Part Twenty

3 0 0
                                    

He looked at me intently. His eyes glittered. Nakatingin lang kami pareho sa isa't isa and I can feel my heart beating so fast. After what he said, wala na ulit sa amin nagsalita. Yumuko na lang ako at tiningnan yung mga natitirang laman ng kahon. Agad ring napukaw ang atensyon ko sa isang blue velvet jewelry box.

"May naligaw ata." sabi ko kay Ethan at tsaka pinakita ang velvet box.

"Sayo yan, buksan mo" simpleng sagot niya.

Nagtataka ko siyang tiningnan bago dahan dahang binuksan ang hawak hawak na maliit na kahon.

Agad kong binalik ang tingin kay Ethan nang makita ang laman nito. It was a necklace with glow in the dark spiral moonlight pendant.

"It was my 18th birthday gift for you pero hindi ako nagkaroon ng chance na ibigay sayo noon. Kasama rin niyan yung mga letters ko for you." nakangiting sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa natitirang laman ng kahon na nakapatong sa mga binti ko.

Letters. Kada envelope may mga date. Same month and day but different years.

Madami iyon kaya tumingin ako sa kanya ng nagtataka. Kaya ko bang basahin lahat to ngayon?

"Hindi mo naman kailangang basahin lahat yan ngayon dito." sabi niya na parang nabasa kung ano ang nasa isip ko.

"But there's one letter na gusto ko sana mabasa mo na ngayon." seryosong sabi niya sa akin tsaka kumuha ng isang envelope letter at inabot sa akin na kabado ko namang kinuha.

"Laman ng sulat na yan yung gusto kong sabihin sayo noon pa man." dugtong niya.

I glance at him before I started reading the letter.

August 2, 2018

Hi, Happy Birthday! pang ilang birthday mo na ba to na hindi kita naaasar? Miss na miss na kita Chandra. Dumaan ako sa simbahan kanina, nagsindi ako ng kandila para sayo. At kagaya ng dati kasiyahan at kaligtasan mo ang laman ng panalangin ko. Dun sa past messages ko sayo kwenentuhan lang kita ng mga bagay bagay tungkol sa akin. But this time, I wante to be honest with you. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ng chance na mabasa mo to or kung masabi ko man sayo to. Duda ako sa sarili ko,pero gusto ko kahit dito man lang hayaan ko yung sarili ko na ilabas yung totoong nararamdaman ko. Ito na rin siguro yung huling birthday letter na isusulat ko para sayo.

You know what, it took me years to realize this, and it's so funny, kasi isa sa mga naging girlfriend ko yung nagparealize sa akin. Nakakalungkot lang isipin na kung kailan narealize ko na mahal kita tsaka ka naman nawala. Yes, you read it right. Mahal kita Chandra at hindi ko alam kung maamin ko pa ba ito sayo o hahayaan ko na lang na kusa siyang mawala. Alam mo ba, highschool pa lang tayo naramdaman ko na to eh, pinilit ko lang talaga balewalain at ibaling sa iba kasi ayokong masira yung friendship natin. Takot na takot akong maramdan yun kasi pakiramdam ko kapag hinayaan ko lang, lala siya at ayokong mangyari yon kasi takot akong mawala ka sa akin. Pero totoo pala talaga yung the more na pinipilit mo siyang itago the more na mas gugustuhin niya rin umalpas noh?

Nakakatawa nga na kung babalikan ko lahat, most of my failed relationship is because of me. Because of my feelings for you. Tuwing naiisip ko yun, grabe ang gago ko! Imagine the pain I've inflicted to them, yung nararamdaman nila sa tuwing wala akong bukambibig kundi ikaw. Yung tuwing may makikita akong bagay laging Ikaw ang naalala ko kahit kasama ko sila. I'm sorry Chan, I know lagi mong sinasabi sakin na wag akong mananakit ng babae and I promise you that I won't, but I broke it.

Hindi ko namalayan na sa katatanggi ko na may nararamdaman ako sayo, marami na kong nasaktan. Hindi ko yun alam noon, I'm always in denial with my feelings for you. Lagi pa nga akong nagagalit na sinisisi ka nila tuwing nag aaway kami even sa break up. Not until I met my last girlfriend. Ganun pa rin naman yung issue, laging ikaw ang bukambibig, minsan hindi ko rin namamalayan na kinocompare ko na sila sayo.

What  IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon