Phase 24

231 11 0
                                    

"Bakit hindi mo nalang ibenta ang sasakyan? Ilang taon mong pinag-ipunan ang mga iyan. Anong gagamitin mo sa mga susunod na buwan?"

Alexandro sighed heavily and shrugged. Ngumiti lang ng tipid bago ipasok ang kanyang iba't ibang klase ng gitara sa lalagyan. Nanlumo rin ako habang pinapanood siyang hirap na pakawalan ang mga bagay na mahalaga sa kanya.

He's planning to sell his guitars to provide his daily and future expenses. Nagkaroon sila ng alitan ng kanyang magulang.

"They disown me already, Rishan. Aside from this house, this is all that I have right now."

Napaawang ang bibig ko.

Itinakwil siya?

Pero... bakit? Hindi ba sobra naman iyon masyado? Napalunok ako ng makitaan na mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Hindi ko inaasahan na aabot ng ganito ang mga magulang niya. They are selfish to do this on their own son.

"How about your tuition fees for this sem?"

"My parents paid for my school fees just only this year. If I didn't shift my course sooner, they would never support my needs for next year or more," aniya kaya napasinghap ako.

That's too much!

"But don't worry. I already withdrew quite an amount of money before they suspended my accounts. If I didn't spend that much, it is enough for at least three years," sambit niya at ngumisi.

I glared at him. Mukhang proud pa talaga siya dahil naisahan niya ang mga magulang niya sa kanyang ginawa.

"Kung iyon naman pala, bakit kailangan mo pang ibenta ang mga gitara mo?"

"I'm not sure what will happen next. My parents will know eventually that I withdrew some money. They'll do everything just to make me suffer from this decision. Baka nga isang araw wala na rin akong matirhan."

"Hindi naman siguro pati ang bahay na ito kukuhanin. Iori and Krissena are also here..."

Umalis ako sa pagkakaupo at tinulungan siyang mag-ayos ng mga gitara. It is his collections. Halos apat ang balak niyang ibenta at may pito na naiwan pa at 'yung dalawa na lagi niyang ginagamit. Ang sakit sa dibdib dahil parang pinamimigay mo ang sarili mong anak.

"Bakit hindi mo na lang ibenta kapag nangangailangan ka na talaga?" suhestyon kong muli dahil kahit hindi niya sabihin, ramdam ko na labag sa loob niya ang gagawin.

"It's fine, Rishan. Marahuyo's band will take care of the three guitars. Papa told me too that Amihan will use the other two, so I'm at ease that my babies are in good hands."

"Ang hirap naman kasi. Bakit hindi ka nalang suportahan kung saan ka masaya? Sabihin mo sila nalang mag-aral! Pero pinag-iisipan mo pa rin bang sundin na lang ang gusto nila?"

"I've been thinking about it since I was young. But I don't really want to take something I don't want."

"Si Iori rin ba pinipilit nila?"

Gaya ng sabi ni Sena, dito na rin nag-aral ang pinsan nila para sa kolehiyo. I am too, SDU is a good university. Iori and him take the same course. Like Xandro, she also wants to enter music industry. Sayang ang talento nilang dalawa kung hindi ipagpapatuloy.

"Nope. We are not in the same case. Her parents don't give a damn about her life. They even have no idea how talented their daughter is. I don't know if it's better than mine who are forcing me to take something I don't want. That's why I convince her to live with me. It sucks to be in Sebastian," iritable niyang sabi kaya hindi ko rin mapigilan ang mainis.

Parang tanga naman kasi. Nakakainis talaga. Pera nalang ba ang laging importante? Oo, noong una naisip ko na naghirap ang mga magulang nila para makarating sa kung anong mayroon sila ngayon kaya dapat ituloy nina Xandro ang pamamalakad, pero kung ganito lang? Walang pakialam sa mga anak?

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon