The shoot that was scheduled for this month is the making of the teaser for Delarua's movie. Hindi pa iyon ang mismong trailer. She was paired with a young rising actor. Nakita at nakilala ko na ang iilang cast.
Nasilip ko ang script at medyo matrabaho nga ang pelikula dahil paiba-iba ng location. It's about a girl who wakes up every day with a different life, status and character. Kung ngayon gigising siya bilang mayaman, kinabukasan ay mahirap siya. Tapos sa susunod na araw, she was an ordinary girl then when she woke up again, she's a super star.
The plot is good, and I'm looking forward to how Delarua will portray each of her characters. Especially those characters who have disabilities and victims of cruelty. It will tackle different kinds of hardships, realization, and how every individual copes with harsh reality.
May music video rin na gagawin para sa promotion. Iyon ang nagpakaba sa akin sa bawat araw ng pagtatrabaho. The band, Balaclava, and Ariela, the famous singer will sing for the theme song. May screen time sila para sa music video. Sana tatlo o apat na araw lang ay matapos nang makuhanan ang kanilang parte.
"First and second assistant camera? Focus puller? Assistant cameraman? Si Desmond ay nandiyan na ba? How about the steadicam? Clapperboards?" tanong ni Ma'am Belle kaya agad akong sumagot dahil kakatapos ko lang i-check ang lahat.
Everything is settled already. The cameras, lighting, monitors and even the microphones for the audio. Ang mga aktres at aktor na lang ang hinihintay para masimulan na ang shoot ngayong araw.
It is my 8th day at work, and gladly, Delarua is professional and civil. Akala ko talaga totohanin niya ang pagbabanta niyang paaalisin ako sa trabaho. As of now, I'm doing a great job because Ma'am Belle is praising me every day for reducing her stressful tasks.
Kahit hindi ko na trabaho, tumulong pa rin ako sa pagseset-up ng mga camera dito sa location. We are still at the rest house for the shoot until the end of the month. Kailangan na kasing makuhanan lahat muna ang scenes dito dahil malayo-layo ang lugar sa siyudad. Ang hassle kasi kung pabalik-balik.
"Ready na po lahat, Ma'am. Si Desmond po ay narito na kasama ni Sir Paul kanina."
Si Desmond ay kapalit ng isang cameraman para sa first camera assistant habang si Sir Paul naman ay ang aming digital imaging technician. They are also responsible for managing data on set, such as making backups and quality checks of the material. Then, he'll send the uncompressed files that he received from memory cards to the editors and make compressed file dailies for the director.
"Good. Keep up a good work, Maurisse," ani ni Ma'am Belle at tinuro sina Gareth at iilang filming crew na nakapalibot sa isang camera.
Mukhang may problema kaya nagpaalam ako kay Ma'am Belle para tingnan iyon. Na-check ko na kanina pero mabuti nang i-check muli para sigurado.
"Anong meron, Gareth? Sumumpong ba ulit ang shutter?" tanong ko at sinuri ang camera para sa second assistant.
"Hindi naman, Maurisse. Software issues lang at hinihintay lang namin na ma-update. Oh, ayan na pala!" sagot ni Gareth sa akin at lumitaw na sa screen na na-update nga ang camera.
Medyo mabagal lang ang mag-loading at baka aabot ng sampung minuto kung sakali.
"Sige, ako na ang bahala rito. Tawagin ko na lang kita kapag tapos na. Balik na kayo sa ginagawa niyo kanina," sambit ko dahil maging si Direk Leonel ay nakatingin sa gawi namin. Baka isipin na may commotion na nangyayari.
"Sige, nasa may tent lang ako Maurisse. Check ko lang ang mga extra na batteries at lighting set," pagpapaalam ni Gareth habang si Paolo, Daniel at Farley naman ay pumunta na sa kanya-kanyang camera.
BINABASA MO ANG
Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)
Ficção Adolescente𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟑/𝟖 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗯𝘆 𝗵𝗶𝘀 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗮 𝘀𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗳𝘂𝗹 𝘀𝗶𝗻𝗴𝗲𝗿-𝘀𝗼𝗻𝗴𝘄𝗿𝗶𝘁𝗲𝗿, 𝗳𝗮𝘁𝗲 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘄𝘀 𝗫𝗮𝗻𝗱𝗿𝗲𝘂𝘀 𝗔𝗴𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗶𝗻 𝗮 𝗳𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗮𝘁𝗲...