"Pa! Ayusin mo naman ang pagkakalagay. Parang ewan naman ang alignment!" pagrereklamo ko nang makita na hindi magkakatugma ang kulay ng mga balloons.
"Ano ba, Ashanti. Hindi na mapapansin iyan. Napakaarte naman," reklamo rin niya pabalik at binitawan na ang mga lobo.
What? Anong hindi na mapapansin? Puro yellow ang nasa kanan tapos pink sa kaliwa. Nakakaumay sa paningin. Napapadyak ako at lumapit sa ginagawa niya. Ako ang nag-ayos ng tamang pagkakasunud-sunod ng mga lobo na ididikit sa pader. I also fixed the tarpapel.
Wala akong budget sa tarpaulin kaya ito lang ang kaya ko. Saka kanina ko lang naisipan. It is a simple decoration for today's celebration. Nasa may music studio kami ni Papa dito sa food park niya ngayon. He's helping me to organize everything. Si Shade at ang lahat ay busy kaya si Papa ang naisipan kong istorbohin.
Dito ko naisipan gawin dahil nasa labas lang naman si Alexandro. He's performing with Marahuyo outside.
"Ngayon lang kita nakitang nag-effort ng ganito sa lalaki. Kung naglalaro ka lang, mabuti na't tumigil ka na habang maaga pa. Isasama mo pa ang anak ko sa kaharutan mo," sermon ni Papa kaya lumukot ang aking mukha sa kanyang sinabi.
"Kailan pa ako nagkaroon ng kapatid? Ako lang ang anak mo dito!" nagmamaktol kong sabi at pinagkaabalahan ang mesa para takpan ang pagkain.
Papa treats Xandro and Marahuyo as his own child already. Hindi ko alam anong nangyari pero parang ako na ang anak sa labas ngayon. Argh. Kainis.
"Mabuting bata iyang si Xandro, Ashanti. Huwag mong sirain ang buhay. Malayo ang mararating niyan," sambit pa niya kaya mas lalo akong ngumiwi.
Ako? Maninira ng buhay? I'm his manager nga eh!
"Pa, kita mo itong ginagawa ko? Mukha ba akong naglalaro?"
"Oo, dahil hindi katiwa-tiwala ang mga galawan na ganito. Dito mo pa naisipan gawin para mang-utang ng pagkain. Hindi ka naman marunong magbayad at iiwanan mo lang mga kalat mo pagkatapos," panenermon niya kaya napasimangot ako.
"Lilinisin ko kaya! Sasamahan ako ni Alexandro mamaya mag-ayos ng mga ito..."
"Osiya, ikaw na bahala rito at maiwan na kita. Titingnan ko muna ang mga nangyayari sa mga anak ko," paalam ni Papa at diniin pa talaga ang salitang 'anak ko'.
Sa halos isang buwan kasi na paggabay at pagturo sa apprentice kuno niya, mukhang napalapit na sila sa isa't isa. They are also calling him "Papa". Ayos lang naman. I heard Marahuyo is longing for a father figure and Alexandro is not close with his Dad. I'm fine if Marahuyo and I will treat each other as a sister.
Pero kay Xandro? Hindi pwede!
Pagkaalis ni Papa, ipinagpatuloy ko ang ang pag-aayos sa lahat. I also set the projector for the countdown and hope that it will be this night. I checked Alexandro's subscriber count, and it's already 99,542 subscribers in just one month!
Silver play button is coming! Kalahating libo na lang. Kaya ba ngayong gabi? Of course! Kaya yan.
Like I said a while ago, I'm not only his manager. I am his first subscriber, first viewer, and his editor. I convinced him to do this. Sa tingin ko kasi malaking tulong din na magkaroon siya ng youtube channel.
Mayroon naman ang Heliocentric pero puro live videos nila ang naka-post. It is much better if he will create his own and post his original songs and covers.
Nang matapos kong aregluhin lahat ng pagkain at dekorasyon, kinuha ko ang cake at inisip kung saan pwedeng itago. I hide it behind the drum set to surprise him later. I don't know why I'm doing this but supporting him made me happy.
BINABASA MO ANG
Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)
Ficção Adolescente𝐂𝐢𝐮𝐝𝐚𝐝 𝐝𝐞 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟑/𝟖 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲𝗻 𝗯𝘆 𝗵𝗶𝘀 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝗯𝗲 𝗮 𝘀𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗳𝘂𝗹 𝘀𝗶𝗻𝗴𝗲𝗿-𝘀𝗼𝗻𝗴𝘄𝗿𝗶𝘁𝗲𝗿, 𝗳𝗮𝘁𝗲 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘄𝘀 𝗫𝗮𝗻𝗱𝗿𝗲𝘂𝘀 𝗔𝗴𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗶𝗻 𝗮 𝗳𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗮𝘁𝗲...