Chapter Twenty two

14 1 0
                                    

Chloe's P.O.V.


            "'Nak! May bisita ka," sabi ng mama ko. Agad naman akong bumaba ng stairs from my room. Tama ang hinala ko, si Nygel nga!

            "Sabi ko na nga ba eh, pupunta ka dito," sabi ko habang nag lalakad papunta sa upuan. "Siguro, kaya ka pumunta dito, para humingi ng sorry sa akin kasi hindi mo ako pinapansin kahapon noh," nakangiti kong sabi. Umupo ako sa upuan na kaharap niya. Ayokong umupo sa tabi niya, nakakailang kaya, nasa bahay ko pa man din siya. Nakita kong seryoso ang mukha niya. Bakit kaya seryoso siyang nakatingin sa akin? Nakakatakot naman. Ngayon lang siya tumingin sa akin ng ganyan. Ano kaya ang problema niya?

            "Chloe, kasi... sa tingin ko, kailangan na nating mag break. Tutal, may bago ka naman. At hindi mo na ako kailangan," pataas nang pataas ang boses niya. Seryoso talaga siya. Pero ano ang mga pinag-sasabi niya? bakit siya ganito ngayon? Hindi ako sanay na galit siya sa akin. Ano ba ang nagawa kong masama? Sa tingin ko naman, wala. Pero bakit siya galit sa akin? Bakit siya makikipag-break?

            "Hindi kita maintindihan, Nygel... at hindi ko din alam ang mga pinag-sasabi mo," sabi ko sa kaniya. Hindi ko naman talaga kung anong pinag-sasabi niya sa akin. Ang gulo niya. hindi ko siya maintindihan. Bigla na lang siya pumunta dito para makipag-break tapos hindi ko siya maintindihan kung bakit.

            Bumuntong hininga siya at nag salita. Ano kaya ang nangyayari sa kaniya? Sana panaginip lang 'to. Pero parang totoo. Ayoko na...

            "Chloe, 'wag mo nang i-deny, lahat ng kaklase at kaibigan natin, alam na. at si Jaimee pa mismo ang nag sabi sa akin na kaibigan mo. Kaya 'wag mo nang i-deny!" sigaw sa akin ni Nygel. Hindi ko na kaya 'to.

            "Si Jaimee? Kung anuman ang sinabi ni Jaimee sayo, 'wag mong paniniwalaan," nag-aalala kong sabi na malapit nang maluha. Bakit sinabi ni Jaimee sa kaniya? Dapat pala, ni-remind ko pa siya na 'wag sasabihin kay Nygel. Pero iba naman ang sinabi ko kay Jaimee, ang sinabi ba ni Jaimee, sinagot ko ang manliligaw ko? No way!

            "Ewan ko sayo! Puro ka deny! May narinig pa nga akong pinag-sigawan mo pa na hindi ka igi-give up nung manliligaw mo. Kaya ang mabuti pa, mag break na tayo, kahit ayoko, pero parang ayaw mo na talaga sa akin," sabi niya habang lumuluha na ang mga mata niya. Gusto ko sanang sabihin ang totoo pero hindi na ako makapag-salita dahil sa mga sinabi niya sa akin. Sana pala, hindi ko na lang sinigaw 'yon. nalaman tuloy ni Nygel tapos hindi niya ma-gets..

            Nang lumabas na si Nygel, napalingon-lingon ako. Buti na lang at wala si mama dito. Napahawak na lang ako sa ulo ko at umiling-iling habang umiiyak. Now, I feel so unlucky today. Sana pala, hindi ko kinuwento kay Jaimee na may nanligaw sa akin. Nagkaproblema pa tuloy.

            Kinabukasan, pag pasok ko sa school, sinalubong ako ni Ella at Jaimee. Lagi naman nila ako sinasalubong kapag sila ang nauuna sa akin pumasok.

            "Hi Chloe! O, bakit parang namamaga ang mata mo?" tanong ni Jaimee.

            "Ella, tulungan mo nga akong gawin 'tong report natin," sabi ko kay Ella. Hindi ko na lang pinansin si Jaimee. E kasi nga, galit ako sa kaniya. Ayaw ko siyang kausapin. Naiinis ako sa kaniya. Parang ayoko na nga din siya makita.

            "Bakit nga namamaga yung mata mo? Umiyak ka noh," tanong ni Ella habang nag lalakad kami. Tama ang hula niya, pero ayokong sabihin na umiyak ako.

            "'Wag mo nang tanungin," sabi ko kay Ella sabay tingin kay Jaimee. Parang nag tataka si Jaimee kung bakit hindi ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya, imbis na hindi ako galit sa kaniya dahil nagka-gusto siya kay Nygel, ginalit naman niya ako dahill siniraan niya ako kay Nygel dahil gusto niya si Nygel.

            Nang recess na namin, nilibre ko si Ella. Parang inaasar ko lang si Jaimee. Dati kasi, siya lagi ang nililibre ko. Hmp! Nakakainis talaga ang ginawa niya sa akin. Hindi ko makalimutan 'yon.

            "Ako din, Chloe, libre mo ako," sabi ni Jaimee.

            "Ikaw, Mae, gusto mong ilibre kita?" tanong ko kay Mae.

            "Sige, thank you," pasalamat sa akin ni Mae. Parang naiinis na si Jaimee. Pero dapat hindi ko ikasaya 'yon. grabe kasi 'to magalit. Nakakatakot kaya, sisigawan ka pa niya. pero kasalanan niya din kung bakit hindi ko siya pinapansin ngayon. Sa kaniya ko nga sinabi 'yon, kasi pinagkakatiwalaan ko siya. Pero sinira niya ang tiwala ko sa kaniya dahil siniraan niya ako kay Nygel. Sinagot ko daw yung manliligaw ko, hindi naman. Ang pangit-pangit naman nun.

            Hay, bakit kaya kailangan niya pang mag sinungaling kay Nygel? Para mag break kami at maging sila? Tsk, I know na hindi magiging sila. Sabi kasi sa akin ni Nygel kahapon, kahit ayaw niya daw makipag-break sa akin, pero parang ayaw ko na daw sa kaniya. That's mean na mahal niya pa rin ako. It's a true love.

Perfect Match [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon