Chapter Nine

27 2 0
                                    

Jaimee’s P.O.V.

        Tapos na kaming kumain ng lunch. Hindi muna kami pumunta sa next subject namin. Pumunta kami sa locker namin, kukunin ang ibang gamit.

        “Jaimee, Chloe. Mauna na ako sainyo ha,” paalam ni Darren saamin ni Chloe.

        “Osige,” sabi ni Chloe. Kinuha na namin ang mga gamit namin sa locker. Pagkakuha ko ng mga gamit ko, nahulog bigla. Excited kasi akong makita yung crush ni Chloe.

        “Dahan-dahan lang, Jaimee,” sabi saakin ni Chloe. Parang alam niya kung bakit ko nahulog yung mga gamit ko. Talagang alam niya, sa tinagal-tagal ba naman naming naging mag kaibigan.

        Nang paalis na kami sa locker room, may napansin si Chloe na maliit na notebook sa sahig. Pinulot niya ‘yon.

Diary ni Darren, nahulog.

        “Chloe, basahin natin,” sabi ko. Tumingin siya ngmedyo masama sa akin.

        “Jaimee, diary ‘to ng isang tao, may secret siya na hindi dapat natin malaman,” ang kj talaga ni Chloe kahit kailan.

        Habang naglalakad kami ni Chloe papunta sa next subject namin, bigla namin nakasalubong si Jonh. Kasama niya pa yung lalaking hindi ko kilala. Kailan ko ba makikilala ‘tong gwapong lalaking ‘to? Binati namin si Jonh. Binati niya din kami. Nang makalayo na sila, bigla akong kinausap ni Chloe.

        “Nakita mo ba yung kasama ni Jonh? Siya kasi si Nygel,” kinikilig niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako. Totoo ba na ‘yon yung crush ni Chloe? Ibig sabihin, crush niya, crush ko din?

        “Jaimee, baka pasukan ng lamok,”  natatawang sabi ni Chloe. Sinara ko na ang bibig ko at napailing-iling.

        “Sorry. Nagwapuhan lang kasi ako sa crush mo,” sabi ko sabay ngiti. Pilit lang ‘yon.

        Naglakad na ulit kami papuntang computer room. Oo nga pala, nasaan na nga pala si Darren? Ay, panigurado ako, nasa classroom na ‘yon at nakikipagdaldalan.

        Nang makarating kami sa computer room namin, tama ang hinala ko. Si Darren ay nasa room na at nakikipagdaldalan.

        “Hoy, Darren Meester! Nang iwan ka ha,” sigaw ko sa kaniya. Gan’to talaga ako magalit, sumisigaw. Lumapit siya saakin.

        “Jaimee, baka nakakalimutan mo, bago ako umalis, nagpaalam ako sainyo,”  sabi ni Darren. Oo nga pala. Nakalimutan ko ‘yon ha. Speechless ako kasi medyo napahiya ako.

        “Baka nakalimutan talaga ni Jaimee. Ako din kasi, nakalimutan ko. Oo nga pala, Darren, napulot ko diary mo. Nahulog mo yata bago umalis sa locker room,” sabi ni Chloe kay Darren. Nagulat si Darren at agad niyang kinuha ang diary niya kay Chloe. Bigla akong natawa.

        “Anong nakakatawa?” seryosong tanong ni Darren. Bigla akong tumigil sa pagtawa.

        “Natatawa ako kasi nag da-diary ka pa pala,” medyo natatawa kong sabi. Bumuntong hininga siya at humarap kay Chloe.

        “Chloe, binasa niyo ba?” nag-aalalang tanong ni Darren. Siguro may matinding sikreto siya sa diary niya. Sana pala ako nalang ang nakapulot ng diary niya.

        “Hindi,” sagot ni Chloe. Bumuntong hininga ulit siya.

        Maya-maya, nagstart na ang class namin. Gustong-gusto ko talaga ang computer subject! Pero hindi ko kaklase ang crush ko. Alam ko na! Lumapit ako sa prof. namin.

        “Prof. may I go out?” paalam ko. Pinayagan naman ako. Madadaanan ko ang room ni Nygel. Nakita ko na nagsusulat siya at biglang kinausap si Jonh. Ang cute niya! Dahil nakatingin lang ako sa kaniya habang naglalakad, ‘yan, nadulas ako. ‘Nu ba ‘yan, ‘di ko kasi nakita na bagong mop pala ang floor.

       Kinabukasan, nang Math time na namin, napansin ko na absent si Chloe. ‘Nu ba ‘yan, wala ang best friend ko. Walang manlilibre saakin ngayon. Hahaha! Grabe, parang ayaw ko lang siyang absent kasi walang manlilibre saakin. Pero serious, lungkot ko kasi absent siya. ‘Di kasi ako sanay na absent siya eh.

        Lunch na!!! Kakain na ako. Ano kaya ang ulam ko? Sana naman masarap. Biglang napansin ko si Darren.

        “Darren, bakit parang ang lungkot mo?” tanong ko sa kaniya. Bigla siyang ngumiti.

        “Anong malungkot ang pinagsasabi mo? Ang saya-saya ko nga eh,” sabi niya. Parang baliw ‘to, ngumiti nalang bigla. Pero mas mabuti na ‘yon kesa naman sa nakasimangot siya. ‘Di kasi ako sanay na makita na malungkot siya eh, lagi kasi siyang nakangiti at nagbibiro.

        Habang kumakain ako, palingon-lingon ako sa paligid, may hinahanap kasi ako. ‘Yon! Nakita ko na. Si Nygel at Jonh mukahang pupunta dito. Honestly, sa hindi malandi, kinikilig lang naman ako. Nang nakaupo na sila sa table namin, dumadaldal nalang ako para hindi mahalata ni Nygel na kinikilig ako. Nagulat nalang ako kasi biglang nagsalita si Darren.

        “Nygel, alam mo bang may nagkakacrush sa’yo?” tanong ni Darren kay Nygel. Nako! Ano ba ang pinagsasabi nitong si Darren?

        “Darren! Kumain ka nga nito, kung ano-ano pinagsasabi mo. At paano naman niya malalaman ‘yon?!” sigaw ko.

        “Kilala mo kung sino? Edi si Mae,” natatawa niyang sabi. ‘Kala ko sasabihin niya na si Chloe ‘yon eh.

        Maya-maya ay umalis na sila Jonh at Nygel.

        “Darren, ‘kala ko sasabihin mo na eh,” sabi ko.

        “Bakit ko naman sasabihin?! Ayaw ko nga!” sabi niya. Bakit kaya gan’to ‘to makareact lagi? Parang laging galit.

Perfect Match [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon