Her First, His Last Chapter 42 "Surprise"

3.3K 40 0
                                    

Chapter 42

“Surprise”

[Kate’s POV]

“Anong ginagawa mo dito??” napatalon ako sa higaan ko ng makita ko ang taong katabi ko..

“Bakit?? Ayaw mo ba??”

“H-Hindi.. Pero--------“

“Nangako ako diba??” He leaned close to me looking straight to my eyes.. “Sasalubungin natin ang Christmas ng magkasama diba??”

“B-Beb..”

“Ssshh.. Ayokong makitang umiiyak ka ng dahil sakin..” pinahid nya ng daliri nya yung pisngi kong nababasa na pala ng luha.. “Merry Christmas Beb..”

“*sob* Merry Christmas din Beb.. I love you..”

“I’ll travel the whole just to show you how much I love you..” Napapikit na lang ako ng maramdaman ang pagdikit ng labi nya sakin..

Ito na ang pinakamagandang regalong matatanggap ko ngayon pasko..

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Plinano pala talaga ni Yuan na huwag tumawag sakin at huwag magparamdam dahil sigurado na syang makakauwi sa pasko.. Ang loko,tuwang-tuwang pinag-aalala ko.. At ako lang pala ang hindi nakakaalam dahil sila Meanne ay Dex ay kinutsaba nya.. Mga loko..

Pauwi na ako ngayon galing sa supermarket.. Magbebake kami ni Yuan sa bahay.. Gusto daw nya matuto eh.. Edi pag bigyan…

*kringg--kringg*

Master Beb calling

 

 

“Beb..”

(Nasan ka na?)

“Pauwi na po.. Wala lang akong masakyang taxi eh..”

(Gusto mo bang sunduin na kita??Papunta na rin naman ako sainyo..)

“Hindi na.. Ikaw talaga.. Masyado mo na akong binebaby nyan eh..”

(You’ll always be a baby to me..)

Kung pwede lang ako magtitili dito, kanina ko pa ginawa.. Edi ako na ang kinikilig.. Iiiiiiiiihhhhhhhhh

“Miss mo na ako noh?”

(Ako pa?? Sino kaya satin ang kinikilig ngayon??)

O_____O

Bakit ba hindi pa ako nasanay?? Na-inlove nga pala ako sa isang mind reader.. Isang gwapong mind reader na hinahabol-habol ng mga babaeng haliparot..

Her First, His Last "COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon