CHAPTER 1

178 6 0
                                    

CHLOE'S POV

Konting tiis na lang, malapit na ako maka-graduate. Isang taon na lang oh, kaya mas pag-iigihan ko pa ang pag-aaral para maabot ko na ang pangarap ko pati na ang pangarap ng mga magulang ko sa akin.

Huminga ako ng malalim. Nasa tapat na ako ng gate ng university na pinapasukan ko. Magsisimula na sana akong maglakad nang biglang may bumangga sa'kin, muntik na akong matisod. Anak ng! Ano ba 'yon, hindi man lang nag sorry, diridiretso lang siya. Nakita kong isang grupo sila ng mga lalaki. Pinabayaan ko na lang, mukhang nagkakasiyahan lang naman sila.

Naglakad na nga ako papasok sa university na pinapasukan ko. I wonder, nasaan na kaya sina Jaimee. Sabi ko agahan nila pagpasok para makapagchikahan muna kaming tatlo bago pumasok sa kaniya-kaniyang room.

Umupo muna ako sa may isang bench sa tabi nang makita ko ang dalawa kong bestfriend na tumatakbo papalapit sa akin. Napatayo ako kasi natakot ako bigla, mukha kasi nila akong dadaganan.

"BESHY!! WELCOME BACK!!!" sabi sa'kin ni Jaimee sabay yakap. Konti na lang sasabit na siya sa'kin.

"Ano ba, nag bakasyon lang ako sa probinsya e."

"Anong first subject mo?" tanong naman sa'kin ni Darren.

"Hmm... tekanakalimutan ko. Check ko lang sa phone ko," sabi ko sabay bunot ng phone sa pocket ko. "Management Science."

"Same tayo!" Nakita ko ang ngiti ni Darren na hindi ko malaman kung totoo ba o hindi.

"Masaya ka ba talaga diyan?" tanong ko sa kaniya.

No'ng bata pa lang talaga kasi siya, gusto niya nang maging doctor but since iba ang gusto ng parents niya sa kaniya, sumunod na lang siya kahit ayaw niya at nahihirapan siya.

"Oo naman. Nagawa ko na ring tanggapin yung pinasok kong kurso at masaya na ako dahil kasama naman kita."

"Ang daya niyo talaga!" Napatingin kami kay Jaimee. "Ako lang nahiwalay sa inyo," pag nguso niya. Bigla akong natawa sabay kinurot pisngi niya.

"Ang cute mo talaga Mee! Hayaan mo, nahiwalay ka man ng kurso pero lagi pa rin naman tayong magkakasamang tatlo, diba  Darn?" sabi ko sa kanila.

"Oo naman!" sabi ni Darren sabay niyakap ko silang dalawa.

BS Interior Design kinuha ni Jaimee kaya sabi niya siya lang ang nahiwalay sa'ming tatlo. Matagal na rin kaming magkakaibigang tatlo, hmm... nung grade 1 kami nagkakila-kilala at masasabi kong sobrang swerte ko talaga sa kanilang dalawa. Never pa nila akong binigo sa pagkakaibigan namin.

Pumasok na kami sa kaniya-kaniyang classroom pero syempre, kasama ko si Darren. Same subject eh. Pagkapasok namin, nagulat kami kasi nando'n din si John.

"UY PRE!" batian nina Darren and John. "Long time no see!"

"Ba't ka nandito?" tanong ko na ikinatahimik nilang dalawa. "Oy!" natatawa kong sabi, akala ata nila may meaning 'yon. "Akala ko kasi sa probinsya ka na magtatapos."

Perfect Match [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon