Chapter Twenty one

12 2 0
                                    

Chloe's P.O.V.


            Nandito na kami sa room. Nakita namin na may chocolates sa mesa namin ni Jaimee. Kanina flowers, ngayon naman, chocolates? Aba, may secret admirer talaga si Jaimee. Sino kaya nag bigay ng chocolates? Baka si Darren din. HAHA!! Sana nga, tama ang mga hula ko. Bagay naman sila si Jaimee. HAHA!!

            "Chloe, dalawa ang secret admirer ko," sabi ni Jamiee sabay kuha ng chocolates. Nakita namin sa isang chocolate na may nakadikit na papel. Tinignan namin 'yon.

(Letter)

Hello, baka hindi mo nakita yung sulat sa flower. Tignan mo na lang J

            "Isa lang pala ang secret admirer ko. Hehe.." sabi ni Jaimee. Kinuha niya ang letter sa flowers.

(Letter)

Hello! Happy Valentines! J

            "Akala ko ba naman, importante. 'Kala ko magpapakilala na siya," inis na sabi ni Jaimee.

            "Jaimee, parang sulat ni Jake," sabi ko.

            "Oo nga noh," sabi ni Jaimee. Biglang dumating na si Darren.

            "Hello... o, kanino galing 'yan, Jaimee? Pati yung sayo, Chloe?" tanong ni Darren.

            "Hula namin ni Jaimee, yung nag bibigay sa kaniya ng flowers and chocolates, si Jake," sabi ko. Natawa si Darren.

            "Sure ba kayo?" tanong niya.

            "Ewan... bakit ba? Hula nga lang and we're not sure," sabi ko.

            "Darren, sinungaling ka," sabi ni Jaimee. Biglang nataranta si Darren.

            "Bakit? Anong ginawa ko?" tanong niya. Feeling ko, siya talaga ang nag bigay ng flowers ang chocolates kay Jaimee, pinasulat lang niya si Jake para kunware si Jake ang nag bigay. Hmp! Napaka-torpe talaga nitong lalaking 'to.

            "Sabi mo kasi sa amin ni Chloe, malapit nang mag start ang class, pero hindi naman," sabi ni Jaimee.

            "Ganon ba? Akala ko naman kung ano na. Sorry ha," sabi ni Darren sabay tingin sa relo niya at tinignan din ang relo ko.

            "Sorry, advance pala ang relo ko," sabi ni Darren. Tinignan ko ng palihim ang relo ni Darren kung totoo ngang advance, kaso hindi ko makita, lumalabo na yata ang mata ko. Sana hindi naman. Ngayon lang yata. Ayokong lumabo ang mata ko.

            Nang uwian na, hindi na ako gumala. Dumiretso agad ako sa house ko. Habang kumakain ng biscuit, narinig kong may nag bell. Lumabas ako ng pinto, nakita ko si Jaimee. Pumunta ako sa gate at binuksan ang gate.

            "Bakit ka pumunta dito?" tanong ko sa kaniya.

            "Wala lang.. boring kasi sa bahay," sagot niya.

            "Ah, sige, pasok ka," sabi ko.

            Pumasok na kami sa loob ng bahay. Pinakain ko din siya ng biscuit at tinimplahan ko siya ng orange juice.

            "Chloe," napatingin ako sa kaniya. "Nagagalit ka ba sa akin dahil nagka-gusto ako kay Nygel?" tanong ni Jaimee. Nagulat ako sa tanong niya. Bakit niya pa kailangang itanong 'yan?

            "Hindi, bakit naman ako magagalit sayo dahil lang doon? Hindi ko naman kasalanan na magka-gusto ka sa kaniya eh. Sadyang gwapo lang yata siya, HAHA!! Kahit hindi naman," sabi ko. Natawa siya sa sinabi ko. Nag change topic na lang siya.

            'Yon lang ba ang dahilan niya kung bakit siya pumunta dito? Ay, hindi. Boring nga lang pala sa bahay nila ngayon.

            Kinabukasan, late akong pumasok sa school. Nagulat nga ako nung pagkadating ko sa room, kinausap ako ni Nygel. Eto ang sabi niya sa akin, "Akala ko, a-absent ka," nakaka-kilig diba. Concern sayo ang boyfriend mo. Parang ayaw ka niyang pa absenten.

Jaimee's P.O.V.

            "Jaimee, kahapon, may nanligaw sa akin. Naiirita ako sa kaniya," inis na sabi ni Chloe.

            "Bakit?" tanong ko. Bakit kaya siya naiirita sa manliligaw niya? buti nga, may manliligaw pa rin siya kahit may boyfriend na siya.

            "Sabi niya kasi, kahit may boyfriend na daw ako, hindi daw siya mag gi-give up!" sigaw ni Chloe.

            "Shh... ang lakas ng boses mo, baka may nakarinig," sabi ko. Baka kasi pag tsismisan siya.

            "Naiinis lang kasi ako. E kasi, alam naman niyang hindi ko siya type, tapos, sasabihin niya pang hindi siya mag gi-give up," sabi niya pa.

            "Diba, nasa bahay mo ako kahapon. Parang hindi ko yata alam 'yan," sabi ko. Kasi medyo matagal naman ako sa bahay ni Chloe, wala namang nang harana sa kaniya.

            "Nung pagka-alis mo, bigla siyang dumating. May dala pang flowers," inis niyang sabi.

            "Hayy, change topic tayo diyan. Inis na inis ka na eh," sabi ko. Sana, walang nakarinig ng sinigaw niya kanina.

Nygel's P.O.V.

            "Sure akong sasagutin ni Chloe yung manliligaw niya. biruin mo ba naman, sinigaw pa niya na hindi siya igi-give up nung manliligaw niya," sabi nung isang babae. Ano yung narinig kong 'yon? Totoo kaya 'yon? Sana naman, hindi. Hindi ako kayang lokohin ni Chloe.

            Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Jaimee, mag-isa lang siya.

            "Hi Jaimee!" bati ko. parang nagulat pa siya.

            "Hi din! Bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Jonh?" sabi at tanong niya sa akin.

            "Nasa room na kasi agad siya, gumagawa ng assignment. Ako kasi, may nilagay lang sa locker. Ikaw, bakit mag-isa ka lang din?" sabi ko.

            "Nasa canteen si Chloe, pupunta lang kasi ako saglit sa locker ko, may kukunin akong isang notebook. Sige, mau..." pinigilan ko siya.

            "To-totoo bang may nanliligaw si Chloe at sasagutin niya 'yon?" tanong ko sa kaniya. Natigil siya saglit at parang hindi makapag-salita.

            "Ang totoo, sinagot na niya," sabi ni Jaimee na may kahalong panginginig ang boses. Huminga ako ng malalim.

            "Sige, salamat," sabi ko na may kahalong pag pipigil sa sarili. Paano 'to nagawa sa akin ni Chloe? Hindi na ba niya ako gusto? Sawa na ba siya sa akin? Hindi ba ako naging mabuti sa kaniya? Mas gwapo ba ang nanligaw sa kaniya? Hindi ko alam kung bakit niya ako pinagpalit, pero nagagalit ako sa kaniya.

Perfect Match [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon