Everything is not easy when it comes to achieving our dreams. I was inspired to work harder when I witnessed Xandro's determination and for not giving up no matter how hard it was for him to be in that camp.
Makalipas muli ang ilang linggo, ramdam ko kung gaano talaga siya kahirap sa bawat pananatili niya roon. Nahihirapan din siyang matulog sa gabi dahil pinapangunahan ng kaba sa mga susunod na araw. He wants to give up already because being doubtful to yourself and being lonely at the same time is an obstacle that he needs to surpass each day.
Whenever we talk to each other, it also hurts me to hear his tired and broken voice. Kaya ginagawa ko lahat para mas pagaanin ang loob niya sa mga araw na iyon. He thinks that he's not good enough even though he's already in the top five! He was chosen!
Main vocalist!
My boyfriend is the main vocalist!
Yes, he is.
He made it!
He finally made it!
Labis ang saya ko nang ibalita niya sa amin iyon. Nang nalaman naming lahat, agad kaming bumisita sa camp kahit sandali lang ang selebrasyon para sa kanya. I'm so happy for him!
Pero gaya ng proseso, mahirap ulit ang pagdadaanan niya para sa isang taong training. It is for their debut as a boy band. They need to undergo the same training provided to idols, attending classes ranging from voice and dance to personality development and body conditioning.
Binilang ko ang mga araw na halos hindi kami magkita pero nakakapag-usap naman palagi kahit sandali lang sa calls at video chat. It's been... no it's not days or weeks anymore. It's been four months since the last time we saw each other in person. Nag-iba kasi ang location ng camp at mas napalayo pa.
I don't want to ask him to went outside the camp even they allow the trainees but it's such a hassle. Masyado na siyang pagod lagi para bumyahe pa. Minsan, kahit gusto ko man na puntahan kahit matagal ang biyahe, kaso ay abala rin ako sa eskwelahan dahil patapos na ang klase.
I need to comply a lot of task and requirements as a third year college student. Maraming kailangang gawin at tapusin na editing ng mga short films. Wala rin akong tulog masyado para matapos ko ang lahat.
"Congratulations sa atin! Iba talaga kapag si Maurisse ang leader natin," ani ni Gareth na kaklase at kagrupo ko.
Ang saya lang dahil isa kami sa grupo na nabigyan ng plus dahil kami ang unang nagpasa sa klase. Others are still polishing their last project this year. Aligaga na matapos dahil hanggang mamaya pa namang gabi ang deadline.
"May gagawin ba kayo? Tara! Libre ko," anyaya ni Jasper na kagrupo ko rin.
"Pass, may gagawin pa ako. Enjoy kayo..." singit ko kaagad dahil alam kong pipilitin nila akong sumama sa kanila gaya noong nakaraan. Kapag kasi may naipapasa kaming project, automatic na may maglilibre sa kanila bilang selebrasyon.
"Ang daya naman, Maurisse! Minsan lang oh..." si Gareth na nagpapa-cute pa para sumama ako.
Ngumiti ako sa kanila at umiling. Tumayo na ako at sinimulan nang mag-ayos ng gamit para makauwi na. It's not that I don't want to be with them, puro lalaki kasi sila na naiwan at ang ibang kagrupo ko na babae ay umalis na. They're my friends but others might think it in a wrong way.
"Huwag niyo ng pilitin si Maurisse. Supalpal kayo kay Jael kapag nakita na naman kayo," pagbibiro ni Wesley na kagrupo ko rin. Umismid ako dahil malisyoso niya akong ginawaran ng tingin.
"Hay, oo nga. Sa ganda ba naman ng katawan ng boyfriend ni Maurisse, siguradong manghihiram ako ng mukha sa aso," natatawang sabi ni Gareth kaya halos maubo ako sa narinig.
BINABASA MO ANG
Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)
Fiksi Remaja𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟑/𝟖 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗯𝘆 𝗵𝗶𝘀 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗮 𝘀𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗳𝘂𝗹 𝘀𝗶𝗻𝗴𝗲𝗿-𝘀𝗼𝗻𝗴𝘄𝗿𝗶𝘁𝗲𝗿, 𝗳𝗮𝘁𝗲 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘄𝘀 𝗫𝗮𝗻𝗱𝗿𝗲𝘂𝘀 𝗔𝗴𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗶𝗻 𝗮 𝗳𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗮𝘁𝗲...