Napatingala ulit kami ng matapos na ang tugtog at napalitan na naman ng isa pang slow music. Tumingin ako sa paligid at ngayon lang ulit napansin na hindi lang kami ang tao sa dance floor. Dahil kanina the moment na nag umpisa na kaming magsayaw ni Ethan parang nawala na yung mga tao sa paligid namin. Pakiramdam ko kami lang ni Ethan ang tao dito, na andito kami sa sarili naming mundo.
Binibini
Alam mo ba kung pa'no nahulog sa 'yo?
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sa akinAng tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba akoIsayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako"I remember that day vividly..." binalik ko ang tingin ko sa kanya nang bigla siyang nagsalita ulit.
I looked at him again, flustered.
"And yes, favorite song ko ang Closer You and I because it reminds me of you. Alam mo ba everytime na naririnig ko yan, automatic yung day na yun ang naalala ko. It was a memorable but at the same time a sad day for me." seryosong dugtong niya.
"Because that was my last day here?" mahinang sabi ko. He slowly shook his head.
I frowned at him.
"Because that was my last day with my other half, my partner in crime, my playmate, my confidant, My best friend. Kung alam ko lang na doon magsisimula, sana pala pinakiusapan ko sila Tita na wag nang umalis." He said sadly. looking straight at my eyes.
"But Thank you ah" he suddenly added.
"Hm? para san na naman?" medyo paos na tanong ko sa kanya dahil parang nawala yung boses ko sa mga sinabi niya. Nanghihina na rin ang mga tuhod ko, buti na lang nakakapit ako sakanya.
"For coming back" he simply answered.
I smiled at him. "Of course, edi lagot ako sa mga kamag anak ko pag di ako nagpa......"
"To me." singit niya sa sinasabi ko.
I looked at him flustered. I even gasped because my heart is beating so hard.
Mukhang nahalata nyang wala akong masabi kaya nagsalita na ulit siya.
"Thank you for giving me a chance to be with you again. To create a new memory with me again." he said.
"Thank you because you're still my Chan, my best friend." Dugtong niya.
Ethan, hindi ko alam kung ako pa rin yung Chandra na kilala mo. Kasi yung Chandra na kalaro mo noon, kaibigan ang turing sayo, mahal ka bilang kaibigan. Pero yung Chandra na kaharap mo ngayon, mahal na mahal ka, hindi bilang isang kaibigan kundi bilang ikaw. Ikaw mismo. Yung Chandrang nasa harap mo ngayon ilang taon ng baliw sayo. Matatanggap mo pa ba ko? Masasabi mo pa kaya yan pag nalaman mo yung totoo nararamdaman ko? Hindi mo ba ko iiwasan?
"You're so important to me Chan, na kahit yung simpleng pag uusap ulit natin, yung pag aasaran. Itong buong 3 weeks na kasama kita, big deal sa akin. It's like you're really back and we are starting again, creating a new memories together just like the old times. And natatakot ako na kapag bumalik na tayo ulit kanya kanya nating buhay. Mawala ka ulit. Hindi mo na ako ulit kilala. Hindi ko alam ano pa mararamdaman ko Chandra." He flashed a faint smile.
"I missed you so much. I missed my .... " he paused again because his voice cracked. He cleared his throat and smile at me as if he's holding back his tears then he continued.
"I missed best friend so much." he said in a lower voice. I looked straight into his eyes and I saw his tears welling up.
I also felt my tears welling up in my eyes. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, nakatingin lang ako. Wala na siyang sinabi pa sa akin, tumingin na lang din siya habang nagsasayaw kami. Nginitian ko siya at sa hindi ko malamang dahilan kusang kumilos yung katawan ko. Niyakap ko siya.
Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko pero hinigpitan ko pa yung yakap ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung makita man kami ng mga kamag anak namin or kung may ibang tao man sa paligid namin. Si Ethan lang ang importante. Just this once, I want to be selfish again, I want to feel his embrace, to be wrapped around his arms even if it is for the last time.
I rest my chin on his shoulder then I close my eyes. Sinusulit ang mga oras na mayayakap ko siya ng ganito. Hindi nagtagal naramdaman ko na yumakap na rin siya akin.
Habang nakapikit akong nakayakap sa kanya, nag flash lahat ng alala namin sa utak ko. Mula noong nagkakilala kami, kung paano kami naging malapit sa isa't isa. Ang mga pagtatanggol niya sa akin noon, mga memories namin sa rooftop, kung paano ko sinabi sa kanya na aalis na kami hanggang sa araw ng pag alis ko.
Maging itong buong tatlong linggong kasama ko siya. Parang pinakita sa akin yung mga memories na yun para ipaalala sa akin na sa kabila ng mga luha ko na bumuhos dahil sa kanya, sa lahat ng lungkot at sakit. Hindi maipagkakaila na mas marami pa ring akong babaunin at babalikang masasayang alaala.
"I missed you too." bulong ko sakanya.
Hinigpitan niya lang yung yakap niya sa akin.
and I love you
Wala nang nagsalita pa sa aming dalawa, sumayaw na lang kami habang magkayakap. Sinasabayan ang saliw ng musika, dinadama ang bawat minutong magkasama kami.
BINABASA MO ANG
What If
RomanceHave you ever been in the situation where you love someone for so long and you don't even know why? You just simply love that person even if he/she doesn't know your feelings and no longer have communication with you. But what if, one day fate g...