Nygel's P.O.V.
Kumusta na kaya si Chloe? Kahit nag break kami, siya pa rin naman ang mahal ko, kahit meron na siyang iba.
"Hi Jeffy!" panigurado akong si Roxanne nanaman 'to.
"Ano nanaman ba?" tanong ko kay Roxanne. Si Roxanne ay kababata ko. Nung nag transfer ako dito, nag transfer naman siya. Kainis, parang stalker.
"Kasi Nygy... nabalitaan kong nag break na kayo ni Chloe," sabi niya. Sa totoo lang, ayaw ko yung tawag niya sa akin. 'Nygy', ang baduy.
"E ano naman ba?" tanong ko sa kaniya.
"Kasi... we have a chance," sabi nito.
"Anong we? Bakit? May gusto ba ako sayo?" tanong ko sa kaniya.
"A, e... bakit ka ba puro tanong?! Hindi mo man lang sinasagot ang tanong ko," nakanguso niyang sabi.
"Gusto ko kasing umalis ka na sa tabi ko," sabi ko sa kaniya.
"Ano pa ba kasi ang kulang sa akin? Maganda naman ako, matalino, at mabait," sabi niya. Ayaw talaga akong tigilan nito. Masagot na nga.
"Oo nga, pero ang gusto ko yung cool, ayun ang kulang sayo," sabi ko.
"Bakit? Cool naman ako ha," nagtataka nitong sabi.
"Hindi kaya. Maarte ka," sabi ko. Totoo naman eh, maarte siya. Palibhasa kasi, sobrang yaman. Napatayo siya bigla.
"Ang sakit mo namang mag salita, maka-alis na nga!" inis niyang sabi sabay talikod.
"Mas mabuti pa nga," mahina kong sabi.
Uwian na, nakita ko si Roxanne na sasakay na sa kotse niya. Nakita niya din ako. Tinarayan niya lang ako nang mag hi ako. Ayaw niya bang sinasabihan siyang maarte? Totoo naman 'yon eh. Guilty yata.
"Nygel," nagulat ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Jonh pala.
"Jonh! Bakit ka nang-gugulat?" sabi ko.
"Wala lang," sabi niya.
"Kahapon pala, nag group study kami nina Chloe. Pinakain niya muna kami bago mag start. Grabe pare, ang sarap niyang mag luto. Musta na nga pala kayo ni Chloe?" sabi niya. Paano ko ba 'to masasagot.
"Ahhh... sino nakaisip mag group study?" tanong ko. Natawa siya at parang kinikilig pa.
"Si Ella J Tinawagan niya ako at biglang sabi niya na mag group study daw kami sa bahay ni Chloe," sagot niya.
"Yiee!!" asar ko. Kinikilig pa rin siya. Pero bigla siyang natauhan. Lagot.
"Hoy! Tinatanong kita kung kamusta na kayo ni Chloe eh," sabi nito.
"Break na kami," sagot ko. Sobra ang pagka-gulat niya.
"Ha?! Sa sobrang pagka-in love niyo sa isa't-isa, nag break pa rin kayo?" tanong niya.
"Uhm... 'wag mo nang isipin pa 'yon. Tapos na 'yon," sabi ko. Baka maiyak lang ako kapag nag kwento pa ako. Baka mawala ang pagka-lalaki ko.
"Osige, punta na lang tayo sa bakery," yaya ni Jonh. Pumayag na lang ako. Pampatanggal ng lungkot ang pag gala ko. Lalo na kasama ko pa 'tong bestfriend ko.
Nandito na kami sa bakery, nakita ko si Chloe at Ella. Kung kailan naman nandito kami, nandito naman sila. Hay nako! Pinagtatagpo ba kami nito? Wala naman nang dahilan para magkita pa kami.
"Doon tayo sa kanila," sabi nitong si Jonh. Nang aasar ba 'to? Palibhasa kasi, nadoon si Ella, ang crush niya.
"Jonh, nang aasar ka ba?" tanong ko.
"Sorry naman, nandoon kasi si Ella. Okay, ako na lang ang o-order. Ano bang gusto mong tinapay?" sabi niya.
"Pandecoco na lang," sabi ko sa kaniya at binigay ko na ang pera ko.
Nang maka order na si Jonh, nakita siya ni Chloe at Ella. Kilig na kilig naman si Jonh.
"O, Jonh, nandito ka pala. Sino kasama mo?" tanong ni Chloe. Hay nako, bakit kailangan pang itanong?
"Si Nygel," sabi ni Jonh sabay turo sa akin. Bakit niya pa sinabi.. hay nako! Pahamak. Yumuko na lang ako.
"Ahhh... sige, mauna na kami," sabi ni Chloe.
"Ah, sige, ingat kayo. Lalong-lalo ka na Ella, ingat J," sabi ni Jonh. Pumunta na si Jonh sa table namin.
"Parang iniiwasan ka ni Chloe," sabi ni Jonh.
"Hindi, baka may date pa sila nung boyfriend niya. At saka, bakit mo pa kasi ako tinuro?" inis kong sabi.
"Ha?! Boyfriend?" gulat na sabi ni Jonh.
"Kakasabi ko lang, diba," suplado kong sabi.
"Ahhh..." sabi nito pero parang 'di pa rin naniniwala.
BINABASA MO ANG
Perfect Match [Completed]
Novela JuvenilPaano kung 'yong mas pinagkakatiwalaan mong tao ay siya pala ang sisira sa kasiyahan mo para lang sa sarili niyang kasiyahan?