Part Eleven

5 0 0
                                        

Saktong humiwalay kami sa yakap ng biglang nag iba ang ambiance ng party. Magsasalita pa sana ako pero napatingin kami sa may stage dahil biglang may nagsalita. Sumigaw actually.

"LET'S GET THIS PARTY STARTED!!!!" sigaw si Jester sa tabi ng DJ pagkatapos ay biglang nag iba ang music. From mellow to a loud party music.

Nakita kong parang may sinasabi si Ethan. Ilalapit ko sana yung mukha ko para marinig siya ng biglang pumagitna sa amin sila Jane.

"PARTY NA!! TARA LET'S DANCE ATE!!" sigaw nila Jane, pagkatapos ay hinila na ko sa pinaka gitna ng dance floor. Tiningnan ko lang si Ethan habang hila hila nila ako, nakita ko namang ngumiti siya at tumango. Maya maya pa ay nakita kong hinila na rin siya ng mga pinsan niya.

Natapos ang party ng pasado alas dose na rin. Mabuti na lang at may mga villa dito sa lugar kung saan ginanap ang reception kaya hindi na namin kinailangang umuwi pa.

Lumabas ako sa balcony ng 4-bedroom villa na inoccupy naming magpipinsan. Tahimik na ang buong lugar, halatang pagod na ang mga tao. Samantalang ako heto, nakatambay sa balcony dahil hindi makatulog, iniisip ang mangyayari bukas.

Right after naming sumayaw ni ethan kanina sa reception hindi na rin kami masyadong nakapag usap habang nasa after party dahil maya't maya ang hila sa amin ng aming mga pinsan. Nang matapos na ang party ay hinabol niya ako bago ako makapasok sa villa namin para tanungin kung saan at anong oras kaming magkikita bukas. Sinabi ko na lang sa kanya yung oras at hinayaan siyang magdecide kung saan kami magkikita.

Ethan just smiled then told me that he will just text me the location and then he said good night. Buang!

"Bakit gising ka pa?"

Napalingon ako agad sa likod ko at nakita si James na naglalakad palapit sa akin. Tumabi siya sa akin at sumandal sa hamba ng balkonahe.

"Ikaw bat gising ka pa?" Balik na tanong ko sakanya.

"Tingnan mo to, ako unang nagtanong tapos ibabalik mo sakin" sagot niya.

I chuckled. "Hindi ako makatulog obvious ba?" sabi ko.

"Bakit?" Tanong niya ulit.

"Bakit?...." sabi ko. Sasagot pa sana siya pero inunahan ko na. "Bakit ang dami mong tanong?" dugtong ko.

Bahagya akong natawa ng makita yung mukha niyang pikon dahil sa sinabi ko.

"Ang bait mo talagang kausap! Sarap mong yakapin ng mahigpit sa leeg tapos tulak kita dito pababa" he said sarcastically.

"Grabe ang brutal mo naman sa pinaka maganda mong pinsan." pang aasar ko sakanya.

"Huy! Kabahan ka sa sinasabi mo" he objected.

"Bakit di ba totoo?" Pang hahamon ko sakanya.

"Kung totoo yan, bakit hanggang ngayon walang jowa?!" balik na asar niya sakin.

"Aba'y gag....."

"Hep! Sumbong kita kay lola bad words yan!" Pigil niya sa akin. Inirapan ko na lang siya at pinitik ng malakas ang tenga.

"ARAY!!!" sigaw niya.

"Shhhh! Wag kang maingay, pag nagising sila ihuhulog kita dito" saway ko sakanya.

Hinimas himas na lang niya yung tenga niya habang nakatingin ng masama sa akin na tatawa tawa lang.

Binalik ko ang tingin ko sa paligid. I sighed as i looked at the stars in the sky.

"Iniisip mo yung nangyari kanina no?" I took a glance at him then back to the stars.

"Sinasabi mo dyan?" pag mamaang maangan ko.

What  IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon