"Sigurado ka na bang ayaw mong magpasama hanggang sa makita mo lang siya?" tiningnan ko ng masama si James, dahil hindi ko na mabilang kung pang ilang beses niya na ko tinanong.
"Ang kulit naman talaga ng bunbunan mo eh, alam ko tong lugar na to, hindi ako mawawala dito. Easy ka lang cousin!" nakangiting sabi ko sa kanya.
Kasalukuyan kaming nandito sa kotse niya na kakapark lang dito sa parking lot ng picnic ground, kung san kami magkikita ni ethan. Dapat nga susunduin niya ako kanina para daw sabay na kami, pero sabi ko sa kanya wag na dahil nagpumilit si James na ihatid ako dahil may bibilhin din siya sa bayan. Pero ang totoo nyan, ako ang pumilit kay James na ihatid ako. Kinailangan ko pang maglabas ng pera para kumilos, walangya talaga. Nagdahilan lang ako kay Ethan na si James ang maghahatid sa akin dahil ayoko lang na after namin mag usap ihahatid niya pa ako pauwi.
"andito na daw ba siya?" tanong ni James. Agad naman akong tumango dahil kanina habang nasa byahe kami papunta dito, nagtext na si ethan na andito na siya.
"Ready ka na ba?" seryosong tanong niya sa akin. Tumingin lang ako sa kanya.
"Or uuwi na tayo?" tanong niya ulit. I immediately shook my head and glared at him.
He snorted. "Easy ka lang." he said.
"Kinakabahan ako. sapukin kita dyan!" sagot ko sa kanya. "Baba na nga ako, kung gusto mo umalis go lang, tawagan na lang kita" sabi ko sa kanya at tsaka bumaba na ng sasakyan.
Mag uumpisa na sana akong maglakad nang bigla niyang binaba yung bintana ng sasakyan.
"Bakit?" tanong ko.
"Dito lang ako. Kapag tapos na kayo mag usap dito ka na dumiretso wag ka nang umikot ikot habang umiiyak dyan sa loob." sinimangutan ko lang siya dahil sa sinabi niya.
"Di ako aalis, Ikaw lumayas ka na at puntahan mo na si Ethan para nakakapag laro na ako. Alis na! Antayin kita dito." dugtong pa niya tsaka dahan dahang sinara yung bintana ng sasakyan.
Habang naglalakad papunta sa lugar kung saan kami mag uusap ni Ethan tumitingin tingin ako sa paligid.
Bata pa lang kami sikat na tong picnic ground na to. Bukod kasi sa malapit, ito lang ang katangi tanging park na pwedeng pasyalan noon. Katabi din ito ng lake kaya karamihan ng mga tao ay gusto dito dahil sa preskong hatid nito, pati na rin ng mga punong nakatanim sa paligid.
Noong mga bata pa kami madalas kaming magbike ni Ethan kasama ng mga pinsan namin. Pero kapag kaming dalawa lang, madalas dito kami dumidiretso para magpahinga. Dahil sa naging tambayan na namin ito nagkaroon na kami ng sarili naming "spot", yung bench na nakaharap sa lawa at katabi ng isang puno ng narra. Sana lang ang nandoon pa iyon, dahil napansin ko habang naglalakad ako ang dami nang nagbago sa lugar na ito.
Nang matanaw ko na si Ethan, agad akong nakaramdam ng saya sa puso nang makita siyang nakaupo sa usual spot namin. Tumigil muna ako at pinagmasdan ang likod niya. Nakaharap siya sa lake, hindi ko makita yung mukha niya pero base sa upo niya parang ang layo ng tingin niya at malalim ang iniisip, dahil nakita ko rin ang pagbuntong hininga niya.
Habang pinagmamasdan ko siyang nakaupo sa noong tambayan namin parang nakita ko ang batang Ethan at Chandra na payapang nakaupo sa bench, nagpapahinga bago magbisikleta ulit. Nag aasaran, minsan naman ay naglalaro ng bato bato pick o di kaya'y nagpapalayuan ng batong hinahagis sa lawa. Yung Ethan at Chandra na walang ibang iniisip kundi ang maglaro.
Si Chandra na masaya at si Ethan na makulit at parang walang pakialam sa ibang bagay. Sana ganun na lang ulit. Sana hindi na kami lumaki at mas nagkaroon ng malay pa sa mundong ito. Kung pwede lang na habang buhay kaming maging bata na walang ibang alam kundi laro, mas pipiliin ko yun.
BINABASA MO ANG
What If
RomansaHave you ever been in the situation where you love someone for so long and you don't even know why? You just simply love that person even if he/she doesn't know your feelings and no longer have communication with you. But what if, one day fate g...