Part Sixteen

1 0 0
                                    

Hinayaan lang akong ni ethan. Nakaalalay lang siya sa akin habang umiiyak.

Nang kumalma na ko ay nakangiting tumingin ako sa kanya.

"I'm sorry, nakita mo pa tuloy akong ganito. Hindi naman dapat eh"

"I'm your bestfriend pwede mong ilabas lahat ng hinanakit mo sakin" sagot naman niya.

Mahina naman akong napatawa sa sinabi niya, kaya kunot noo siyang tumingin sa akin.

"Bakit?" tanong niya.

"I literally confessed to you earlier tapos bestfriend?" pabirong sagot ko sa kanya para pagaanin sana yung pag uusap namin. Pero agad namang nawala ang ngiti sa labi ko nang mapansing bigla siyang tumingin ng diretso sa akin.

Nagpanic ako. Magsasalita na sana siya nang unahan ko siya.

"Hindi pa ko tapos! Ako muna." dugtong ko,kaya tinikom niya ulit yung bibig niya.

Nang maramdamang medyo magaan na ang puso ko ay nagpatuloy na ako.

"Nakakalungkot at sobrang sakit na nawala si lolo na may sama ng loob sa akin. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya nang buhay pa siya." I sadly smile.

" Nung gabi bago siya isugod sa ospital at macoma nag away kaming dalawa. I remember, I was so frustrated and tired that day dahil sa mga schoolworks and exams ko then nung umuwi ako, unconsciously naibunton ko sa kanya lahat. Nasigawan ko siya, may mga nasabi akong alam kong nasaktan siya. Ganun ako kasamang apo." I took a quick glance at him.

"Kaya noong mawala siya sobra kong sinisisi yung sarili ko at hanggang ngayon everytime na bibisatahin ko siya lagi akong humihingi ng tawad sa kanya."

Bago magpatuloy ay tumingin muna ako sa kanya. Seryoso din siyang nakatingin sa akin na para bang handa nang marinig ang susunod na sasabihin ko. Tumikhim muna ako, pagkatapos ay iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya bago ako nagsimula ulit.

"Noong gabing malaman ko na wala na si lolo, wala akong ibang naisip na takbuhan kundi ikaw. Sayo ko mas piniling ilabas lahat ng nararamdaman ko nung gabing iyon." I smile at him, sadly.

"Tinawagan kita pero hindi ka sumasagot, nakailang tawag ako pero nagriring lang. Sinubukan kong tawagan ka ng tawagan pero wala talaga pero hindi ako sumuko, nag dial ulit ako, sa pangatlong ring may sumagot, babae......"

"Hello?!" inis na sagot ng babae sa kabilang linya.

"Si Ethan?" nauutal na tanong ko sa babaeng kausap sa kabilang linya.

"Natutulog! Ano bang kailangan mo? Gabing gabi na natawag ka pa! Istorbo ka sa amin alam mo ba yun?" mataray na sabi niya sa akin.

"Kailangan ko lang siyang makausap please?" mahinang pagmamakaawa ko sa kanya.

"Miss, kung hindi pa malinaw sayo, this is ethan's girlfriend and sabi ko sayo tulog nga si ethan pagod and I don't have a heart to wake him up just to what? talk to you? please! you're not that important! Best friend ka lang!" dire diretsong sabi niya mula sa kabilang linya.

Pinipigilan kong umiyak habang kausap siya. Sobrang bigat ng nararamdaman ko kaya nga tinawagan ko siya tapos ito yung makukuha ko.

"Oh! Yes! I know you, gulat ka ba? lagi kang binabanggit ni ethan sakin madalas ka nga naming pag awayan eh. Nasistress ako, marinig ko lang pangalan mo,then now kausap pa kita. In the middle of the night my gosh! Look chandra, right? alam ko na yang mga ganyang galawan, I know hindi lang basta bestfriend ang tingin mo sa boyfriend ko so bibigyan kita ng tip ha, habang maaga pa, save yourself, hindi ka magugustuhan ni ethan, hanggang kaibigan ka lang. Kaya kung ako sayo, iwasan mo na lang si ethan, wag ka na tumawag, wag ka na magreply sa chat, hindi mo ba alam na nakukulitan na rin si ethan sayo. Ang layo layo mo na para ka pa ring tuko na nakakapit kay ethan, stress lang dala mo saming dalawa eh, makakasira ka lang ng relasyon.okay? Bye! " dire diretsong sabi niya pagkatapos ay pinatay niya na ang tawag.

What  IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon