Chapter Five

51 3 0
                                    

Nygel's P.O.V.

        Buti ang aga nila. Ang dami ko palang handa. Madami akong makakain! Ay, heto nanaman ako.

        "Jhon, alam mo na ba?" tanong ko.

        "Ang alin?" tanong niya.

        "Na may gusto na ako. Gusto mo malaman kung sino?" sabi ko.

        "Tigilan mo nga ako, nasabi mo na 'yan," sabi niya. Alam niya talaga kapag nanloloko ako.

        Lumipas ang panahon, naging close kami ni Chloe. Lagi na kami nag-aasaran. Si Jaimee din, naging close ko, lagi na din kaming nag-aasaran nun.

        Alam na ng buong klase na may gusto kami sa isa't-isa ni Chloe, kaya kapag nag-uusap kami, lagi silang nang-aasar. Except lang kina Jaimee at Darren. Ewan ko ba do'n sa dalawang yun, laging nagagalit saamin.

        "Jhon, punta tayo sa mall," yaya ko.

        "Sige ba, sama natin sina Chloe," sasabi niyabi sa'kin ni Jhon. Itong Jhon na 'to, ang hilig mag-asar.

        "Sige na nga," payag ko. Hindi na ako nakatanggi. Basta kapag narinig ko na yng 'Chloe'.

        Ewan ko ba kung bakit gan'to nalang ako makaibig kay Chloe. Malakas yata 'to mang-akit. Parang nasa kaniya na ang lahat.

        [MUSIC] Dati rati sabay pa natin, pinangarap ang lahat. Umaawit pa sa hangin, at amoy araw ang balat..... [MUSIC]

Sino kaya itong tumatawag? Sagutin ko nalang.

        "Hello, sino 'to?" sabi ko.

        "Si Chloe 'to," sagot niya. Pa'no niya nakuha number ko?

        "Uy," sabi niya.

        "B-bakit ka napatawag?" tanong ko.

        "A, gusto ko sanag yayain kayo ni Jhon na pumunta sa mall, payag ka?" sabi niya. Pumayag na ako.

        Binaba ko na ang phone.

        "Sino 'yon?" tanong ni Jhon.

        "Si Chloe, niyayaya tayong pumunta sa mall," sagot ko.

        "O?! Naunahan pa tayo," gulat niya. Oo nga noh. Hahaha. Pumunta na kami sa mall.

        Kinabukasan, English time namin. Kinausap ko si Jhon.

        "Jhon, ano kaya kung ligawan ko si Chloe," bulong ko.

        "Bahala ka," sagot niya.

        "Tulungan mo ako," pakiusap ko.

        "Sige, pero dapat totohanin mo ha. Hindi yung salita ka lang diyan," payag niya.

        "Oo naman," sabi ko. Yes!!!

Perfect Match [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon