The wedding reception goes down well. Our family and the guests enjoyed it so much because of the lively host and some silly things that the couple added to the regular program. Everyone got excited when it's time to toss the bouquet. All of them have their own bets. All the single ladies were pushed at the center including me, who was pulled out of my seat by almost all my relatives and got a special mention from Auntie Nina. She even said that she will not start the game if she'll not see me at the center. What a pressure! Hindi naman masyadong halata na gusto na nila akong ipamigay noh? So, I don't really have a choice but to participate.
Luckily, I didn't get it. The bouquet went to one of Auntie Nina's colleague. Nakita kong medyo nadisappoint pa mga kamag anak ko. I scoffed, as if naman pag sakin napunta yun ako na agad ang ikakasal, paano? eh wala nga akong jowa.
Pagkatapos ng reception proper, Auntie Nina and Uncle Donny announced the start of the after party. Pero hindi pa agad nagpalit ng party music dahil sabi ng couple enjoy daw muna ang sweet ambiance. Napatingin ako sa dance floor and I saw my parents and my Tito's and Tita's already dancing sweetly along with the couple. Nagmistulang prom na yung reception. Napatingin naman ako sa mga pinsan ko na isa isa na ring nagtayuan.
"Namiss ko to, parang prom!" Jane said.
"May isasayaw ka ba?" tanong ko naman sa kanya.
"Malay mo naman, hindi naman lahat ng nandito kamag anak natin. Duh!" sagot niya sakin. "kukuha ako drinks, tapos mag aantay na ko kung may magaaya or kung may makita akong aayain" she giggles. "gusto mo rin ba?" tanong niya.
Kunot noo akong tumingin sa kanya.
"Ng ano? sasayaw? sino naman mag aaya sa akin dyan? No! Thanks, dito na lang ako" dire diretsong sagot ko sakanya. Saka sumandal sa kinauupuan ko.
"Pinagsasabi mo dyan?" nakakunot noong tanong niya rin sa akin.
"Tinatanong ko kung gusto mo rin ng drinks, anong sayaw, sayaw. Uyy! ikaw ah! may inaantay ka noh?" pang aasar na dugtong niya.
Mas lalo namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Anong inaantay wala ah!" depensa ko.
Nagkibit balikat lang siya. "so ayaw mo nga?" tanong niya pa ulit.
"Ng ano nga?" masungit na sagot ko na sa kanya.
"drinks nga?" sagot niya ulit.
Tinaas ko sa kanya yung basong kanina ko pa hawak na may laman pang inumin. Tumango lang siya sa akin na parang nakuha na ang ibig kong sabihin.
"Okay sabi mo eh, sige alis na ko andyan na ata yung mag aaya sayo" dire diretsong sabi niya at pagkatapos ay umalis na sa harap ko, na parang kinikilig pa. Napailing na lang ako sa kalokohan ng kapatid ko.
Napatingin ako ulit sa dance floor at nakita kong nandun na rin sila James at Jester kasayaw ang mga girlfriend nila. Maging ang iba kong mga pinsan ay wala na rin sa table namin. Ako na lang naiwan mag isa.
Ang haharot! Iniwan talaga ako mag isa?! wala man lang nakaisip na ako ang ayaing sumayaw?
Nilaro ko na lang ang basong hawak ko at akmang iinumin ang laman nito ng bigla akong may narinig sa may likuran ko.
I turned my back when I heard someone fake coughing.
"Ginagawa mo?" tanong ko.
Ngumiti lang si Ethan at tsaka dahan dahang nilahad ang kamay niya. Tiningnan ko yung kamay niya at siya bago ko napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Nakakangalay ah!" reklamo nya.
I hissed at the same time held his hand. He smiled then led me to the dance floor.
When we reach the dance floor, he put my hands on his shoulder while his hands are resting on my waist. He looked at me intently as we start to move our body, and dance slowly.
Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin habang sumasayaw.
Myghad! How can you do that Ethan? How can you smile at me like that?
Habang ako dito, yung puso ko ang bilis na ng tibok. Takot na baka naririnig mo. Tapos ikaw ngisi ngisi ka lang dyan. Sarap mo din talagang batukan minsan.
Habang nagsasayaw, napatingala kami ng biglang magbago ang tugtog. From Jim Brickman's Your Love to Gino Padilla's Closer you and I. Nagkatinginan kami ni Ethan bago lumingon sa lugar kung saan nakapwesto ang dj, Nakita namin si Nikki at Jane na nakatayo doon, kumaway pa sa amin bago nagmamadaling bumaba mula sa pwesto ng disc jockey.
Napailing na lang kami pareho ni Ethan sa kalokohan ng mga kapatid namin at nagpatuloy sa pagsasayaw.
"May naalala ako sa ganito" He said then smirked at me.
I frowned. I already know what he's talking about.
"Dito ko nalaman na crush mo ko" my eyes widened at what he said.
Ang kapal talaga ng apog nito! I mean, I vividly remember na may kakaiba akong naramdaman during that time, but I also remember that I was in denial and kept telling myself that it was just nothing, it can't be possible that my heart flutters at a young age. And it's impossible to have a crush on him. Him! Ethan! Si Ethan na unggoy at asungot sa paningin ko. Si Ethan na bestfriend ko.
Well! jokes on you young Chandra! Makalipas ang ilang taon, nabusog ka lang din sa mga pinagsasabi mong buang ka!
"Hoy! Excuse me ang feeling mo naman, sino kaya yung nag aya sa akin sumayaw? Di ba ikaw? Baka ikaw may crush sa akin. Tsaka malay ko naman sa crush crush noon. Magha high school pa lang tayo noon. Nag iimbento ka na naman dyan. Scientist?" dire diretsong depensa ko.
Yes! We're talking about the "closer you and I" incident. Yung ginaya niya yung ginawa ni gerald kay kim sa commercial but siya dinagdagan niya.
Ethan just keep on lip syncing while making funny faces and ugly dancing, reason for us to be on the floor laughing so hard. But we stopped suddenly when he became serious. He's still singing but he's now looking at me intently. I don't know why, but when he looks at me that way, I felt my heart skipped a beat. I looked at Jane and Nikki, they also looking at me flustered. When I turned my gaze back to Ethan I was surprised when he's just an inch away from me. And since I was sitting on the floor, he bent down a little for our gazes to meet. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya, pero agad niya naman itong naibalik nang hawakan nya ang baba ko. Naririnig ko na rin ang impit na tili ni Nikki at Jane kaya naman pinandilatan ko na ng mata si Ethan, pero ang unggoy na to nginitian lang ako at feel na feel pa rin ang pagkanta.
Tinabing ko naman yung kamay niya na nakahawak sa baba ko. "Ano na namang trip mo?" Tanong ko sakanya.
Ngumiti lang siya ulit sa akin, pagkatapos ay nilahad ang kamay niya. Kunot noo ko lang siya tiningnan. "Wala naman yan sa commercial ah" nauutal na sabi ko, hindi na alam kung anong gagawin dahil sa hindi maintindihang bilis ng tibok ng puso ko.
"Kunwari meron" sabay na sabi ni Jane at Nikki. Lumingon ako sa kanilang dalawa at nakita kong tumayo na sila, lumapit sa akin at hinawakan ang isang kamay ko para ibigay sa nakalahad na kamay ni Ethan. Naramdaman kong hinila na ko ni Ethan, balak ko pa sanang kontrahin pero agad niya kong nahila dahil pwersahan na akong itinayo ng mga kapatid namin.
"Anong trip mo?" masungit na tanong ko sa kanya.
"Wala lang, for sure kasi hindi na kita maisasayaw sa prom mo." sagot niya sakin.
"Huh?" I asked, flustered.
"Di ba aalis na kayo, hindi ka na magha highschool dito. Hindi na natin sabay mararanasan yung prom. Kaya bago ka pa maisayaw ng iba pang boys sa prom na aattendan mo in the future, uunahan ko na sila. Para masabi ko na ako pa rin yung First Dance mo." nakangiting sabi niya sa akin.
"Ewan ko sayo" tanging naisagot ko sakanya.
Umiling na lang ako at sinabayan ang trip niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/265023052-288-k929155.jpg)
BINABASA MO ANG
What If
Любовные романыHave you ever been in the situation where you love someone for so long and you don't even know why? You just simply love that person even if he/she doesn't know your feelings and no longer have communication with you. But what if, one day fate g...