Nygel's P.O.V
Lunch na namin. Sumabay ulit kami kina Jaimee, Darren, at Chloe. Parang may pagkailang kami sa isa't-isa. Siya yata ang mahal ko? Ewan. Baka nga.
Nauna na kami umalis ni Jhon sa kanila. Kinausap ko bigla si Jhon.
"Gusto mo bang malaman kung ano yung binulong ni Darren kanina?" tanong ko.
"Ano?" excited niyang tanong.
"Crush daw ako ni Chloe," sagot ko.
"O?! Grabe Nygel. Ikaw ang una niyang naging crush," gulat niya. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.
"Alam mo, parang.... may gusto ako sa kaniya," sabi ko habang hindi nakatingin sa kaniya. Nagulat nanaman siya pero hindi na siya nagcomment.
Nang uwian na namin, napaisip ako kung aamin na din ba ako kay Chloe. Siguro, kailangan na din. Kinausap ko si Jhon kung pwede ba kung siya ang magsabi. Pumayag naman siya.
Nang sinabi na ni Jhon kay Chloe, parang natulala si Chloe.
Kinabukasan, excited akong pumasok. Excited kasi akong makita si Chloe. Ang maganda at cute niyang mukha at ngiti. Makakatabi ko pa siya.
Nang nasa school na ako, excited na akong pumasok sa classroom. Gan'to yata ang nagmamahal.
Pagkapasok ko sa classroom, nakita ko si Chloe na nakaupo na. Kanina lang excited akong makatabi siya, pero ngayon nahihiya ako.
Naupo na ako, tinanggal ko sa dibdib ko ang pagkahiya.
"Good morning," bati ko sa kaniya. Parang nagulat siya.
"A, gu-good morning," nahihiya niyang bati. Oo nga pala, birthday ko na sa Monday, imbitahan ko nga siya sa bahay ko.
"Chlo...." nagulat nalang ako na wala na pala siya sa tabi ko. Siguro may pupuntahang imortante. Sayang naman. Sa recess ko nalang sasabihin.
Nang recess na, kasama ko si Jhon at Darren. Nag pasama ako sa kanila. Wala lang, trip ko. Inimbitahan ko na silang dalawa sa party ko.
Habang naglalakad kami, nakasalubong namin si Chloe at Jaimee.
"Chloe, Jaimee. Imbitahan ko kayo sa birthday party ko sa Monday ha, payag kayo?" sabi ko sa kanila.
"Su-sure naman," naiilang na nakangiting sabi ni Jaimee.
"Ikaw Chloe?" tanong ko.
"Syempre, sasama din 'yan, 'yan pa," sagot ni Jaimee.
BINABASA MO ANG
Perfect Match [Completed]
Novela JuvenilPaano kung 'yong mas pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pala ang sisira sa kasiyahan mo para lang sa sarili niyang kasiyahan?