Phase 22

261 12 1
                                    

"Pasukan na next week. Why don't you just get an editor? You're already in college. Hassle kung maghapon kang nag-eedit," Shade suggested.

Minsa'y pulang rosas
sa gitna ng hardin
Marahil ika'y nakatataas
Kaya kapansin-pansin

"Hindi pwede. Mas hassle kapag may editor. Bukod sa dagdag gastos, gusto ko na nakikita ang bawat proseso kaya mas maganda kung ako na lang."

Ang halik ng sinag ng araw
ay tutulungan kang mas tumindig
Huwag kang umayaw
Para ika'y lubusang marinig

Saka kapag may editor, there's a possibility that you can't achieve your desire outcome of your content. Pahirapan pa sa pag-demand dahil medyo nakakahiya kung may reklamo ka.

Minsa'y itim na rosas
sa sulok ng hardin
Nahihirapang makatakas
Sa mapanghusgang paningin

"Xandreus is rich, Shan. He can afford it," aniya at pumalumbaba sa mesa habang pinapanood akong mag-edit ng bagong video na u-upload namin bukas ni Alexandro. It was one of his original songs.

"Marunong naman ako kaya kahit huwag na," pangangatwiran kong muli habang tini-trim ang mga clips na hindi tumutugma sa audio. I also enhanced the video quality.

Dahon ay unti-unting nalalagas
May solusyon pa ba?
May hahangad pa bang pumitas
Kung ang iba'y mas maganda?

Tama si Shade na maraming oras ang ginugugol ko sa pag-eedit. Minsan apat o limang oras kung tuloy-tuloy dahil gusto ko perpekto lahat na mapopost sa channel. Alexandro can hire an editor, a more professional than me but I like doing these kind of stuffs so I volunteered to do take care if it.

Natatanging bulaklak
sa gitna ng hardin
Kinalimutang halimuyak
kaya walang pumapansin

I will take Mass Communication in college. Mukha lang akong walang ambag sa buhay pero may ganap naman ako. I like video, photo and audio editing. I am member of film-making and production in my previous school. Mas maganda kung ako na lang mag-edit dahil napa-practice rin pa lalo ang kakayahan ko.

Tuyong ugat, itim na talulot
Nakakapinsala ang iyong dulot
Pumatak ang mumunting dugo
dahil sa iyong tinik
Dumaloy ang iyong luha
nang hindi ako nakaimik

"Siya nga pala. Pili ka anong magandang thumbnail sa apat. Lahat kasi ng anggulo gwapo siya kaya hindi ko alam ano pipiliin," sambit ko at ibinigay ang cellphone na nasa gallery.

Shade chuckled and stared at me with his unbelievable eyes.

"Do you really like him, huh?" he mocked and browse the photos that I'm pertaining to. Pinagpatuloy ko ang pagti-trim habang hinihintay ang napili niya para maging thumbnail.

"This. I like the angle of this one. The double exposure is great," sabi niya at inilapit sa akin ang larawan. Napangiti ako nang piliin rin niya ang isa sa mga pinagpipilian ko talaga.

Ika'y pulang rosas na naging itim
Binigyan mo ako ng kasagutan
Sa kung anong dapat gawin
Ako'y tumalikod at humakbang palayo
Hindi dapat maghangad ng bulaklak
ang isang taong hindi kayang kumapit
sa mga tinik mo

"Okay, sige ito na lang. Nag-improve ba editing ko?" masayang usisa ko at hinanap na sa mga files ang thumbnail na ilalagay.

"Yes, it did..."

Celestial Chords (Ciudad de Escalante #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon