Darren's P.O.V.
Ano kaya ang nangyari sa kaniya. 'Di kaya nilaro niya yung larong nakakatakot? Nag-aalala ako.
When I open my cellphone, nakita ko nakaopen ang conversation namin ni Chloe sa inbox. Kaya ba na gano'n siya. Da.... dahil nakita niya na ako ang katext ko kagabi. Hi.... hindi pwede 'to. Baka iwasan niya na ako. Ayaw ko. Sa tinagal-tagal ng pagiging best friend namin, tapos iiwasan niya ako. Hindi, think positive. Hindi niya ako iiwasan kahit alam na niyang mahal ko siya.
Nang lunch na namin, I tried to talk with Chloe. Pero iniwasan niya lang ako. Hindi maganda 'to. Akala ko ba naman kapag nag think positive ako, hindi niya ako iiwasan. Kabaliktaran lang pala.
Chloe's P.O.V.
"Chloe, bakit mo iniiwasan si Darren? Ngayon mo lang siya ginanyan sa tinagal-tagal niyo nang naging magkaibigan,"
sabi ni Jaimee."Naiilang kasi ako sa kaniya," sabi ko kay Jaimee. Nagtaka siya.
"Bakit?" tanong niya. HIndi ko nalang siya sinagot. Ayaw ko namang sabihin na may gusto saakin si Darren kasi aasarin niya lang ako. Aaminin ko, minsan hindi ko pinagkakatiwalaan si Jaimee kahit best friend ko siya.
Uwian na. Pagod na pagod ako ngayong araw na 'to.
Suddenly, I saw Nygel. Papunta saakin. Ito ba yung sinasabi ni Jonh?"A, Chloe, pwede bang maging.... pwede bang maging tayo?" tanong niya.
Jaimee's P.O.V.
Lunch na, nasa canteen na agad ako. Ang tagal naman nila Chloe at Darren. Mukhang nag date na. Joke lang.
"Hi Jaimee, bakit pinauna mo na ako?" tanong bigla ni Chloe habang naglalakad kasama si Darren.
"A, kasi nagbibihis pa ako," sagot ko.
"Gano'n ba. Uy, may crush na ako," natutuwa niyang sabi habang umuupo.
"Ano?! May crush ka na? Sino?" natatarantang tanong ni Darren. OA naman 'to.
"Makareact. 'kala mo siya ang kinakausap. Pero, sino nga 'yon?" tanong ko. Excited ako kasi ngayon lang nagkaroon ng crush.
"Si Nygel," nakangiti niyang sagot. Nagulat kaming dalawa ni Darren.
"Sino 'yon?" tanong ko. Hehehe, hindi ko kasi kilala 'yon.
"Pakita ko sayo mamaya," sabi niya.
Parang excited akong makita yung Nygel. Parang gwapo kasi eh. Pangalan palang niya parang gwapo na. Ga'no kaya 'yon kagwapo? Hindi ko naman aagawin 'yon sa best friend ko. May crush na kasi ako. Kaso, hindi ko nga lang alam kung anong pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Match [Completed]
Teen FictionPaano kung 'yong mas pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pala ang sisira sa kasiyahan mo para lang sa sarili niyang kasiyahan?