Chapter 52
“Baby”
[Yuan’s POV]
“Wilma, reschedule all of my meetings.. Hindi na ako papasok…. No….. I said cancel it.. I’ll be back in the office tomorrow..”
“Yuan.. Hindi ba parang masyado ka ng nagiging harsh sa mga empleyado mo??”
“Tss.. Masyado kasing makulit.. Anyway.. Salamat sa pagsama..”
“Wala yun..”
*kringg-kringg*
“Opps… Wait lang…. Yes.. Hello.. Manager Kim?? Yes.. Pero--- Akala ko ba nextmonth pa yun?? What??!! Fine……. Papunta na ako..”
“Problema??
“Trabaho…. Okay lang ba kung?”
“Lovely, it’s okay.. I can do this.. Salamat..”
“Hay.. Pasensya na.. Mauna na ako.. Bye..”
“Ingat sa pagdadrive..” Mula ng mamatay si Kate, nagbago si Lovely.. Pinagsisihan nya ang lahat.. Lalo na ng malaman nya ang tungkol sa anak namin.. Bumalik sya sa US.. Ipinagpatuloy ang pagmomodel at ngayon, nagbabakasyon dito..
So, solo flight na ako ngayon.. Hay..
“Miss, san ba dito yung mga toys at school supplies na pang bata??”
“Ay dito po Sir.. Ilang taon puba??”
“mga 6-10 years old..” Dinala nya ako sa kids section.. Nakakatuwang mamili.. Lalo na’t para to sa mga bata sa foundation..
“Mama… Papa… Waaaaaahhh.. *huk*”
Bigla kong naalala yung batang babaeng nakilala ko ilang taon na ang nakararaan.. Yung babaeng minahal ko ng sobra..
Nakita ko na lang ang sarili kong lumalapit sa batang umiiyak..
“Anong ginagawa mong mag-isa dito bata??”
Tiningnan nya lang ako at saka naglakad.. Supladang bata.. Pero ang cute nya.. Siguro mga 5 taong gulang na to’.. Kung buhay lang siguro ang anak ko, ganito na rin sya kalaki ngayon..
“Ui.. Kausapin mo naman ako.. I can help you.”
“My mom said, not to talk to strangers..” Mga bata nga naman.. Napapangit ako nito..
“Nasan ang Mama mo??”
“Hindi ko po alam.. Waaaahhhhh..”
“Shhh..Tahan na.. Tara.. Hanapin natin ang Mama mo..” Binuhat ko sya, pero, hindi parin sya tumatahan.. Dating gawi..
BINABASA MO ANG
Her First, His Last "COMPLETED*
Teen FictionPrologue Waiting for someone is the sweetest, yet the hardest thing that you can do for your loved one. Lalo na kung hindi mo alam kung meron ka nga bang taong hinihintay pa. O kung alam man nyang hinihintay mo sya. How will you endure the pain of w...