Part Six

2 0 0
                                    

When we arrived at the rooftop, I immediately looked around then went to the parapet, where I can clearly see the view of the whole school. Memories instantly flashed through my mind. Ang daming nangyari sa akin sa school na ito. At itong rooftop ang saksi sa lahat ng sakit, pati na rin kasiyahan. Ito ang nagsilbing safe space ko noon. Dito ako nagpupunta kapag gusto kong tumakas at umiyak. Dito ako nagtatago kapag pagod na pagod na ako sa pambubully ng mga kaklase ko.

Naalala ko walang nakakapunta sa lugar na ito dahil bawal; para nga naman sa mga elementary students, talagang pagbabawalan kayong pumunta sa matataas na lugar. Natagpuan ko itong lugar na ito noong panahon na tinatakbuhan ko sila william.

Inaasar kasi nila ako noon na mataba at panget. Kasi yung itsura ko naman talaga noong bata ako, mataba tapos hindi pa ko maputi noon, hindi rin ganun katangkaran and mahiyain pa, hindi ko alam kung bakit, hindi na nga ako masyadong nagsasalita tampulan pa rin ako ng tukso.

Hindi ako katulad ni Ethan na noon pa man, he's a social butterfly, maraming gustong makipagkaibigan sa kanya. Dahil na rin sa magiliw niyang ugali. Lahat nakakasundo niya, lahat kaya nyang pakisamahan kahit bata pa siya. Lahat natutuwa sa kanya.

I've known Ethan even before pa kami pumasok sa school. Our families are good friends and their house is literally across ours. Madalas niya ko kinukulit kasi nga kapag pumunta sila sa bahay namin or kami sa bahay nila, tahimik lang talaga ko, hindi katulad niya na bibo. Noong nalaman ko nga na naka enroll kami sa iisang school kinabahan ako, dahil baka siya pa ang mambully sa akin.

Gladly it didn't turn out that way. Si Ethan lagi niya kong inaasar noon kapag kaming dalawa lang or nasa bahay lang, pero pagdating sa school, nagagalit siya kapag may ibang nang aasar sa akin. Kaya dati naiinis ako pag andyan siya kasi lagi lang naman niya akong inaasar. Pero simula nung ipagtanggol niya ko, pakiramdam ko kapag nandyan siya safe ako. He became my Bestfriend, my knight. Kahit madalas niya kong asarin nararamdaman ko pa rin yung pag aalaga at care niya sa akin.

My thoughts have been cut off when Ethan suddenly speak "Ang daming nagbago sa school na to, pero itong place na to, ganun pa din." bigla akong napatingin sa kanya dahil sa sinasabi niya.

"Kung may nagbago man dito siguro pintura lang" dugtong pa niya.

"Buti nga hindi nila naisip na baguhin eh." simpleng sagot ko sakanya at tsaka inikot muli ang tingin sa buong rooftop.

"Alam mo bang kahit highschool na ko, dito pa rin ako tumatambay. Thanks to you." he said.

Then I remember the time, kung paano siya napunta sa lugar na to.

Grade 6 na kami noon, pumunta ako sa rooftop dahil sobrang hiyang hiya ako, parang feeling ko wala akong mukhang maihaharap pa sa mga kaklase ko. Lunch time kasi and palabas na sana ako ng room para maglunch sa canteen nang bigla akong nadapa dahil sa pagtalapid sa akin ni William. Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko dahil sumubsob yung mukha ko sa sahig. Kaya tumayo ako agad at dumiretso na sa rooftop.

I was silently crying when someone spoke.

"sabi ko na nga andito ka." I lifted my head to see who it is

"anong ginagawa mo dito?" I said while sobbing, trying to stop myself from crying in front of him.

"dito ka naman laging napunta eh." sagot niya tapos umupo sa harap ko.

"ha?" I asked flustered.

"Nakita kita dito noong isang araw, kukulitin sana kita kaso nakita kong ang seryoso mo kaya hinayaan na lang kita. Tapos kanina nung nalaman ko yung nangyari and sabi nila danna bigla ka na lang umalis, I tried looking for you sa playground and sa garden pero wala ka and then I remember this place. That's why I'm here." he explained.

What  IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon