"Ayos lang naman. Let's just call each other when you're free. Galingan mo lagi at focus ka, okay?" paalala ko sa kanya habang tinutulungan kong mag-ayos ng damit sa gagamiting maleta.
"Huwag kang papa-pressure anak. Mas mahirap na dahil makikilala mo na lahat ng kalaban mo. Huwag kang mag-alala at bibisita kami ni Ashanti roon para hindi ka na mapagod pa," sambit ni Papa na abalang nagluluto sa kusina.
"Opo, Pa. I learn a lot from you how to handle my self-doubts and insecurities. I'll never forget them," pahayag niya kaya napangiti ako.
Xandro passed in the audition.
Sa halos tatlumpung libong sumali ulit ngayong taon, nakapasok sa siya top 50. For the level three, it is more intense and harder than the first two levels. They will stay in a CVX talent bootcamp for the mean time.
Doon na ang totoong laban dahil magbabawas sila hanggang sa maging kalahati na lang, maging sampu at makapili na ng lima na mas ite-train at bibigyan ng pokus para sa bubuuing banda.
I was worried about him a little. He will be away from us for 100 days or more because if he is successfully included in the top five, he'll experience a year of training to improve their vocals and how they'll perform on stage.
I know he can handle himself. He's independent for two years now. Hindi suportado ng pamilya at siya ang nagtatrabaho para sa sariling pera. Sana magkaroon siya ng kaibigan doon para hindi siya masyadong malungkot. They can't use phone and technology that much aside from their break time.
"Good luck dude, this is it. Konting-konti na lang nariyan ka na. And I'll keep my eyes at Rishan for you. I'll tell your right away if she's staring at other girls," panunukso ni Jael sa akin kaya sinamaan ko ng tingin.
Ako? Titingin pa sa iba? We were almost two years together! Halos hindi ko na nga ma-appreciate ang iba dahil si Alexandro lang ang nakikita ko.
"We'll also pay a visit to you. Don't worry about Sena and Iori. Devan, and I will take care of them while you're chasing your dreams," paninigurado ni Zyris kaya tinapik ni Xandro ang balikat niya.
I'm happy that he has friends like them. Suportado lagi sila sa isa't isa kahit magkakaiba na ang tatahaking daan sa buhay. Heliocentric wasn't disbanded even though they stop performing together.
Jael is busy now for his endorsements and photoshoot. Modeling talaga ang gusto niya sa buhay at sa tingin ko may planong mag-artista. While Zyris will continue his family's business. Si Devan naman ay kumuha ng kursong Engineering at going strong din sila ng maganda at mahinhin na girlfriend na Architecture ang kurso. What a perfect match.
"Huwag mo akong masyadong mami-miss. At huwag kang mag-alala dahil walang masusumbong itong si Jael na tumitingin ako sa iba."
He smiled and patted my head.
See? He wasn't bothered or what.
Patay na patay ba naman ako sa kanya kaya bakit hindi makakampante? Ang laki kaya ng tiwala namin sa isa't isa. We are always open to each other.
"I can't help to miss you..." he said softly.
Normal lang na mamiss na namin ang isa't isa. Magkakalayo pero worth it naman lahat kapag natapos. His dream is my dream too. Like what Jael said, konting-konting tiyaga na lang at nariyan na. His hardwork will pay off eventually.
"Baka ikaw ang tumingin sa mga kasama mong lalaki roon, ah!" pagbibiro ko. Devan shook his head when he heard what I said. Malabo naman kasi iyon.
"Tinulad mo pa sa iyo, Ashanti. Halina kayo rito at kumain na," anyaya ni Papa sa aming lahat.
Tumayo na rin kaming lima at tinawag na sina Sena, Iori at Eera na nasa itaas para sabay-sabay ng makakakain. This is the last time that we'll eat together with Xandro. Ang saya dahil kumpleto kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)
Fiksi Remaja𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟑/𝟖 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗯𝘆 𝗵𝗶𝘀 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗮 𝘀𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗳𝘂𝗹 𝘀𝗶𝗻𝗴𝗲𝗿-𝘀𝗼𝗻𝗴𝘄𝗿𝗶𝘁𝗲𝗿, 𝗳𝗮𝘁𝗲 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘄𝘀 𝗫𝗮𝗻𝗱𝗿𝗲𝘂𝘀 𝗔𝗴𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗶𝗻 𝗮 𝗳𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗮𝘁𝗲...