Part Nineteen

3 0 0
                                    


Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng marinig ko ang tawa ni Ethan. My forehead immediately creased.

"Naalala ko isang linggo mo kong iniwasan dahil lang nahuli kitang nakatingin sa akin." pang aasar niya habang malawak ang ngiti sa akin na para bang proud na proud siya sa sinabi niya.

Sinimangutan ko naman siya. Pero ang loko, lalong lang tumawa.

"Huy ate, hanap ka ni Kuya Ethan sa labas." Tawag sa akin ni Jane. Isang linggo na kong hindi sumasama sa kanila sa paglalaro dahil hiyang hiya pa rin ako kay Ethan at alam kong aasarin niya lang ako.

"Sabihin mo tulog." Sagot ko.

"Umaga pa ate, tulog ulit? Eh sinabi ni mama gising ka na eh." Jane said.

"Chandra!!" narinig kong tawag ni mama sa akin.

"Po?" sagot ko naman. Bigla siyang sumilip sa kwarto namin.

"Lumabas ka na dyan. Andito si Ethan, sabi niya mag aaral daw kayo para sa paghahanda sa darating na pasukan. Pinaghihintay mo pa dun." She said. Mag aaral? Mukha niya. Wala naman kaming natatapos kaming dalawang magkasamang mag aral eh.

Syempre, dahil utos ni mama sumunod na ako. Nakita ko si Ethan na nakaupo sa sala namin. Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya. Nang makita ako ay agad na sumilay ang mapang asar na ngiti niya.

Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya.

"Wag mo ko asarin, kung hindi babalik ako sa kwarto. Iiwan kita dito. Hindi na kita papansinin kahit kailan." Dire diretsong sabi ko sa kanya. Natatawa siya pero tumango na lang din.

"Pikon ka na?" natatawang tanong niya sa akin. Lalo lang kumunot ang noo ko.

"Ngayon ko lang narealize, we don't really get a chance to talk about that." He said.

"Kasi nga binabaon na dapat sa limot yun." Sagot ko naman sa kanya. Nakita ko ang pag angat ng gilid ng labi niya dahil sa sinabi ko. Kitang kita sa mukha niya ang pagpipigil niyang asarin ako.

"You know, what's funny?" he paused, I frowned.

"The fact na, it became one of the important tools sa friendship natin noon. Hanggang ngayon I 'm still amazed how we manage to have a bond using this." Kinuha niya sa kamay ko ang binocular. "Na kahit pinagbabawalan tayong lumabas noon at pinapatulog hindi natin ginagawa kasi nag uusap tayo gamit to." Natatawang dugtong niya.

"It's more like nag aasaran." Natatawang sagot ko naman sa kanya. Bukod kay James, si Ethan yung isang tao na halos gamitin lahat ng pambwiset na alam niya sa akin. He's sometimes sweet but most of the time he likes annoying me.

"But you know what, there are lot of memories with this binocular but you, being caught using this to me, is my favorite." He said smirking.

Inirapan ko na lang siya at Inagaw ko na sa kanya ang binocular. Hindi kami matatapos kung papatulan ko siya.

"Hindi mo pa rin talaga hahayang mapag usapan natin yun no? Akala ko ba honest tayo dito." Pang aasar niya pa ulit. Not giving up the topic.

"No! That is the only exception. You'll never hear any explanation about that incident. So, Give it up. Ibaon mo na yun." I said.

We'll never talk about that, ever again! Dahil wala namang tamang dahilan, walang ibang excuse para sa katangahan kong yun. Masyado pa akong bata noon.

I heard him scorn pero hindi ko na pinansin. Tumingin na ulit ako sa box at kinuha yung mga pictures. Medyo madami yun, karamihan naman pictures namin kasama sila nikki, o kaya candid pictures namin na nag aasaran. Everytime na binubuklat ko ang mga ito napapangiti ako dahil naaalala ko ang mga nangyari sa bawat litrato. Pero napatigil ako nang makita ang isang picture.

What  IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon