng ugali mo talaga." she said sarcastically.

"eh ano bang kailangan mo bakit ka napatawag? may problema ba? may kailangan ka bang files na hindi mo mahanap?" I worriedly asked.

"Alam mo ikaw, naka leave ka na nga't lahat lahat trabaho pa rin nasa isip mo. Mag relax ka naman." panenermon niya sakin habang ako naman iniirapan lang lahat ng sinasabi niya.

"Maka sermon ka naman, parang hindi tayo nagbakasyon last last month. May I just remind you; we were in thailand 2 months ago." saad ko sa kanya na ikinatawa niya.

"oo nga pala, sorry naman" sagot niya.

"oh, eh ano nga? inaaksaya mo nanaman oras ko." singhal ko sa kanya.

"hoy! grabe ka naman, wala lang makikibalita lang." she said then chuckle.

I knew it! Hindi pwedeng huli siya sa balita, kailangan lagi siyang una.

"Hindi ka talaga mabubuhay ng walang chismis noh?" sagot ko sa kanya.

" Nililigaw mo lang usapan eh, ano na nga? nagkita ba kayo ni doc?" puno ng pang aasar na tanong niya sakin. I can even picture her smirking.

I roll my eyes before I answer, " Malamang! best man nga di ba? tsaka tito niya yung pakakasalan ng tita ko talagang magkikita at magkikita kami."

"anong nangyari sa first meeting?" she asked so I have no choice but to tell her the whole story. Dahil kung hindi, buong araw niya akong kukulitin ng tawag.

Isang impit na sigaw ang pinakawalan niya matapos marinig ang buong kwento. Hindi niya na rin ako tinigilan sa pang aasar.

"Sige na, alam mo, sinasayang mo na oras ko. Marami pa kong gagawin today. Bye na baba ko na to" pagputol ko sa kadaldalan nya. Palibhasa maaga pa kaya ang dami pa niyang energy sa pagdaldal.

"Sus, if I know excited ka lang makasama si doc eh." pang aasar niya sakin.

"Tse! sabunutan talaga kita pagbalik ko dyan, sige na bye na" I said then ended the call. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magsalita dahil hindi talaga kami matatapos.

After I hang up the call, I did my morning routine and shower. Kasi hindi ko alam kung anong oras kami aalis kaya naligo na ko, para hindi rin ako magmamadali mamaya.

When I'm done with everything, I decided to go downstairs to have my breakfast. Nasa hagdaan pa lang ako, rinig ko na agad ang ingay ng mga pinsan ko. Nang tuluyan na kong makababa ay dumiretso na ko sa dining area dahil doon nanggagaling ang ingay.

"Wow!! excited yarn?" pang aasar ni james ng makita niya ako.

"Bihis na bihis ka na ate andra? nakakahiya naman saming mga hindi pa nakakaligo at nag aalmusal pa lang." dugtong naman ni Jane na sinang ayunan naman ng iba ko pang mga pinsan.

"ako nanaman nakita nyo ang aga aga ah." saway ko sa kanila na ikinatawa naman nila.

Pagkaupo sa dining ay siya namang pagdating ni auntie nina, we greet her good morning, so is she, then sit next to me to have her breakfast with us.

What  IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon