Chapter Eighteen

14 1 0
                                    

Chloe's P.O.V.


            Papunta ako ngayon sa Math room. Susunduin ko si Nygel para mag lunch. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng Math room, bubuksan ko na sana ang pinto nang may marinig akong boses.

            "A-alam kong mahal mo si Darren... sinabi na 'yan sa'kin ni Chloe," boses ni Nygel. Sino kaya ang kausap niya? Biglang dumating si Darren.

            "Hi Chloe," pinatigil ko siya bigla.

Darren's P.O.V.

            Baka nasa canteen na sina Chloe at Jaimee. Kailangan ko nang mag madali.

            Chloe? Bakit nasa tapat siya ng pinto ng Math room? Mapuntahan nga.

            "Hi Chloe," pinatigil niya ako bigla. Bakit kaya? Anong problema niya?

            "Hindi mo naiintindihan, hindi siya ang mahal ko. Ikaw," boses 'yon ni Jaimee ha, si Nygel kaya ang kausap niya?

            "Hindi mo ba talaga mahal si Darren?" si Nygel nga ang kausap niya... wait... pangalan ko? Bakit ako? Nakinig pa tuloy ako.

            "Mahal ko naman..." may sinasabi pa nun si Jaimee pero hindi ko na narinig dahil parang nawawala na ako sa sarili.

            Habang naglalakad, bigla akong napasandal sa pader. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ko siya mahal, si Chloe ang mahal ko. Si Chloe lang at wala nang iba. Hindi din ako mahal ni Jaimee, nagkamali lang yata ako ng rinig.

            Nang uwian na, kasama ko si Jaimee sa pag-uwi.

            'Mahal ko naman... mahal ko naman...'

            "Ano ba 'tong iniisip ko? Hindi niya nga ako mahal at hindi ko din siya mahal!" sigaw ko.

            "Ayos ka lang Darren?" tanong ni Jaimee.

            "O.. oo naman," kinakabahan kong sagot. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin?

            "Tsk, ano ba yung sinigaw mo? Para kang ewan dun. Anong hindi niya ako mahal at hindi ko din siya mahal?" tanong niya. kinakabahan nanaman ako.

            "Wala 'yon, 'wag mo nang pansinin," sabi ko. Sana hindi na siya mag tanong ng kung ano pa. Ayoko nang sagutin.Wala na akong maisip na palusot.

Nygel's P.O.V.

            Mahal ako ni Jaimee? Kawawa naman siya. Nag kunware na lang ako na hindi ko naiintindihan.

            Pero minahal ko naman siya dati. Magkapitbahay kami nun. Hindi ako nag papakita sa kaniya noon, pero nag bibigay ako ng love letter sa kaniya. Pero parang binabale wala lang niya. siguro ayaw niya ng binibigyan lang siya ng love letter, siguro gusto niyang nakikita ang nag bibigay sa kaniya. Ayaw ko namang mag pakita sa kaniya kasi marami pa akong pimples nun. Pero nung makilala ko si Chloe, na love at first sight talaga ako sa kaniya. At minahal niya talaga ako ng totoo.

            Mahal ko talaga si Chloe. Ilang beses na akong nasaktan ng ibang babae, pero itong si Chloe, hindi talaga ako sinaktan kahit isang beses.

            "Nygel, ok ka lang ba?" biglang tanong ni Jonh.

            "Oo naman, bakit?" sabi ko.

            "Nakangiti ka kasi ng walang dahilan," sabi niya.

            Nakangit pala ako, hindi ko alam 'yon ha.

Perfect Match [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon