Chapter Three

67 3 0
                                    

Nygel's P.O.V

        Math time na namin. Nagsusulat kami pero si Jhon ay nakatulala lang.

        "Ang ganda talaga ni Ella," pabulong na sabi ni Jhon.

        "Ano?" tanong ko kahit narinig ko naman.

        "A, wala," gulat niyang sagot. Natawa nalang ako ng mahina.

        Nang uwian na namin, habang naglalakad kami ni Jhon, biglang nagsalita siya.

        "Aaminin ko na, crush ko si Ella," nahihiya niyang sabi. Natawa lang ako.

        "E, ikaw, sino crush mo?" tanong niya.

        "Wala," diretso kong sagot.

        Kinabukasan, pumasok na ako sa school, napansin ko lang, absent si Chloe ha.

        "Jeff, anong iniisip mo? Yung crush mo ba?" tanong ni Jhon.

        "Hindi ah, diba sabi ko, wala akong crush," paliwanag ko sa kaniya.

        Nang lunch na, nakita kong magkasama si Jaimee at Darren sa canteen. Napag-isipan ko lang kung sumabay din kaya kami sa kanila. 'Yun na nga, sumabay na kami. Ang daldal ni Jaimee. Bigla nalang nagsalita si Darren.

        "Nygel, may nagkakacrush sayo," sabi ni Darren. Nakatingin lang ako sa kaniya.

        "Jade! Kumain ka nga nito, kung ano-ano pinagsasabi mo eh," singit ni Jaimee.

        "Kilala mo kung sino? Edi si Mae," natatawa niyang sabi saakin. Totoo kaya 'yon? Ay, ewan.

        Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami sa classroom namin. Bakit parang may nami-miss akong isang tao. 'Di ko maipaliwanag.

        Kinabukasan ulit, birthday daw ni Ella ngayon, magpapakain daw siya. Kilig naman si Jhon. Nakita ko na si Chloe na kinakausap si Darren. Napangiti ako, ewan ko kung bakit, baliw yata ako.

        Nang recess na namin, lumapit saakin si Darren na para bang ang lungkot-lungkot niya.

        "May sasabihin ako sayo. Pero ibubulong ko lang," sabi niya saakin. Na curious naman ako kaya nakinig ako sa kaniya.

        "Crush ka ni Chloe," sabay takbo siya. Napatulala lang ako.

        "Uy, ano daw 'yon?" tanong ni Jhon.

        "A, wala," sagot ko, pagkatapos nun ay naglakad na kami. Nagkahiwalay kami, siya sa Science, ako naman sa P.E.

        Nang nasa P.E. room na ako, ang layo ng isip ko. Iniisip ko kasi yung sinabi saakin ni Darren. Parang.... ano ba itong nararamdaman ko. Hindi ko malaman.

        Parang nagmamahal na yata ako.

Perfect Match [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon