Chloe's P.O.V.
"Chloe, sa tingin mo, may mag bibigay kaya sayo bukas? Ay, oo nga pala... si Nygel," sabi sa akin ni Jaimee.
"Ha? Bakit? Anong meron bukas?" tanong ko.
"Diba Valentines na bukas," sabi niya.
"Ay, oo nga pala. Sorry," sabi ko na naka peace sign pa. Nakalimutan kong Valentines pala bukas. Ang dami ko kasing iniisip ngayon.
"Kaya ngayon na nandito tayo sa mall, bumili na tayo ng pang regalo," yaya ni Darren. Tsk, grabe talaga sila. Sanay silang mag regalo. Makikigaya na lang ako sa kanilang dalawa para hindi ako O.P.
Nandito na kami sa bilihan ng pang regalo for Valentines. Si Jaimee, pasok agad. Excited.. sa bagay, ito ang gusto niya, ang tumingin-tingin ng mga gamit, pagkatapos, hindi naman niya bibilhin. HAHA!!
Maya-maya, nakita kong may kinuha si Jaimee, isang bulaklak, at isang Tobleron.
"Ano 'yan Jaimee? Bibilhin mo ba?" tanong ko.
"Oo, 'di ba obvious?" sabi niya.
"Ewan?" sabi ko at nag tawanan kami.
"Kanino mo ibibigay 'yan?" tanong ko kay Jaimee.
"A... sa parents ko lang," sagot niya. Bakit ang konti?
"Sa parents mo? Isang flower, at isang Tobleron lang? I think, dapat dagdagan mo pa. Libre ko," sabi ko.
"A, 'wag na. sapat na 'to para mapakita ko sa parents ko na I love them very much," sabi niya.
"Ok, 'yan ang gusto mo eh. Halika na," sabi ko.
"Asaan nab a si Darren?" tanong niya. Hinahanap niya, baka may meaning 'yan. HAHA!! Joke.
"Baka nasa counter na," sabi ko.
"Ano ba 'yang Darren na 'yan. Laging nangunguna. Hindi man lang tayo tinawag para sabay-sabay na tayo. Halika na nga Chloe, punta na din tayo sa counter," sabi niya. Nag o-oo na lang ako. Nang maglakad kami, napatigil ako.
"Bakit?"
"Wait lang, Jaimee. Wala pa akong napipili," sabi ko.
"Tulungan na kita," sabi niya. Pinili ko ang Rose, pinili naman ni Jaimee na chocolate, ay Hershey's. Biglang dumating si Darren.
"Oy, kayong dalawa. Bakit ang tagal niyo? Kanina pa ako nag-aantay sa labas," sabi ni Darren. Tsk, bakit kasi hindi niya kami tinawag.
"Pumipili pa kasi si Chloe ng ire-regalo kay Nygel. Ang sabihin mo kasi, nangunguna ka," sabi ni Jaimee.
"Tapos na akong pumili. Halika na sa counter. Mag bayad na TAYO, Jaimee," sabi ko. Pinagdiinan ko pa ang tayo. Inaasar ko lang si Darren, kasi nanguna siya. Meaning, hindi siya kasama.
Nang nasa labas na kami ng store, tinanong ni Jaimee si Darren.
"Oo nga pala, Darren. Anong binili mo?" tanong ni Jaimee. Parang ayaw pa ngang sagutin ni Darren.
"Isang malaking bulaklak just for my family," sagot niya.
"Weh? Bakit hindi naman masyadong malaki 'yang lalagyanan mo?" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Match [Completed]
Teen FictionPaano kung 'yong mas pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pala ang sisira sa kasiyahan mo para lang sa sarili niyang kasiyahan?