Chapter Fourteen

14 1 0
                                    

Chloe's P.O.V.


            Lunch na... naaalala ko pa rin ang ginawa ni Nygel kanina. Niyakap ba naman ako, nakakahiya 'yon. nakita ko bigla si Darren.

            "Darren, thank you nga pala sa gift mo sa akin. Nagustuhan ko 'yon," sabi kosa kaniya. Pero bakit parang ang lungkot niya ngayon?

            "Your welcome," sabi niya habang nakasimangot. Bakit kaya siya malungkot? Anong problema?

            "Gusto mong sumabay sa amin ni Jaimee sa lunch?" yaya ko sa kaniya.

            "Hindi na," sabi niya lang. Ano kaya ang nangyari doon? Tatanungin ko n asana pero bigla na siyang umalis.

            "Chloe!" napatingin ako sa sumigaw ng pangalan ko. Si Jaimee pala 'yon. Tumingin lang ako sa kaniya. Nang malapit na siya, kinausap niya ako.

            "Hindi ka na naiilang kay Darren ha... yieee!" asar niya sa akin, pero parang ang ngiti niya sa labi ay may kahalong lungkot. 'Di kaya may gusto siya kay Darren. Ay, ewan ko lang. Per bakit kaya? Pareho sila ni Darren na malungkot. Ano kaya ang problema nila?

            "Wala rin naman kasing mangyayari kung maiilang ako sa kaniya habang buhay," sabi k okay Jaimee. Naglakad na kami papunta sa canteen.

            Nang nasa canteen na kami, nakita ko si Darren. Kasabay niya sina Nygel at Jonh. Malungkot pa rin siya kahit sina Nygel at Jonh ay nagtatawanan na parang ewan.

            "Bakit Darren? Hindi ba nakakatawa ang biro ni Nygel?" narinig kong tanong ni Jonh kay Darren.

            "Ewan ko," sabi niya lang. Hindi siya marunong makisama kina Nygel at Jonh. Dapat magkunware na lang siya na nakakatawa ang biro ni Nygel. Pero sa bagay, corny kasi si Nygel. Haha! Joke lang...

            Nang computer time na namin, nakita ko si Jaimee na ang lungkot-lungkot niya, samantalang tuwing computer time namin, ang saya-saya niya. Ano kaya ang nangyari dito? Pati na din kay Darren....

            "Jaimee, nagseselos ka ba sa akin?" tanong ko. Parang nagulat pa siya sa sinabi ko.

            "B-bakit naman?" tanong niya.

            "Kasi yung kanina... yung..." hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil bigla siyang nag salita.

            "Alam mo na pala," sabi niya na may kahalong lungkot.

            "So totoo nga?" tanong ko ulit.

            "Oo, pero pinipilit kong mag move on," sagot ni Jaimee. Bakit kaya siya mag mo-move on?

            "Hindi mo kailangan mag move on, malay mo mawala na ang nararamdaman niya sa akin at mapunta 'yon sayo," sabi ko. Sobra siyang nagulat sa sinabi ko. Hindi na nakapag salita si Jaimee dahil sinaway na kami ng prof. namin. So gusto niya pala si Darren. Hindi ko man nalaman 'yon. Itong si Jaimee talaga, ang galing mag tago ng sekreto. Hindi halata sa kaniya na may gusto siya kay Darren.

            Uwian na. Nakita ko si Nygel at Jonh na nag-aaway. Hay nako 'tong dalawa, laging nag-aaway kahit mag best friend sila. Agad ko silang nilapitan para patigilin. Lagi ko na lang sila pinapatigil.

            "Ano ba?! Tama na 'yan! Lagi na lang kayo nag-aaway," sigaw ko.

            "Bakit ba? Anong problema niyo at nag-aaway nanaman kayo?" tanong ko.

            "Si Jonh kasi, sinisi ba naman ako na ako daw yung nag-iingay, 'yon, pinagalitan ako ng prof. namin," hingal at galit na sabi ni Nygel.

            "Ikaw naman kasi talaga 'yon, tinatanggi mo pa. Ayaw mo lang mapahiya sa harapan ni Chloe na madaldal ka," sabi na galit ni Jonh. Biglang nag-away ulit sila. Heto pa ang ayaw ko kapag nag-aaway sila tapos pinipigilan ko, tapos hindi ko naman sila mapipigil. Pinabayaan ko na lang sila. Hindi ko naman alam kung paano sila patigilin mag-away. Simpleng bagay lang kasi, pinag-aawayan na. Ang babaw nila.

            Mali naman si Jonh, alam ko namang madaldal si Nygel. At kahit hindi ko alam at nalaman ko, hindi naman niyang kailangan magalit, kasi anong pake ko sa madaldal? Hay nako talaga yung mag best friend na 'yon. Minsan tuloy naiirita na ako sa kanila.

Perfect Match [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon