Jaimee's P.O.V.
Lumipas ang panahon.....
Nasa canteen ako kasama si Ella. Kaya siya sumama saamin ni Chloe kasi nagbago na daw ang mga friends niya. Speaking of Chloe, nasaan na siya? Bigla nalang nawala.
"Jaimee, gusto mo ng juice?" tanong ni Ella.
"A, sige. Thank you," sabi ko. Mabait naman pala 'to si Ella. Bakit kaya nagbago ang mga friends niya sa kaniya?
Habang nagku-kwentuhan kami ni Ella, biglang dumating si Chloe.
"Ella, Jaimee, tulungan niyo ako sa problema ko," pakiusap ni Chloe. Ano kaya 'yon?
"Ano ba 'yon?" tanong namin ni Ella sa kaniya.
"Liligawan daw kasi ako ni Nygel, kaso hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko din alam kung kung ano ang sasabihin ko," paliwanag niya. Tama ba ang narinig ko? Liligawan ni Nygel si Chloe?
"Simple lang. magdesisyon ka kung ano ang ikakabuti para sayo," sabi ni Ella.
"Ahhh.... E, ikaw Jaimee?" nagulat ako dahil tinawag niya ang pangalan ko. Ano ba ang sasabihin ko?
"Pasensya na, hindi kita matutulungan," sabi ko nalang. Umalis na ako.
Nang nasa bahay na ako, agad akong pumunta sa kwarto ko. Parang mapapaluha ako habang umuupo sa kama ko. Ayan ka nanaman, luluha ka nanaman dahil lang 'don. Lakasan mo naman ang loob mo Jaimee.
(Present)
Nakikita ko nagyon na nililigawan na ni Nygel si Chloe. Halos madurog na ang puso ko nang sabihin ni Chloe na "Yes".
Darren's P.O.V.
Malapit na ang field trip namin. Tatabihan ko si Chloe sa bus. Pero baka ayaw niya, kasi nga pala alam na niya. Sana pala hindi ko na siya tinext nun. At sana hindi ko muna siya pinahiram ng cellphone ko o kaya sana dinelete ko na yung text kong 'yon. Kainis talaga.
"Darren! May bisita ka!" sigaw ng mommy ko. Bumaba na ako. Si Jaimee pala. Pero bakit siya umiiyak?
"Jaimee, bakit ka umiiyak?" tanong ko. Tinabihan ko siya.
"Kasi nakita ko na niligawan na ni Nygel si Chloe," sabi ni Jaimee habang umiiyak. Nagulat ako sa sinabi ni Jaimee. Ngayon niya na pala liligawan si Chloe. Hindi man lang niya ako sinabihan para napigilan ko siya.
"A-ano naman ang sinabi ni Chloe? Sinagot nab a niya?" nag-aalala kong tanong.
"Sa-sabi niya, Yes," sagot ni Jaimee. Hindi pwede 'to. Oo nga pala, bakit naman kaya naiyak si Jaimee?
"'Wag mong sabihin, may gusto ka din kay Nygel," sabi ko. Napatingin siya saakin.
"Oo nga. Hindi mo pa alam?" sagot niya.
"Ngayon alam ko na. may gusto din kasi ako kay Chloe," sabi ko. Nagkatinginan kami ni Jaimee, natigil siya sa pag-iyak at natawa.
"Hahaha! Ikaw may gusto kay Chloe, ako naman may gusto kay Nygel. Tapos sila may gusto sa isa't-isa. Mga wala tayong pag-asa, hahaha! Nakakatawa 'yon diba," tawang-tawang sabi ni Jaimee. Natawa na lang din ako. Tama naman kasi ang sinabi niya. Wala na kaming pag-asa.
Pinakain ko dito si Jaimee, gustong-gusto niya yung luto ng mommy ko. Palibhasa kasi chef ang mommy ko.
"Darren, ang sarap talaga ng luto ng mommy mo. Ano bang pangalan ng restaurant ng mommy mo? Kakain ako doon paminsan-minsan," sabi ni Jaimee. 'Nu ba 'yan si Jaimee, hindi pa rin maka move on sa luto ni mommy. Mukhang may gayuma na ang luto ni mommy para maraming kumain sa restaurant niya. Pero sa bagay, masarap naman kasi talaga magluto si mommy.
"Malapit lang 'yon dito. Wena's Restaurant ang pangalan," sagot ko. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan si mommy kung pangalan pa ang nilagay niya sa restaurant.
"Sige, pupunta ako sa restaurant ng mommy mo paminsan-minsan. Sige, paalam na, bye," sabi niya. Buti hindi siya nag react sa pangalan ng restaurant ni mommy. Karamihan kasi, maraming nag re-react doon.
"Sige, hatid na kita," sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Perfect Match [Completed]
Teen FictionPaano kung 'yong mas pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pala ang sisira sa kasiyahan mo para lang sa sarili niyang kasiyahan?