Chapter 27.3
“FIREFLY”
[Kate’s POV]
Ang ganda naman ng panaginip ko.. Dumating daw yung Prinsipe ko.. Ang kaso, si Yuan yung nakita ko.. Panira lang eh.. Hanggang panaginip ba naman, nambubwisit.. Naku..
“K-Kate…” Teka, boses ng monster yun ha.. Nananaginip pa rin ba ako??
“Kamusta na pakiramdam mo?”
Dilat.. Dilat. (>.o) (o.<)
“A-anong ginagawa mo dito? At bakit… Aray!!”
“Hindi pa magaling yang paa mo.. Kaya wag mo ng subukang tumakbo..” Parang nangangalumata sya.. Hindi ba sya nakatulog?? “May iba pa bang masakit sayo???”
“W-wala naman..”
“Mabuti.. May gusto ka bang kainin??” Sobrang lapit nya sakin.. Kanina pa ba sya dyan sa gilid ng kama ko?? Nakakaconscious naman.. Baka may tulo-laway pa ako.. Kahiya..
“W-wait.. Pano ako napunta dito??”
“Kate??!!!”
“Meanne.. Dex..”
“Gosh.. Buong camp, nagulantang sa pagkawala mo..”-Meanne..
“Ano ba kayo, parang naligaw lang eh..”
“Pss..” Yuan..
“Wag mo ng ipagtanggol yung haliparot na yun.. Umamin na sya sa ginawa nya..”-Meanne..
“Kamusta na yung paa mo??”-Dex..
“Medyo makirot pa.. Napilay yata eh.”
“Pre, ayos na..”-Gelo.
“Sige..”-Yuan.
“Baby, alis muna kami ha.. Amazona, pagaling ka..”-Clarence..
“Bye.. I love you..”-Meanne.. Gumaganun na talaga.. “Girl, alam mo bang hindi natulog yung isang yun sa pagbabantay sayo??”
“H-ha?? Teka, bakit?? Saka paano ba ako nakabalik??”
“Wala ka ngang naaalala.. Ang taas kasi ng lagnat mo kagabi.. Ganito kasi yun..” Pag detalyadong kwento talaga, maaasahan tong kaibigan kong to’. “Narinig ni Yuan yung mga chaka girls na nag-uusap tungkol sa ginawa sayo ni Pamela.. Ayun, galit na galit ang lolo mo.. Pinipigilan sya nila Clarence na pumunta sa gubat dahil delikado na.. Madilim na at umuulan pa.. Pero hindi nagpapigil ang loko.. Nagulat nalang kami, dumating syang buhat-buhat ka.. Walang malay..” So, hindi pala panaginip yung kagabi.. Oh no!! Baka narinig nya yung mga sinabi ko.. H-hindi pwede yun..
BINABASA MO ANG
Her First, His Last "COMPLETED*
Teen FictionPrologue Waiting for someone is the sweetest, yet the hardest thing that you can do for your loved one. Lalo na kung hindi mo alam kung meron ka nga bang taong hinihintay pa. O kung alam man nyang hinihintay mo sya. How will you endure the pain of w...