Chapter Twelve

15 1 0
                                    

Chloe's P.O.V.

          Field trip na! Pupunta kami sa Tagaytay. Sure akong masaya ang araw na 'to. Sino kaya ang pwede kong katabi? Si Jaimee nalang.

          "Jaimee, tabi tayo," sabi ko sa kaniya. Tumingin lang siya saakin at dumiretso ng lakad. Ano kaya ang problema nun? 'Nu ba 'yan, sino kaya pwede kong katabi?

          "Joke lang naman Chloe, tabi tayo," nagulat ako kay Jaimee. Ito talagang si Jaimee, palabiro. Umupo na siya sa tabi ko, siyempre ako sa tabi ng bintana.

          Nang umandar na ang bus, nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang ang mga kaklase ko napakaingay. Ang layo ng isip ko, iniisip ko yung nilagawan ako ni Nygel. Tama ba na sinagot ko siya? Sana naman hindi ako mag sisi sa kaniya. Hindi pa pala alam ni mommy na may boyfriend ako. Sa susunod na araw, sasabihin ko din kay mommy. Kumuha ako ng pagkain sa bag ko at nagsimula ding mag-ingay. Nag kwento ako kay Jaimee.

          "Jaimee, alam mo ban a gusto akong katabi ni Nygel?" tanong ko habang kumakain. Nakataas ang kilay ni Jaimee nang humarap saakin.

          "Malamang, hindi ko alam 'yon. Paano ko naman malalaman 'yon? Ano ako? Kailangan ko bang maki tsismis kung ano ang pinag-uusapan niyo? Chloe, kilala mo naman ako, hindi ako tsismosa,"  haba naman ng sinabi nitong siJaimee. Nag ku-kwento lang ako galit agad.

          "Ito naman, nag ku-kwento lang naman ako. Bakit parang ang taray mo?" tanong ko. Sana naman sagutin niya ng maayos. Medyo nagbago din kasi itong si Jaimee, ewan kung bakit.

          "E, bakit kasi kailangan mo pang ikwento 'yan? Ang dami-daming pwedeng ikwento, 'yan pa ang naisip mo," galit  niyang sabi. Medyo nagbago nga talaga siya. Bakit kaya naging gan'to na si Jaimee tuwing kinukwento ko sa kaniya si Nygel? Ayaw ba niyang may boyfriend ako?

          Nang nagtagal, nandito na kami sa Tagaytay. Namasyal-masyal kami doon. Bumili din ako ng souvenir. Nang mag gagabi na, bumalik na kami sa bus. Uuwi na kami. Ang saya talagang mag field trip. Buti nalang kahit college na, may field trip pa rin.

          "Ang saya talaga dito, diba Jaimee," sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana, tinitignan ko ang Tagaytay. Napansin ko na hindi siya sumasagot, kaya humarap ako sa kaniya. Tulog na pala kasi si Jaimee. Mukhang ang sarap-sarap ng tulog niya. Makatulog na nga lang din.

(Dreaming)

          "Jaimee, alam mo ban a gusto akong katabi ni Nygel?" tanong k okay Jaimee. Nakataas ang kilay niya nang humarap saakin.

          "Wala akong pakialam," sabi saakin ni Jaimee. Ang taray niya naman.

          "Bakit ka nab a ganyan, Jaimee?" tanong ko. Nag-iba na kasi siya, hindi siya ganyan dati.

          "Dahil mahal ko si Nygel, at gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako," sabi ni Jaimee na parang napapaiyak. Nagulat ako sa sinabi ni Jaimee. Hindi ako makapaniwala na may lihim pala siyang pagtingin kay Nygel. Kaya pala nagbago na siya nang naging boyfriend ko na si Nygel.........

(End dreaming)

          "Chloe!" sigaw ni Jaimee. 'Nu ba 'yan, natutulog ako eh.

          "Bakit ba?" medyo inis kong tanong.

          "Nandito na kasi tayo sa school. Kanina pa kita ginigising pero hindi ka gumigising kaya sumigaw na ako," paliwanag niya.

          "Ahhh.... Osige, halika na. Sabay na tayong umuwi,"  sabi ko. Bumaba na kami sa bus. May nag susuka pa nga eh. Buti sanay na ako sa bus.

          Habang naglalakad kami ni Jaimee, naalala ko yung panaginip ko kanina. 'Kala ko totoo na 'yon. Nag-alala talaga ako nun ng sobra. Pero bakit sa panaginip ko may nangyaring totoo?

          Nandito na ako sa bahay ko. Nahiga na ako sa kama ko pagkapasok ko sa kwarto. Naramdaman ko ang pagod ko. Grabe! Parang ayaw ko nang tumayo sa sobrang pagod ngayon. Pero ang saya ng araw na 'to.

          Biglang nag ring yung phone ko. Matagal bago ko lapitan yung phone ko. Nakakatamad kasi. Sakto, pagkalapit ko sa bag ko para kunin ang phone ko, tumigil na ang ring. Nag miss call si Darren. Bakit kaya? Ano nanaman kaya ang problema nito?

Perfect Match [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon