Jaimee's P.O.V.
(Dreaming)
"Jaimee, alam mo ban a gusto akong katabi ni Nygel?" tanong sa'kin ni Chloe.
"Wala akong pakialam," sabi ko kay Chloe.
"Bakit ka na ba laging ganyan Jaimee?" tanong niya.
"Dahil mahal ko si..."
(End dreaming)
Nagising ako dahil nagsisigawan yung mga kaklase ko. Nandito nap ala kasi kami sa school. Tulog pa rin pala si Chloe.
"Chloe, gising na," sabi ko. Hindi pa rin siya gumigising.
"Chloe, nandito na tayo sa school," sabi ko ulit. Hindi pa rin siya gumigising. Ano kaya ang problema nito? Siguro nananaginip ng maganda. Buti pa siya. Pero kailangan na niyang magising, kaya sinigawan ko na siya.
"Chloe!" sigaw ko. Sa wakas, nagising na din siya.
"Bakit ba?" tanong niya na parang galit pa. Siya na nga 'tong ginigising para umuwi na, siya pa galit.
"Nandito na kasi tayo sa school. Kanina pa kita ginigising pero hindi ka gumigising, kaya sumigaw na ako," paliwanag ko sa kaniya.
"Ahhh... osige, halika na. Sabay na tayong umuwi," sabi niya. Medyo magkalapit ang bahay namin, kaya minsan nagsasabay kami ng pag-uwi.
Habang naglalakad na kami ni Chloe, naalala ko yung panaginip ko. Ano kaya ang sasabihin ko nun kay Chloe? Sino kaya ang sasabihin kong mahal? 'Di kaya si.... Si Nygel? Naku, hindi pwede 'yon. pero sa bagay, it's only a dream.
Chloe's P.O.V.
Pasukan nanaman ulit. Ano nanaman kaya ang mangyayari? Sana naman maganda, hindi katulad nung dati.
"Chloe!" sino kaya yng tumawag saakin? Hindi ko siya makita.
"Chloe, may nagbibigay sayo ng regalo," si Mae pala. Ang liit kasi eh, hehe. Sa hindi naman talagang maliit, sadyang mataas lang ako. Haha, joke!
"Bakit? Anong meron? Sino nag bibigay?" sunod-sunod kong tanong. Ano bang okasyon?
"Si Darren nagbibigay nito. Basahin mo na lang 'tong sulat kung bakit ka niya niregaluhan, may pupuntahan pa kasi ako," sabi niya at ipinahawak na sa kamay ko. Kinuha ko ang sulat na nakadikit sa regalo, babasahin ko na.
"Binigyan kita ng regalo kagit walang event. I know na iniiwasan mo ako kaya ipinabigay ko na lang sa isa mong friend, baka kasi hindi mo tanggapin kapag ako mismo ang nagbigay. Isa 'tong espesyal na bagay na dapat mong ingatan. Pinag-ipunan ko kasi ito. Gusto ko lang naman ipadama sayo ang pagmamahal ko," ang letter na sinulat ni Darren. Na curious naman ako kung ano ang laman nitong kahon. Kaya agad kong binuksan ito. Nagulat ako sa nakita ko. Ang pinakamahal na bracelet na gustong-gusto kong bilhin noon pa, kaso wala akong pera noon para bumili nun. Pero bakit si Darren, ang bilis niyang pag-ipunan?
Sinuot ko na ang bracelet. Ang cute naman tignan. Habang tinitignan ko ang bracelet, biglang may yumakap saakin. Hindi ko alam kung sino kasi nakatalikod ako.
"Kinikilig ako sa kanila!" sigaw ni Ella.
"Oo nga, ang sweet nilang tingnan, talagang bagay sila!" sigaw naman ni Mae. Kumalas na din ng yakap si Nygel. Alam ko nang si Nygel 'to. Hay nako talaga, nakakahiya. Humarap na ako sayo.
"Hindi ka tumupad sa usapan natin. Sabi ko 'wag mo akong yayakapin sa pasukan," sabi ko. Tumawa lang siya. Hay nako, parang isip bata na tuloy siya. Dati naman hindi siya ganto eh.
Nag start na ang klase namin. Habang nag susulat kami, hindi ko maiwasang kausapin si Nygel.
"Nygel, bakit parang nag babago ka na?" pabulong kong tanong.
"Hindi ah, ganto na ako dati pa, hindi mo lang nakikita dati kasi mahiyain ako. Pero ngayon, pinapakita ko na kung sino talaga ako. Isip bata noh," sabi niya na natawa pa sa huli. Pero ok din na hindi naman pala siya nag bago. Akala ko kasi nag bago na siya. Ayaw ko ng ganun.
Recess na, nakaupo lang kami sa canteen. Si Jaimee, busy sa pagsusulat, bakit kaya ganto ito ngayon? Naging masipag na sa pagsusulat, dati tamad na tamad mag sulat 'tong babaeng 'to.
"Jaimee, ano bang ginagawa mo? Busy ka ha," tanong ko. Tiningnan ko ang notebook niya, pero bigla niya itong isinara. Luh, ano kaya nangyari dito? Ano kaya nainom?
"Ano ba Chloe? 'wag mo nang tingnan ang sinusulat ko," bakit parang ang sungit niya ngayon? Ito ang nag bago. Kilala ko na kasi siya, hindi siya nag susungit saakin maliban lang kapag nagagalit siya.
"Ayaw mo kasing sumagot kung anong ginagawa mo, kaya tiningnan ko na lang," sabi ko.
"Kahit na, matagal na tayong mag kaibigan kaya dapat alam mo na ang ibig sabihin ko kapag ayaw kong sumagot sa tanong mo," sabi niya saakin. Ang sungit niya talaga. Hindi na lang ako sumagot sa kaniya, baka kasi hindi na sungit eh, baka monster na 'to mamaya.
BINABASA MO ANG
Perfect Match [Completed]
Teen FictionPaano kung 'yong mas pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pala ang sisira sa kasiyahan mo para lang sa sarili niyang kasiyahan?