Part Fourteen

3 0 0
                                    

"Chandra" mahinang tawag niya sa akin. Tawag na parang may halong pagmamakaawang sumagot na ko.

For the nth time, I gather all the courage I have. I took a deep breath, told myself that I can do it, then I looked at him.

Nang mag angat ako ng ulo nasalubong ko agad ang mga titig niya. Nakita ko agad ang emosyon sa mukha niya. Yung mga mata niyang may lungkot at naghahanap ng kasagutan sa lahat ng mga tanong niya.

"I'm sorry, that time gulong gulo na ko. Bago ako umalis dito okay naman eh, bago tayo maghiwalay kaibigan ang tingin ko sayo. But things have changed when we were in high school. Yung araw-araw nating pag uusap sa chat and call, normal lang naman kasi dapat yun eh. Yung saya ko tuwing kausap ka wala lang dapat yun, kasi kaibigan naman kita. Not until my friends accidentally saw me talking to you, on the phone. Sabi nila iba daw yung kislap ng mata ko kapag kausap kita." I paused because I wanted to break our eye contact. Nilipat ko ang tingin ko sa lawa.

"Nasa school ka pa?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Oo, may practice pa kami eh." Sagot ko naman. Tumawag bigla siya dahil daw hindi ako nag rereply kanina pa. Nagpapractice kasi kami at hindi ko mahawakan yung cellphone ko dahil masyado kaming focus. Saktong tumawag siya nang mag water break kami.

"Hanggang anong oras?" seryosong tanong niya.

"Siguro pinakalate na yong six." Sagot ko naman

"Six?!" he exaggeratedly shouted.

"Ang OA naman ng sigaw mo. Maaga pa yun, Marami pang tao sa kalsada. Tsaka may mga kasabay naman ako." Paliwanag ko.

Napatingin naman ako nang biglang umupo sa harap ko sila eve, ang mga kaibigan ko. Sumenyas sila sa akin, tinatanong kung sino kausap ko. I just shooed them kaya naghagikgikan sila, So, I gave them a death glare.

"Sino?! Tsaka anong maaga? Madilim na yun? Uwi ba yan high school student?" tanong niya ulit. I rolled my eyes.

"Kasabay ko mga kaibigan ko okay? Don't worry safe naman ako." Sagot ko naman sa kanya.

"Tawagan mo na lang si Tito." Suggest niya.

Hay Ethan. Kahit kailan, napaka protective.

Napangiti naman ako. " Ethan," nakita kong nakangising napatinigin sa akin ang mga kaibigan ko.

"Ang OA mo, I'm okay, I'm going to be safe. Sige na, I'll text you when I'm home." Sabi ko sa kanya. Binaba ko na ang tawag. Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa.

'UPDATE ME, KAPAG PAUWI KA NA AT KAPAG NAKAUWI KA NA. I SWEAR CHANDRA.'

Nakangiting umiling na lang ako sa text niya.

"Naku, Iba na yan ah! Sigurado ka bang best friends lang kayo nyan." Pang iintriga ni eve.

"Pinagsasabi mo dyan" kunot noong tanong ko.

"Naku, hindi mo kami maloloko dito. Ibang iba ang mga ngiti mo kapag kausap mo yang "best friend" mo na yan." Sagot ni Sandra.

"Kayo ang malisyosa nyo. Kakabasa nyo yan ng pocketbook at kakanuod ng drama. Pati ako dinadamay nyo." Sagot ko sa kanila.

"Ang sinasabi lang namin. Eyes don't lie Chandra." Saad ni wendy.

"Ha?" lalong kumunot ang noo ko.

"Ilang beses ka na naming nakita na iba ang ngiti at kislap ang mata kapag yang Ethan na yan ang kausap mo. Naku, Mag ingat ka. Baka kaya hindi mo inientertain yung mga nagtatangkang manligaw sayo dahil gusto mo yan si Ethan." Eve said.

What  IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon