Chapter 16
Chloe's P.O.V.
Umaga na. Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko ang red na kotse. Naka open ang window, si Nygel pala. May kotse pala siya, hindi man lang ako sinabihan nito.
"Chloe, sakay na," sabi niya sa'kin. Sumakay na nga ako. First time ko lang siya makakasabay na pumunta sa school.
Nandito na kami ni Nygel sa school. Magka holding hands pa kami. Sa totoo lang, naiilang ako. Itong Nygel na 'to, walang magawa sa buhay. Baka mamaya, may makakita pa sa amin at asarin nanaman kami. Hay nako talaga. Nakita namin bigla si Darren. Oo nga pala, magka holding hands nga pala kami. Ano ba 'yan. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa kamay niya.
"Bakit Darren?" tanong ko. Kunware hindi kami magka holding hands kanina. Sana hindi niya nakita 'yon.
"Wala," aalis na sana siya pero pinigilan ko.
"Nygel, mauna ka na sa classroom. May pag-uusapan lang kami ni Darren," sabi ko. Umalis na si Nygel. Tumingin ako kay Darren. Huminga muna ako ng malalim bago mag salita. Nakakahiya kasing itanong 'to sa kaniya.
"Darren.... mahal mo pa ba ako?" tanong ko. Nagulat siya sa tanong ko. Nakakahiya talaga 'tong ginagawa ko. Pero 'di bale na, para naman 'to sa kabigan ko."
"O-oo naman," kinakabahan niyang sagot.
"Ilipat mo na lang 'yan ka Jaimee," sabi ko. Bigla siyang nag taka.
"B-bakit naman?" tanong niya.
"Dahil mahal ka niya," sagot ko. Nagulat ulit siya.
"Hindi ako ang mahal niya. Wait, 'di ba kayo break ni Nygel?" sabi niya. Ha? Kami? Break?
"Hindi, bakit?" tanong ko.
"Sabi kasi ni Jaimee, break na daw kayo," sabi niya. Nagtaka ako bigla.
"Wala akong sinasabi sa kaniyang ganon," sabi ko.
"E, bakit sabi mo daw sa kaniya na 'wag siyang mag move on dahil baka ang feelings sayo ni Nygel ay mapunta sa kaniya," paliwanag ni Darren. Labis akong nagulat sa sinabi niya. Si Nygel ba ang tinutukoy ni Jaimee kahapon??
"Akala ko kasi, ikaw ang tinutukoy niya kahapon.. 'Wag mong sabihing, may gusto si Jaimee kay Nygel?" sabi ko. Bigla naman siyang nataranta.
"A, mag ti-time nap ala. Sige, mauna na ako sayo," sabi ni Darren. Kailangan mauna talaga siya, hindi ba pwedeng sabay kami. Nakakapagtaka tuloy siya ngayon.
"Sabay na tayo kung gusto mo," habol niya pa habang nag lalakad. Sumabay na nga ako sa kaniya.
Habang nag lalakad kami ni Darren, napaisip ako. May gusto nga ba talaga si Jaimee kay Nygel? Pero siguro nga.. kasi kapag nag ku-kwento ako sa kaniya tungkol sa'min ni Nygel, nagagalit siya. Ano 'to? Bakit parang ayaw sabihin sa'kin ni Jaimee na may gusto siya kay Nygel? Natatakot ba siya sa akin kapag nagalit ako? Hindi naman ako magagalit, at hindi ako nakakatakot magalit, siya kaya ang nakakatakot magalit. Pero kapag nalaman kong may gusto talaga si Jaimee kay Nygel, maiilang lang ako kay Jaimee. Kasi pareho kami ng gusto, tapos boyfriend ko pa.
Nang recess na, agad kong nilapitan si Jaimee, itatanong ko sa kaniya kung may gusto nga siya kay Nygel para makasiguro na ako. Bakit kaya napakasaya niya?
"Hi Chloe!" nakangiti niya bati sa akin. Ano kayang meron?
"Jaimee, may itatanong sana ako sayo. Sagutin mo ha," nakasimangot kong sabi.
"Osige, ano ba 'yon?" nakangiti pa niyang tanong.
"A-e, ano kasi... totoo bang.. may gusto ka kay Nygel?" kinakabahan kong tanong. Bigla siyang napasimangot. Parang natakot pa siya.
"Diba, alam mo na 'yon," sabi niya sa akin.
"Akala ko kasi, si Darren yung tinutukoy mo kahapon, si Nygel pala," sabi ko naman. Ngayon, naiilang na ako sa kaniya.
"So, you mean... hindi mo pa talaga alam?" tanong niya. Parang kinakabahan pa siya. Natatakot nab a siya sa'kin?
BINABASA MO ANG
Perfect Match [Completed]
Fiksi RemajaPaano kung 'yong mas pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pala ang sisira sa kasiyahan mo para lang sa sarili niyang kasiyahan?