Chloe's P.O.V
Gabi na, nasa higaan na ako. Tinitignan ko yung picture namin kanina sa canteen. May nakita akong dalawang lalaki sa na nakain sa malayo. 'Di kasi malabo kaya nakilala ko. Si Nygel at si Jhon.
Nararamdaman ko nanaman ang kakaiba kong nararamdaman kanina. Hay, makatulog na nga.
Kinabukasan, nasa school na ako, tinulungan akong buhatin ang bag ko ni Darren. Buti nalang may kaibigan ako tulad ni Darren na tinutulungan ako lagi.
"Nasaan na nga pala si Jaimee?" tanong ni Darren. Bakit niya hinahanap? A, siguro may gusto 'to kay Jaimee.
"Yiee, hinahanap niya," asar ko.
"Hala! Nasaan nga? Tinatanong ko lang naman eh," naaasar na tanong ni Darren. Masagot na nga 'to, kawawa naman eh.
"Nasa bahay pa, sinundo ko na kanina, kaso sabi niya mauna na daw ako," sagot ko sa kaniya.
Nang lunch na, hindi na namin sinundo si Jaimee, kasi nasa canteen na siya agad.
"Hi Jaimee, bakit pinauna mo na ako?" tanong ko.
"A, kasi nagbibihis pa ako," sagot ni Jaimee.
"A, ganon ba. Uy, may crush na ako," natutuwa kong sabi.
"Ano?! May crush ka na? Sino?" natatarantang tanong ni Darren. Bakit gan'to 'to kung makareact. OA.
"Makareact, 'kala mo siya ang kinakausap. Pero, sino nga yun?" tanong ni Jaimee. Mukhang excited silang dalawa.
"Si Nygel," nakangiti kong sagot. Nagulat silang pareho.
"Sino 'yon?" tanong ni Jaimee. Hindi niya ba 'yon kilala? Hay naku, kaklase namin 'yon sa ibang subject eh.
Nang naglalakad na kami papunta sa next subject namin, nakasalubong namin si Jhon at si Nygel.
"Hi Jhon!" bati ko at ni Jaimee. Binati niya din kami. Nang makalayo na sila. Bigla kong kinausap si Jaimee.
"Nakita mo yung kasama ni Jhon? Siya kasi si Nygel," kilig kong sabi. Napataas ang dalawa niyang kilay at napanganga.
"Inferness ha, ang gwapo niya," nakangiti niyang sabi. Napangiti ako sa sinabi niya. Hay, ngayon lang ako naganto.
Naglakad na ulit kami, baka kasi malate na kami eh. Oo nga pala, nasaan nga pala si Darren?
Nang makarating na kami sa room namin, nakita namin si Darren doon at nakikipagdaldalan.
"Hoy, Darren Meester! Nang iiwan ka ha," sigaw ni Jaimee. Grabe si Jaimee. Taray! Magkaklase kami ni Darren sa lahat ng subject. Sana, ganun din kami ni Jaimee.
BINABASA MO ANG
Perfect Match [Completed]
JugendliteraturPaano kung 'yong mas pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pala ang sisira sa kasiyahan mo para lang sa sarili niyang kasiyahan?