Her First, His Last Chapter 62

3.5K 49 6
                                    

Chapter 62

“”                                                                                           

[Meanne’s POV]

Nagwork ang unang plano ko.. Haha.. Tama kayo ng rinig… Plano ko talagang inisin si Yuan.. Ang hina kasi eh.. Obvious namang mahal pa nila yung isa’t-isa.. Ito namang babaeng to’, nakuha pang magsinungaling samin.. Nakalimutan ba nyang, alam kong hindi nya boyfriend si Theo?? Haha.. Para parin silang mga bata.. Hay.. Nakakatawa talaga sila.. Bakit pa kasi hindi sila mag-usap.. Yun lang naman ang kulang sakanila..

“Kuha lang ako ng beer..” Walk out mode naman si Papa Yuan.. Sinundan naman sya ni Clarence..

“Ehem.. Katerine Louise Santos… Akala mo hindi ko alam yung ginawa mo.. Ano nanamang pakulo yun??” Sabi ko nung makatabi ako sakanya…

“Ayoko lang na magulo pa ang lahat..”

“Akala mo ba hindi magulo ngayon?? Hay naku.. Lukaret ka na talaga..”

“Meanne, ikakasal na si Yuan…”

O.O Kasal??? Bakit wala naman silang nababanggit sakin..

“Yung bahay na dapat titirhan namin noon, ay para na sa babaeng papakasalan nya ngayon.. How ironic diba??”

“Wait, so iyon yung project mo ngayon??” Tumango lang sya..

“Eh bakit ka pumayag??”

“Nakapirma na ako.. Nung umpisa, hindi ko naman alam na sya yun, ay naku.. Mahabang kwento.. Pero, okay na rin naman.. Tapos na eh.. Haha.. hayyyyyyyy” humiga sya sa buhangin.. tinabihan ko naman sya..

“Girl, masaya ka ba??”

“Oo naman..”

“mahal mo pa??”

“Kung sasabihin kong hindi, magiging sinungaling ako.. Kung sasabihin kong oo, masasaktan lang ako..”

Confirmed, mahal pa nga nila ang isa’t-isa.. Pero, ang loko, bakit naman hindi kami sinabihan na ikakasal na sya.. At kanino naman??

“BFF, dito ka lang ha..”

“San ka naman pupunta?”

“May kakalbuhin lang ako..”

Humanda ka saking kumag ka.. Matapos kitang tulungan, lolokohin mo lang din pala ko.. lagot ka sakin..

“YUAN!!!!!!!!!!!!!!!”

“Baby, bakit naman si Yuan ang hinahanap mo?? Nandito naman ako.”

“Manahimik ka dyan Clang.. hoy Yuan!!”

Napatayo sya sa bar counter.. halatang gulat..

“Ano na naman??”

“Tinutulungan kitang magkabalikan kayo ni Kate.. kahit na ayaw nyang magpakita at magpakilala sainyo, pinilit ko sya, dahil alam kong mahal nyo parin ang isa’t-isa.. Pero bakit naman pati naman ako niloko mo?? HA!!!”

Her First, His Last "COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon