"Her First, His Last" Chapter 11 "TAKEN CARE OF"

5.1K 93 19
                                    

Chapter 11

“TAKEN CARE OF”

 [Kate’s POV]

Ang daming nangyari sa mga nagdaan na araw.. Lahat hindi inaasahan.. Halimbawa nalang ang pag-amin ni Clarence sa nararamdaman nya para kay Meanne.. Kaya naman itong BFF ko, kilig to the max at parang heaven lagi ang set up ng kapaligiran.. Ano pa bang aasahan nyo.. E matagal na nyang mahal yung duwag na yun.. Akalain nyo ba naman, matagal na rin pala nyang gusto si Meanne, hindi man lang nya nasabi kahit minsan.. Ayun, hinayaan na lang nyang magpabakla..

Susko. Eto pa ang isang problema.. Ilang linggo na rin akong kinakawawa nitong mayabang  na to. Pagbuhatin daw ba ako ng mga librong hiniram sa library. Takbo dito para sa meryenda nya, gawa ng assignment nya, pagkakaalam ko buto nya yung nadali ko, hindi kasama yung utak nya. Eh kulang na lang paglabahin ako nito ng mga damit nya eh. The nerve!! Pagkatapos nyang maging mabait sakin ng isang araw sa mall, naging ganito na sya kasama sakin. Actually, okay na yung pilay nya. Hello, more than a week na kaya mula nung nangyaring aksidente noh. OA naman nya kung hanggang ngayon, umaarte pa rin syang masakit braso nya. Baliin ko pa lahat ng buto nya eh.

**Krinngg-------kkkkrrrrrriiiinnnngggg**

--Monster Calling—

“What is it now?”

(San ka?)

“School malamang..”

(Miss mo ko?)

“ASA ka!!!”

(akyat ka dito sa rooftop)

“Bakit ko naman gagawin yun?”

(Yung lunch ko nasayo di ba?)

“Ah, oo, nilagyan ko nga ng lason eh.”

(Be here before 12:05 kung ayaw mong maging 2 buwan ang deal natin.)

“Sige, subukan mo. Lulumpuhin na talaga kita”

--end of call--

Grr

“Kate, bakit ka ba kasi pumapayag na ginaganyan ka ni Yuan?”

Kung alam mo lang Dex. Sino ba naman ang may gustong alilain ng monster na kagaya ni Dela Veda.

Hindi nga pala nya alam na may deal kami nitong monster na to. Kay Meanne ko lang nasabi. Pano ba naman kasi, hindi na ako tinantanan sa kakatanong nung malaman na sinamahan ko si monster sa mall. Hindi ko nga alam kung pano nya nalaman ang tungkol dun, malamang dahil yan sa mga tsismosang fans ni Yuan. Eto namang Meanne, ayaw maniwala na hindi nya ako nililigawan. Kaya hindi na ako nakatiis. Kesa naman isipin nyang boyfriend ko tong lalaking sinalo ang lahat ng kayabangan at kasungitan sa mundo.

“Utang na loob ko na sakanya to sa pagkakaligtas nya sakin.” Kahit na  matagal na akong nakabayad sakanya. Pwe.

Her First, His Last "COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon