Part Thirteen

2 0 0
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya, gulat sa mga sinasabi niya at pilit na pinapakalma ang puso ko.

Matapos ang ilang minutong pagbibiruan pareho kaming natahimik. Nakatingin lang kami sa lawa at tanging mga huni ng ibon, mahinang tunog ng mga dahon na hinihipan ng hangin ang namumutawi.

"Bakit nga pala gusto mong makipag kita? Di ba dapat nag iimpake ka para sa flight mo bukas?" biglang tanong niya. Tumingin lang ako sa kanya.

"Anong sasabihin mo?" dugtong niya pa. Kaya lalo akong kinabahan.

Kaya mo yan Chandra!!

I cleared my throat, tried to open my mouth to answer him but no words came out of it. Ethan just stared at me with a questioning look.

Hindi ko alam paano mag sisimula! Lintek Chandra ano na? nasa harap mo na oh! wag kang maduduwag, tapos ka na dun. Ilabas mo na yan para matapos na.

I was ready to say something when Ethan suddenly spoke.

"Sige, ako na lang magtatanong, para di ka na mahirapan okay ba?" nakangiting sabi niya sa akin.

I took a deep breath before I nodded.

"Why?" Seryosong tanong niya sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

My brow furrowed at his question. Nag aantay pa ko ng idudugtong niya pero nakatingin lang siya sa akin.

"Anong why?" tanong ko.

He just shrugged.

"Ewan! ang daming why sa isip ko." sagot niya sakin. He scoffed.

"Ang yabang ko no! Akala ko rin marami akong itatanong. Before I came here, ang dami nun eh, but when I already saw you, parang nawala lahat. Kaya yan lang lumabas sa bibig ko. Anyway, maybe because that's the main question. Yan yung paulit ulit na bumabagabag sa akin, noon pa man." Dugtong niya pa.

After hearing what he said, I gathered all my courage and started talking.

"Bakit hindi ka galit sakin?" I asked, he just stared at me, so I continue.

"I broke our promise, hindi ako tumupad sa usapan, bigla na lang akong nawala." seryosong sabi ko sa kanya.

Ilang minuto niya akong tinitigan bago sumagot.

"Grabe ka naman sa galit, alam mo namang noon pa lang hindi ko kayang magalit sayo. Pero oo, aaminin ko,hindi naman ako santo. May mga pagkakataon na sinubukan kong hanapin sa puso ko yung galit para sayo. Kasi hindi ko maintindihan bakit bigla ka na lang nawala. Bigla mo kong iniwan, Bigla mo kong binitawan." He said.

"But you know what I found. Tampo." He scorned.

"Its so funny, that I can't be angry at you." he said while looking at me with a pained smile.

He sighed. "Nakakatawa na kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na magalit, hindi ko kayang ibigay sayo. Nagtatampo, oo. Pero galit?" he pauses then gave me a wistful smile.

"Masyadong mabigat yung word na galit para ibigay sayo. Kasi naniniwala pa rin akong hindi mo naman gagawin yun ng walang dahilan." He continued.

" I broke our promise!" mariing sabi ko na para bang pinagpipilitan kong magalit siya sakin.

"Sometimes we can really break promises Chan, nasa tao na rin naman kung iintindihin niya bakit kailangang masira yun. And in my case, maybe I chose to understand even without some explanations." nakangiting sagot niya sa akin na para bang pinapagaan ang usapan namin.

He turned his gaze at the lake and took a deep breath before looking at me again, this time his face became more serious and sadder.

"But I'm not going to lie Chandra, nasaktan ako. I even questioned myself, kung naging mabuting kaibigan ba ako sayo. Maraming gabi, iniisip ko kung anong nagawa ko para magalit ka sakin. Para magdesisyon kang putulin ang ugnayan natin. You know very well; how important you are to me. I always tell you that. Alam mo na ikaw ang sandalan ko. Ikaw ang takbuhan ko kapag may problema because you know how to calm me, how to keep me sane and rational. You told me that I can always count on you and you're just one call away. You promised to be at my side when challenges come. Cheer me up when I'm down. That you always have my back no matter what happen. You assured me that distance will not gonna break us, and I held on to that. I'm complacent. So, I was so confused and hurt when suddenly we were all different." He said trying to flash a smile.

"Noong una naiintindihan ko pa yung paminsan minsan mo na lang na pagrereply. Lagi kong dinedeny sa sarili ko na may problema, lagi ko lang kinukumbinsi yung sarili ko na baka busy lang! Kasi college nga di ba?" he continued.

"But everything sinks in, that summer. Noong umuwi ka para magbakasyon tapos buong pamilya mo pumunta sa bahay namin at hindi ka sumama." He smiled bitterly.

"At first, I'm still convincing myself na baka nahuli ka lang, na susunod ka. But my hope crashed down when your mom told us na hindi ka talaga sumama dahil may pupuntahan kayo ni aira. I asked her that day. I called Aira, tinanong ko kung kasama ka niya. Ang sabi niya hindi daw. Then, that's when I knew that I needed to talk to you." he scoffed.

He knew I lied! During that time, hindi na ako okay,My relationship with my family was a bit shaky. Tumanggi akong sumama pauwi pero nagalit lang sila sa akin. Wala akong choice kundi sumama pero hindi ako masyadong nakikipag interact. I always chose to spend my day with my friends there. Noong time na pupunta sila mama sa bahay nila Ethan, may pupuntahan si Aira, kikitain nya ang mga College friends niya, pinapasama niya ako pero tumanggi na ko. Pero sinabi ko pa rin sa parents ko na kikitain ko siya kahit ang totoo pagkaalis nila humilata lang ako sa kwarto. I just enjoyed the peacefulness of the whole house.

Sa paraan ng pagtitig niya sa akin parang hindi ko na ito kayang pantayan. Kaya yumuko na lang ako at nilaro ang mga daliri ko.

"I tried to reach you, pero nang pinuntahan kita sa bahay ng lola mo, bago kayo bumalik sa laguna, ang sabi sa akin ni Jester umalis ka na daw. Did you know that I've waited? Kasi hindi ako naniniwala. I tried calling you but you're not answering. hindi ka rin nagrereply. You don't even open my messages. Every day I check my inbox, hoping that you already replied. But I always end up disappointed. And then one day, when I finally got a reply, the only word you sent me was sorry? Tapos wala na?" he jeered.

"Bakit Chandra? Hindi ko maintindihan, para san yun? Ang tagal kong inisip, ano ba? may nagawa ka bang ikagagalit ko? may nagawa ba ko? O ayaw mo na lang talaga akong kausap. Sobrang kulit ko na ba noon, na nairita ka na sa akin?" marahang tanong niya sa akin.

Nanatili lang akong nakayuko, takot na salubungin ang mga titig niya dahil pakiramdam ko, tuluyan nang tutulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Hindi na siya nagsalita inaantay niyang sumagot ako pero para akong napipi sa mga sinabi niya. Parang bigla akong nahiya sa sasabihin ko sakanya. Pakiramdam ko hindi katanggap tanggap yung dahilan ko.

What  IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon