Chloe's P.O.V.
Uwian na, si Jaimee, sinusundan ako sa pag-uwi kahit 'di ko siya pinapansin. Ayaw niya bang masira ang friendship namin? Yata.. pero siya naman ang may kasalanan ng lahat eh, siya ang sumira ng friendship namin.
"Punta tayo sa mall, Chloe. Gusto mo ba? O may importante ka pang gagawin? Just tell me," hindi ko lang siya pinansin. Ang kulit naman nito, hindi ko na nga pinapansin, nag papapansin pa rin. Bigla niya na lang akong hinawakan sa shoulders at iniharap sa kaniya. Galit ang mukha. Naku, ito na siya.. ang monster Jaimee.
"Bakit ba hindi mo ako pinapansin simula umaga?! Ano ba ang ginawa ko sayo?! Sa tingin ko naman, wala eh. Tapos ganyan ka!" sigaw ni Jaimee sa akin. Hindi ko nanaman siya pinansin. Kahit natatakot na ako sa kaniya, hindi ko pa rin siya pinansin. Tumalikod lang ako sa kaniya.
Dapat maglalakad na ako nang iharap niya ulit ako sa kaniya. Ang kulit naman.
"Chloe! Sagutin mo ang tanong ko! I just want to know if may nagawa ba akong masama sayo?" sabi ni Jaimee. Masama ang tingin ko sa kaniya. Masagot na nga nang tumigil na siya sa kakatanong at maintindihan na niya.
"Because of you, nakipag break sa akin si Nygel. You told him na sinagot ko yung manliligaw ko kahit hindi naman! Ginawa mo 'yon para sayo?!" galit kong sabi sa kaniya habang umiiyak. Napapaiyak talaga ako kapag naaalala kong sinigawan-sigawan ako ni Nygel sa bahay ko. Hindi ko matanggap 'yon. "Paano mo nagawa 'to sa akin, Jaimee?" tanong ko.
"Chloe, I'm sorry. 'Di ko sinasadiya. Nabigla lang naman ako nun," sabi ni Jaimee.
"Walang magagawa ang sorry mo, Jaimee. Ikaw ang sumira ng friendship natin. Masyado ka kasing maka-sarili. Hindi mo man lang inisip ang kapakanan ng ibang tao kung masasaktan ba o matutuwa sa ginawa mo. Pinagkatiwalaan pa man din kita. Now, I don't trust you anymore," sabi ko.
"Chloe, please, give me another chance," biglang dumating si Darren.
"Hi, friends! Gusto niyong pumunta sa mall?"
"I'm sorry, Darren. Kaso wala ako sa mood," sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
"Bakit ka umiyak, Chloe?"
"Don't ask. Uuwi na ako, kayo na lang nitong babaeng 'to ang mag shopping," sabi ko at umalis na.
Sana walang sabihin yung Jaimee na 'yon kay Darren. Ayokong pag tsismisan ako sa school na malandi. Hindi naman kasi ako malandi. Ok, change topic. Ayoko nang isipin pa 'yon. Oo nga pala, ano nga pala ang gagawin ko sa bahay kaya dapat na akong umuwi??? Ahh, exam nga pala bukas. Kailangan kong mag-aral ng mabuti. Ayokong bumagsak. Pero bago 'yon, kakain muna ako para makapag-aral ng mabuti.
When I was home, I said, "I'm home na po, mama," but no one answered. Hinanap ko si mama sa house, then I realized na wala si mama sa bahay. Umalis yata, mukha pala akong ewan kanina. Pumunta ako ng kitchen para tignan kung may food. Pero wala akong makitang lutong food sa table. Naku, magluluto ako. This is challenging.
Nang tapos na akong mag luto, kakain na sana ako nang biglang may nag doorbell. Agad kong binuksan ang pinto at nakita sina Ella, Jonh, at Mae. Bakit kaya sila nandito? Pinapasok ko sila.
"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila.
"Gusto kasi naming mag group study siyempre dapat kasama ka. Pwede bang dito tayo mag group study?" sabi ni Ella.
BINABASA MO ANG
Perfect Match [Completed]
Teen FictionPaano kung 'yong mas pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pala ang sisira sa kasiyahan mo para lang sa sarili niyang kasiyahan?