Chapter Twenty five

16 1 0
                                    

Nygel's P.O.V.


            Umagang-umaga, nakita ko agad si Roxanne na bumababa sa kotse niya. Bakit ganon ang ayos niya? Nang makita niya ako, agad siyang lumapit sa akin. Ano ba 'yan.

            "Bakit ganyan ang ayos mo?" tanong k okay Roxanne. May sumbrero kasi siya at may mahabang hikaw. Ang dami niya pang bracelet.

            "Sabi mo kasi sa'kin, kulang na lang sa'kin, cool. Kaya, cool na ba ako?" sabi niya.

            "Hindi cool. Pang jejemon ang ganyang style," sabi ko sa kaniya. Bigla siyang sumimangot.

            "Jejemon?" nagtataka niyang sabi sabay tingin sa damit niya.

            "Roxanne, tigilan mo na ako. Humanap ka na lang ng mag mamahal sayo," sabi ko sa kaniya.

            "Nygy, nakapili na ako. Yung sa lyrics na sino ang pipiliin ko, mahal ko o mahal ako. Ang napili ko, mahal ko. Kasi kapag mahal ako, mahirap 'yon. Kasi siya lang yung may gusto sa'kin," sabi niya.

            "Pero mas mahirap ang napili mo. Oo nga mahal mo, pero mahal ka ba niya?" sabi ko.

            "Pero baka magka-gusto ka naman sa'kin kasi break na kayo ni Chloe," sabi ni Roxanne.

            "Pero hindi ko kayang kalimutan si Chloe," sabi ko. Napatulala siya ng saglit at napayuko. Tumango-tango siya at tumingin sa akin.

            "So it means... umaasa ka pa ring magkaka balikan kayo ni Chloe kahit meron na siyang iba?" napapaluhang sabi ni Roxanne. Parang nawala ang pagka-arte ni Roxanne sa pag sasalita. Hindi ako makasagot sa tanong niya. Napalunok na lang ako. "Ano? Hindi ka makasagot? So totoo nga 'yon. Nygel, umaasa ka lang sa wala. Ganyan ka ba talaga mag mahal? Pero 'yan ang gusto ko sayo, nag mamahal ka ng totoo. Pero hindi ko malaman-laman kung bakit hindi mo ako kayang mahalin," napangiti ako bigla. "Nagagawa mo pang ngumiti?" tanong niya. Biglang dumating si Jonh.

            "Hey, guys, mag ti-time na," sabi ni Jonh. Umalis na si Roxanne,. Parang sumingit lang si Jonh sa usapan namin ni Roxanne para hindi na humaba pa ang usapan namin. Pero ayos din, kasi wala na akong masabi sa kaniya. Napangiti ako kanina dahil tinawag niya akong Nygel, hindi na Nygy.

            Maya-maya, uwian na. Nakita ko si Chloe. Hindi bagay sa kaniya ang manloko ng tao. Wala sa itsura niya.

            "Pare, gustong balikan si Chloe?" tanong ni Jonh sabya akbay sa akin.

            "Hindi ah, may ibang lalaki na 'yan noh," sabi ko.

            "May ibang lalaki? Tsk. Naniwala ka naman doon. Hindi ganyang klaseng tao si Chloe. Si Jaimee naman, minsan nagsisinungaling para lang sa taong mahal niya," napaisip ako sa sinabi ni Jonh. Sana nga totoo 'yon.

Perfect Match [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon