"Her First, His Last" Chapter 9 "TAMANG HINALA"

5.4K 60 2
                                    

Chapter 9

“TAMANG HINALA”

Dexter’s POV

Konting ayos dito, spray ng pabango, tsk, gwapo mo talaga Dexter. Ganyan katindi ang confidence level ko ngayon. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi ako mapansin ni Kate my Labs. Tss. Kaya ngayon, maglelevel up na ako. From torpedo, to gwapong admirer. Haha.

Susunduin ko si Kate ngayon… Sabi nila, start your day with a smile, kaya pupuntahan ko yung nakakapagpangiti sakin. Yiieee. Keso!!!

Tanaw ko na yung bahay nila. Walking distance lang kasi yung Village namin ni Kate hanggang school. Yup, same village lang kami. Kaya sabay nalang kami papasok.

“Kupad mong kumilos. Kanina pa ako dito noh.”

Si…………

si……………………..

si……………………….

Yuan ba yon? Ano namang ginagawa nya kila Kate?

“Sinabi ko bang sunduin mo ako??”

“Tss. Para namang may karapatan kang tumanggi. Sumakay ka na!!”

Sinisigaw-sigawan nya lang si Kate my labs?? Aba, gusto ba nyang humalik sa muscles ko??

“e kung  ayaw ko??”

“Sakay na!!”

Wag kang sasakay Kate!! Wag!!

“Oo na.. Panira ka talaga ng umaga.”

Nililigawan ba sya ni Yuan? Kelan lang silang nagkakilala ha? Saka sabi nya hihintayin nya daw yung prinsipe nya. B-bakit??? Magsisimula pa lang ang mga plano ko, may bagong hadlang nanaman..

**school**

Her First, His Last "COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon