Habang papunta kami sa susunod naming paghahatiran ng invitation, bigla akong natahimik dahil bigla ulit pumasok sa isip ko yung sinabi ni James sakin kanina. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun yung sinabi niya sakin, Isa kasi siya sa mga taong nakawitness kung gaano ko kabaliw dito sa taong kasama ko ngayon tapos kilala niya pa kami pareho. Hindi ko lang alam kung may alam siya about sa feelings ni ethan, basta ang natatandaan ko lang, noon lagi niyang sinasabi sakin na kung ano man yung nararamdaman ko kay ethan, hangga't kaya ko pang alisin, alisin ko na kasi wala daw ako mapapala at masasaktan lang ako.
"Hey! Chan? Chandra?"
Bigla akong napabalik sa huwisyo ko ng biglang prumeno ng malakas si Ethan. Napahawak ako sa seatbelt ko potek! kung wala to, sa lakas ng preno niya baka may bukol na ko ngayon. Tiningnan ko siya ng masama.
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
"Muntik na mabali yung leeg ko, kung wala tong seatbelt baka sumubsob na ko dito sa harap at nagkabukol sa lakas ng preno mo, tingin mo?" masungit na sagot ko sa kanya.
"Eh kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo ko pinapansin akala ko dilat ka nang natutulog dyan. Ang bilis mo naman mapagod sa pakikipag asaran." sagot naman niya sa akin. Mula kasi ng umalis kami wala na ring tigil yung bibig nya sa kakaasar sa akin.
"Kaya nagpreno ka ng ganun? masakit sa batok kaya!" reklamo ko ulit sakanya na ikinatawa pa niya.
nasaktan na nga ako nagawa pang tumawa ang galing talaga nitong taong to.
"Ano ba kasing iniisip mo, ang lalim ah" tanong niya.
"Wala naman, chismoso mo." sagot ko sakanya.
Umiling iling lang siya at nagpatuloy na sa pagdadrive. Kesa mag asaran kaming dalawa naisipan na lang namin magpatugtog. Pero parang wrong decision na pumayag ako, pagka open kasi niya ng radio, nagkatinginan kaming dalawa dahil sa tugtog.
"Closer you and I, favorite ko yan!" sabi pa niya sa akin habang nakangiti.
Closer you and I, That song reminds me so much of him.
Napatingin ako sa kanya ng biglang siyang tumawa ng mahina na para bang may naalala siya.
"bakit?" takang tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya tapos tumingin na ulit sa daan. Hindi ko na ipinilit kung ano man yung naiisip niya. Tumingin na lang din ako sa may bintana habang pinapakinggan yung song. Reminiscing those moments.
"Naalala ko lang nung mga panahong baliw na baliw ka sa kimerald tapos pinalabas yung commercial nila......" agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. He remembered!
He glances at me before continuing what he's saying.
"yung close up commercial nila na kinantahan ni gerald si kim sa canteen, I remember kilig na kilig ka nun. Talagang tumigil pa kayo sa mga ginagawa nyo para lang panuorin yun." pag kikwento niya.
I remember that, I was at their house with nikki and jane then open yung tv nila kasi may inaabangan din kaming panuorin nun, tapos biglang pinalabas yung commercial ng close up tapos closer you and I, yung tugtog. Akala ko wala siya noon doon kasi nang dumating ako sabi ni nikki, nandun daw sa kaibigan niya ang kuya niya. Right after ng commercial na yun, kalmado na kami, nang biglang tumugtog nanaman yung kanta kaya napatingin kami sa tv, pero nagtataka dahil iba naman yung nagpiplay, tapos narinig ko na tumatawa na si jane at sumigaw na ng kuya si nikki kaya sinundan ko yung tingin nila at doon ko siya nakita na nililipsync ang chorus ng closer you andI, and I can still vividly picture him staring at me intensely while singing.
"kilig na kilig ka pa nga noon." patuloy na kwento niya, interrupting my reminiscing moment.
"ang feeling mo naman, tawang tawa ako nun sayo, mukha ka kayang tanga nun! feeling gerald?" pagkontra ko sa kanya na ikinatawa niya.
BINABASA MO ANG
What If
RomanceHave you ever been in the situation where you love someone for so long and you don't even know why? You just simply love that person even if he/she doesn't know your feelings and no longer have communication with you. But what if, one day fate g...