Chapter Twenty seven- ENDING

65 2 0
                                    

Chloe's P.O.V.


            Iba pala ang pakiramdam kapag nag-aaway kayo ng boyfriend mo tapos nagkabati kayo. Parang nag start ulit kayo ng panibagong relasyon. Feeling ko tuloy, this is the first thing na nag boyfriend ako.

            Nung nag break kami, I feel so alone. Nawalan kasi ako ng bestfriend and boyfriend. Parang 'di pa ako comfortable. Ayoko na ulit mangyari pa 'yon.

            After ng pag-aayos namin ni Nygel, hindi pa rin maka-amin si Darren kay Jaimee ng feelings niya. Sabi ko nga sa kaniya, gawin niya kay Jaimee yung ginawa niya sa akin dati ng pag co-confess ng feelings. Pero tumanggi naman siya, dapat daw maiba naman daw. Lumang style na daw kasi. Edi sabi ko, i-date niya pero kunware hindi date 'yon. Pumayag naman siya.

            Sinundan ko si Darren kung saan niya ida-date si Jaimee. Napasimangot ako bigla nang malaman kong sa bakery niya ida-date si Jaimee. Ang baduy naman niya.

            "Uhm... Jaimee, may gusto ka pa rin ba kay Nygel?" tanong ni Darren.

            "Oo, pero nakakamove on na ako," sagot ni Jaimee.

            "Ahhh... ako, nakapag move on na," sabi ni Darren.

            "O? Ang bilis naman," gulat na sabi ni Jaimee.

            "Siyempre, may bago na kasi akong mahal." Ito na ang inaantay ko. Aamin na siya ng feelings kay Jaimee.

            "O? Sino? Share mo naman sa akin," sabi ni Jaimee. Parang na e-excite siya.

            "Kilala mo yung kaibigan kong pinag-sasabihan ko ng secret tungkol kay Chloe?"

            "Wait, ako 'yon ha. O tapos?"

            "Sinabi mo na kung sino ang mahal ko ngayon."

            Wow! Ang ganda ng pag co-confess niya. Ano kaya ang reaction ni Jaimee? Sinilip ko sila.

            "Ako?"

            "Ang maniwala, baliw."

            Nakita kong tumakbo si Darren. Bakit pa siya nag biro. Imbis na okay na 'yon eh. Nakita kong hawak-hawak ni Jaimee ang bag niya na parang manghahampas. Hinabol niya si Darren. Ano 'tong nakikita ko? Bago hampasin ni Jaimee si Darren... kinisan ni Darren sa lips si Jaimee??!! Hala! What's happening?!

            Umalis na ako sa bakery, hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Darren kay Jaimee. Nakakatawa, ano kaya ang reaction ni Jaimee? Sasampalin niya kaya si Darren. Siguro, HAHA!!

Kinabukasan, kasama ko si Jaimee sa bakery. Grabe, kwento siya ng kwento about yesterday.

 "Grabe lang talaga, ha. 'Di ako makapaniwala sa ginawa niya. I can't believe it. That's my first kiss. Ninakawan pa ako."

 "Ayaw mong gantihan?" asar kong tanong sa kaniya.

 "Ayoko nga! Ewww...." sabi niya.

 "Sus, kinilig ka lang naman sa kiss niya."

 "Chloe, ano ba?! Grabe ka."

 "Totoo naman, baka nga na in love ka na sa kaniya."

 "Hindi nga! Pero, Chloe.. parang agad akong naka move on kay Nygel nung kinisan niya ako."

 "Uyyy, I know what's the meaning of that," asar ko. Umirap lang siya.

Biglang napunta ang atensyon namin ni Jaimee sa dalawang lalaking nag hi sa amin.

 "Hi, girls," si Darren at Nygel.

 "Hello, Nygel. Bakit kayo nandito?" I asked.

 "Diba may usapan tayo na date natin ngayon. So, lets go?"

 "Oo nga pala. Sige, bye Jaimee. Date na din kayo ni Darren," sabi ko at nakita kong umupo na si Darren.

 "Chloe! Paano mo nagagawa 'to sa akin?" inis na sabi niya. HAHA!!

Nasa mall kami ni Nygel. Hindi naman masyadong romantic ang date namin sa restaurant. Paano ba naman kasi, napakadaldal. Hindi man lang magpa kipot.

 "Chloe, I'm happy kasi magka-ayos na tayo," si Nygel.

 "Me too," I said.

 "Sana hindi na tayo mag break."

 "Oo nga," sabi ko. Niyakap niya ako bigla. Niyakap ko na lang din siya.

 "I love you, Chloe."

 "I love you too, Nygel." Bigla niya sana akong kikisan sa lips pero agad ko naman siyang pinigilan.

 "Bawal pa ako," sabi ko at tumakbo. Hinabol niya naman ako. Para lang kaming nasa playground. Para kaming bata. I'm so happy because I have the man who I love very much. I feel so lucky in my life. Sana, panghabang buhay na ito..... <3

-The End

—-

Littlesmileyface: I hope you like it. At sana po kinilig po kayo sa story :) Sana po nagustuhan niyo po itong kwentong, "Perfect Match" thank you very much po sa pag-basa.

Perfect Match [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon