Inaya kami ni Ma'am Elena sa office niya para doon ipagpatuloy yung pakikipagkamustahan sa amin. Ang dami niyang kwento sa akin. Yes, sa akin lang dahil madalas naman daw silang mag usap ni Ethan kahit sa phone. Nagulat pa nga ako, pero happy din na grabe throughout these years napanatili nila yung closeness nila.
Sabi pa nga ni Ethan she's like his second mother na daw kasi halos lahat alam niya tungkol kay ethan. Pati ex-girlfriends niya kilala. Medyo nakaramdam ako ng konti kirot dun pero syempre hindi ko pinahalata yun dahil strong nga dapat ako.
After naming makipag kwentuhan kay Ma'am Elena ng siguro mahigit isang oras din, nagpaalam na kami na mag iikot ikot sa buong school dahil namimiss na rin namin ito. She also said sorry dahil hindi niya daw kami masasamahan sa pag iikot dahil marami pa raw siyang gagawin. Ethan and I just told her that it's okay with us and also said sorry kasi nakaistorbo pa kami sakanya.
Nang makaalis sa opisina niya ay una naming pinuntahan yung playground. Naalala ko noon madalas kami dito kasi nga bata, malamang mahilig mag laro.
"Grabe ang dami na nagbago dito oh" sabi ko kay Ethan pagkarating namin.
Dati kasi maliit lang talaga yung playground tapos ang meron lang ay isang monkey bar at dalawang swing. Ngayon, may slide na, tatlong monkey bars, anim na swing at seesaw. Nadagdagan na rin yung maliit na gazeebo sa paligid.
"Naalala ko, dito ako naglalaro noon nung tuturukan tayo, tapos ikaw, ayaw mo kasi takot ka sa injection. Kaya tumakbo ka papunta dito para magtago" natatawang kwento niya habang ako naman ay umupo na sa isa sa mga swing, siya naman ay tumapat sa akin.
I roll my eyes at him then chuckle "oo tapos ikaw bida bida ka, tinuro mo naman kung san ako nagtatago. Nahanap tuloy ako nila mama." sagot ko sa kanya na lalong ikinatawa niya.
"Pero sinamahan naman kita noon ah." pagtatanggol niya sa sarili.
Tapos na kasi siya noon na magpaturok kaya nagulat ako noong nakita ko siya sa playground. Sinenyasan ko na siya na wag akong ituro sa parents ko dahil ayokong magpaturok noon at nagtago ako sa likod ng malaking puno.
"anong ginagawa mo dito? alis ka nga dyan,makikita ako nila mama sa ginagawa mo eh" taboy ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin.
"eh ikaw? bakit ka nagtatago dyan? di ba dapat tuturukan ka?" tanong niya sa akin.
narinig ko na boses nila mama, kaya hinila ko siya para mapaupo na rin siya at hindi kami makita dito. Malaki tong puno at siguradong hindi kami makikita dito kahit dalawa pa kami at tsaka maliit lang naman mga katawan namin eh bata pa kaya kami.
"obvious ba? pinagtataguan ko sila mama." sagot ko sa kanya.
"bakit naman?" tanong niya ulit.
"ayoko magpaturok" sagot ko sa kanya.
"bakit? sabi nila mama kailangan natin yun eh sabi din nila teacher." sagot naman niya sa akin.
"ayoko, ayoko, masakit" sagot ko ulit sa kanya.
"hindi naman eh, tingnan mo nga sakin oh" sabi niya sabay pakita nung kanang braso niya na may bulak at tape pa. "tsaka mabilis lang naman yun, pikit ka lang" dugtong pa niya.
"ayoko, sabi ni william sobrang sakit daw, hindi ko daw kaya yun kasi mahina ako, tapos andun pa siya ngayon nakabantay sa tabi ng nurse, aantayin niya daw yung turn ko tapos pipicturan niya daw mukha ko." mangiyak ngiyak na sabi ko sa kanya.
"naniwala ka naman dun, kaya mo yun, magpaturok ka na kailangan mo yun, para healthy ka" pagkumbinse niya sakin tapos hinihila nya na ko.
"eh ayoko nga, ayoko makita yung karayom, umalis ka na nga dito. Maglaro ka na lang dun." sagot ko sa kanya sabay bawi ng kamay ko.

BINABASA MO ANG
What If
RomantikaHave you ever been in the situation where you love someone for so long and you don't even know why? You just simply love that person even if he/she doesn't know your feelings and no longer have communication with you. But what if, one day fate g...