Sandali kaming natahimik ni Ethan matapos kong sabihin sa kanya ang lahat. Wala sa amin ang nagsalita at pareho lang kaming nakatanaw ngayon sa lawa. Narinig ko ang marahan nyang paghinga sa tabi ko, pero hindi ako nagtangkang lingunin siya. Matapos lahat ng sinabi ko, nahihiya pa rin ako sa kanya.
Nang makalipas ang ilang minuto at wala pa ring nagsalita sa amin ay naglakas loob na ulit akong lumingon sa kanya. Mukhang naramdaman niya naman ito dahil lumingon din siya sa akin.
Humugot ako ng hininga bago nagsalita ulit.
"I just want to remind you, sinasabi ko sayo lahat to hindi para makuha yung loob mo. Sinasabi ko to kasi gusto kong maging honest sayo. So sana kung ano man yung narinig mo galing sa akin hindi ito maka apekto sa kung ano man ang nararamdaman mo." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"I want you also to be honest with me. Wag kang matakot na sabihin ang totoo. Wag mong isipin na masasaktan ako dahil matagal na akong nasasaktan Ethan. Handa ako sa kung ano man ang sasabihin mo. Mas gusto kong maging totoo ka sa akin." seryosong sabi ko sakanya.
Hindi siya nagsasalita pero mariin pa siyang nakatingin sa akin. Para bang binabasa nya ang bawat emosyon sa mukha ko. Dahil pinagmamasdan niya ako nagkaroon din ako ng pagkakataon na pagmasdan ang kanyang mukha.
Ethan has a handsome round clean shaved face, deep set eyes, thick rounded eyebrows, a ski slope nose and thin-lipped mouth. Hindi kataka taka kung bakit marami ang nahuhulaming sa kanya kahit noong mga bata pa kami. Maging ang katawan nito talagang malaki ang pinagkaiba kung ikukumpara sa katawan nya noong mga bata pa kami. His shoulders are broad, kapansin pansin ito lalo na kapag naka t-shirt lang siya. Mas matangkad na rin siya sa akin. Nauungusan niya na ko. Noong mga bata kami magkasing taas lang kami.
Naputol ang pagmamasid ko sa mukha niya nang bigla siyang tumikhim. Sinalubong ko ang mga tingin niya sa akin ngunit agad akong nagsisi at napalunok na lang, dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. His looking at me meaningfully.
Sinubukan kong umiwas ng tingin ngunit naibalik lang kaagad, dahil sa sinabi niya.
"You want me to be honest with you?" mahinang tanong niya. Napatango na lang ako.
Tumalikod siya sa akin. Parang may kinukuha sa gilid ng bench kung saan kami nakaupo. Sinubukan kong silipin kung ano iyon pero bago ko pa magawa, nakaharap na siya ulit sa akin. May hawak na itim na paper bag.
"Ano yan?" tanong ko sa kanya.
"Kagabi naisip ko, since mag-uusap na lang din naman tayo why not tell you everything and give this to its rightful owner" He seriously said. Inabot niya sa akin ang hawak na paper bag.
Nagtataka ko naman itong tinanggap. Sinilip ko kung anong laman nito at kunot noong napatingin kay Ethan nang makita kung ano ito. Tinanguan niya lang ako. Para bang sinasabi niya sa akin na ilabas ko ang nasa loob ng paper bag.
Kinuha ko ito at ipinatong sa mga binti ko. It's a light brown medium keepsake box. At the top of it, there's a word written in a cursive font.
"Nasa loob ng box na yan lahat. Matagal na yang na sa akin, I think college pa ko." he said while I'm examining the box.
Napatigin ako ulit kay Ethan nang mabasa kung ano ang nakaukit sa ibabaw ng hawak kong box. Ngumiti lang siya sa akin so I shifted back my gaze at the box.
"Moonlight" mahinang basa ko habang hinaplos ang bawat letrang nakaukit dito.
"Chandra Lucian" narinig kong sabi ni Ethan.
It's the meaning of my name in English. Moonlight.
Mabilis akong sumulyap kay Ethan bago tuluyang binuksan ang box na hawak ko. Tumabad sa akin ang iba't ibang bagay. Yung iba pamilyar sa akin, yung iba naman ngayong ko lang nakita.

BINABASA MO ANG
What If
RomansaHave you ever been in the situation where you love someone for so long and you don't even know why? You just simply love that person even if he/she doesn't know your feelings and no longer have communication with you. But what if, one day fate g...