Jaimee’s P.O.V.
Ngayon ay birthday ni Ella. Pinakain niya kaming lahat. Ang sarap nga nun eh. Kaya hindi na kami bumili ng pagkain nung recess. Pumasok nap ala si Chloe. Buti naman, ang saya-saya ko. Ililibre niya ulit ako! Haha, grabe, nagpapalibre lang ako. Hindi na nga muna ako magpapalibre sa kaniya.
Nang lunch na namin, tuwang-tuwa lumapit saakin si Chloe. Bakit kaya? Ano kaya problema nito?
“Jaimee!” sigaw niya. Hala! Bakit ganyan siya ka-hyper ngayon?
“Anong nangyari sayo? May sakit ka parin ba?” biro kong sabi.
“ Uy, wala na ah. Alam na kasi ni Nygel na gusto ko siya,” sabi niya. Napatulala lang ako sa sinabi niya. Hindi kasi ako makapaniwala. Paano?
Sumabay ulit sina Nygel at Jonh sa amin. Naiilang si Chloe kay Nygel, pati yata si Nygel. Hala! Bakit ganyan sila? Nakakainis naman… ako hindi man lang makaamin.
Nang uwian na, nakita ko si Nygel at Jonh. Kinikilig na naman ako. Ha? Si Jonh lang ang lalapit?
“Hi Chloe. May gustong iparating sayo si si Nygel,” sabi ni Jonh. Na curious naman ako kaya pati ako nakinig.
“Gusto ka din ni Nygel,” sabi ni Jonh.
“Sige, bye na,” sabi pa niya. Napatulala lang ako sa sinabi ni Jonh. Maluluha na yata ako nun. Hindi! ‘Wag kang lumuha Jaimee!
“O Jaimee, bakit parang iiyak ka?” tanong ni Chloe saakin. Ako iiyak. Siguro nga, hindi ko talaga kayang pigilan ang mga luha kong ‘to.
“A, tears of joy lang. Kasi may gusto din sayo si Nygel,” pagdadahilan ko sa kaniya. Sana hindi niya mapansin ‘yon.
“Ito naman, ikaw pa ang na tears of joy,” sabi niya. Hindi ko na napigilan ang pagluha ko. Umiyak na ako sa harap niya. Ang hirap palang tanggapin na ang minahal mo ng sobra eh mapupunta lang sa iba.
“O, grabe na ‘yan ha,” medyo natatawa niyang sabi.
“Masyado kasi akong masaya para sa inyo,” pagdadahilan ko ulit. Hindi ko pwedeng sabihin na nasasaktan na ako.
“Sinusuportahan mo talaga ako. Best friend talaga kita. Maraming salamat,” sabi niya. Bigla niya akong niyakap. Sorry Chloe, pero hindi kita sinusuportahan. Hindi ko gagawin ‘yon, dahil mahal ko din si Nygel.
Kinabukasan, Math time namin. Absent ang prof. namin. Ang saya ko nun.
“Jaimee, hindi daw sasama sa atin si Darren mamayang recess,” sabi ni Chloe.
“Buti nga ‘yon eh. Kasi nang-iiwan naman ‘yon,” nakangiti kong sabi.
Nang recess na, nakasalubong ko sina Nygel, Darren, at Jonh.
“Chloe, Jaimee. Imbitahan ko kayo sa birthday party ko sa Monday ha, payag kayo?” sabi ni Nygel.
“Su-sure naman,” naiilang kong sagot. Bakit kaya parang hindi makasagot si Chloe?
“Ikaw Chloe?” tanong ni Nygel.
“Syempre, sasama din ‘yan, ‘yan pa,” sabi ko kahit ayaw ko.
Nang birthday na ni Nygel, napakasaya niya. Pa’no kaya kung wala dito si Chloe? Masaya kaya siya?
BINABASA MO ANG
Perfect Match [Completed]
Teen FictionPaano kung 'yong mas pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pala ang sisira sa kasiyahan mo para lang sa sarili niyang kasiyahan?