Chloe's P.O.V
Ano yung narinig ko kay Nygel na ligawan? Sino kaya ang liligawan niya? Ako ba? Haha! Kapal ng mukha ko. Matanong na nga lang mamaya kay Jhon.
Pumunta ako sa canteen with Jaimee. Ang konti palang ng tao. Buti nga 'yon eh. I heard someone calling my name and Jaimee.
"Chloe! Jaimee!" sino kaya 'yon? Tiningnan ko yung tumawag sa'min, si Ella. Bakit kaya?
"Anong problema?" tanong ko.
"Nagbago na kasi yung mga friends ko. Pwede bang sainyo nalang ako sumama lagi?" sagot niya.
"Sure, why not," sabi ni Jaimee.
Nasaan na kaya si Jhon? A, 'yon pala, buti hindi niya kasama si Nygel. Nilapitan ko siya.
"Jhon, ano yung pinag-uusapan niyo kanina ni Nygel?" tanong ko.
"A.... for boys lang 'yon," pagdadahilan niya.
"Sige ka. Pag hindi mo sinabi, sisiraan kita kay Ella," blockmail ko sa kaniya.
"A.... sige na, sasabihin ko na. Gusto kang ligawan ni Nygel. Kaya mag ready ka na kung sasagutin mo ba siya o hindi," sabi sa'kin ni Jhon.
Ano kaya? Sagutin ko ba o hindi? Ay ewan.
"Ella, Jaimee. Tulungan niyo ako sa problema ko," pakiusap ko.
"Ano ba 'yon?" tanong nila.
"Liligawan daw kasi ako ni Nygel, kaso hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko," paliwanag ko.
"Simple lang. Magdesisyon ka kung ano ang ikakabuti para sa'yo," sagot ni Ella.
"Ahhh.... e, ikaw Jaimee?" sabi ko.
"Pasensya na, hindi kita matutulungan," umalis na si Jaimee. Bakit kaya ganon 'yon?
Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga. Ilang araw na nga pala hindi napasok si Darren, matawagan nga.... Bakit hindi niya sinasagot yung phone? Matext na nga lang.
Me: Darren! Musta na? Tagal mo nang hindi napasok ha, may problema ka ba? Oo nga pala, liligawan ako ni Nygel, ano sa palagay mo ang pwede kong sagutin?
Sending...... Sent!
Ang tagal niya mag reply..... nag ring yung phone ko,baka siya na 'to.
(Dissapointed)
Sino 'to?
Ewan: Hi! Chloe, musta na?
Bakit niya ako kilala? Stalker kaya? Grabe naman. Hindi naman ako ganun kaganda eh. Hay, matanong nga kung anong name nito. Pero sabihin niya kaya? Ay, basta.
BINABASA MO ANG
Perfect Match [Completed]
Teen FictionPaano kung 'yong mas pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pala ang sisira sa kasiyahan mo para lang sa sarili niyang kasiyahan?